Note 82

113 6 0
                                    

Matapos naming magbayad ay umupo na kami

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Matapos naming magbayad ay umupo na kami. Nagkukulitan lang sila Ate Glad. Tahimik lang akong nakamasid sa paligid. Natigilan ako dahil nakita ko nandito din siya. Kasama niya mga ka kaibigan niya.

Malapad siyang nakangiti at kumaway sakin. Kumaway din ako bilang pansin sa kanya. Kanina pa ba sila diyan? Bakit di ko sila napansin noong dumating kami. Tinignan ko ang table nila at nakita ko na wala pa ang itong pagkain. Hinihintay din pala nila ang order nila. Nabigla ako ng sumigaw si Freesia.

"KUYA ASHER!"  Kumaway-kaway pa ito kaya naman nag mu-mukha itong bata.

natahimik sila Ate Heather at napatingin din sa gawi nila Asher.

"Lipat kayo dito sa tabi namin. Dali!" Atat na saad nito. Napanganga naman sila Ate Peony sa sinabi niya.

"Ang feeling close mo talagang hindot ka!" Sigaw ni Hydrangea sa kanya.

"Kaya lang naman niya pinapalipat kasi nandyan crush niya. Pesticides. Tindi humarot ng gagang ito."  Bulong ni Ate Lili samin.

"Isn't Asher her cousin?" Takang bulong ni Ate Iris.

"Huwag na. Okay na kami dito." Pagtanggi ni Asher sa alok niya. Tumango naman ang mga kaibigan niya.

"Lilipat kayo o ka-kaladkarin ko kayo papunta dito?" Pinangdidilitan niya ng mata si Asher kaya naman napalunok si Asher at sabay sabi ng "hehehe. Sabi ko nga lilipat na po."

Tumayo agad sila at lumipat sa katabing table namin. U-upo na sana sila ng bigla na naman tumayo si Freesia

"Hepp...Hepp...wait." pagtigil nito sa kanila.

"oh. ano na naman?" Nakakunot na ang noo ni Asher.

"Idikit niyo ang table niyo samin kuya. Para naman tayong hindi magkakilala niyan eh." Nakangusong saad nito.

"Pottaca Freesia. Sige ngumuso ka uli puputulin ko na yang bungaga mong gaga ka."  Sigaw ni Hydrangea sa kanya.

"Hoy! Huwag mong awayin bebeloves ko!" Pagtatanggol ni Ate Heather.

"Ay rambulan na naman. Sige pumusta na kayo kung sino manok niyo." Pinaghahampas ni Ate Glad ang lamesa. "Awit susugal ako sa kay Heather."  Sabi ni Ate Peony.

Ewan ko nalang talaga. Napaka warshock talaga nila Ate. Di nahihiyang magkalat kahit saan. Sasagot pa sana si Hydrangea pero dumating na si Aling Ruela. Bitbit nito ang mga order namin. Kaya naman inayos na nila Asher ang lamesa.

"EWAN KO NALANG TALAGA SA INYO. ANG LALAKAS TALAGA NG BOSSES NIYO. PARA KAYONG MGA BATA KUNG MAKIPAG RAMBULAN!"

"yey! nandyan na ang food. thank you mameh Ruela. Ganda niyo po talaga pramis. Wala po bang pa free siomai diyan. hehehe." Pambula ni Ate Heather.

"Naku! Alam kung maganda ako. Huwag mo na ulit-ulitin."

Nasamid si Ate Glad sa iniinom niyang tubig. Kaya naman umubo ito at pinipigilan na tumawa ng malakas.

"Pero thank you din. Kaya dahil diyan may libre kayong siomai. Sige kukunin ko muna ang iba ha." 

"Yey! Sana always po may libre hihihi."

Umalis na ito sa harapan namin.  Doon din lumabas ang malakas na tawa nila Ate Peony at Ate Glad hinampas pa nga nila si Ate Heather.

"Iba na talaga kamandag mo friend. Pati si Aling Ruela nilalandi mo na."  Tumatawang saad ni Ate Aster.

"Basta kasama natin to si Heather may libreng siomai palagi."  Masayang saad ni Ate Lili

Kumain na kami at patuloy parin sa pagdadaldal sila Ate.

"Ano ba maliit na bagay. Sabihin niyo lang salamat Master Heather. hihihi" natawa naman ako. Kapag talaga kompleto kami puro lang talaga kami kalokohan. Buti nalang talaga na wala sila mama ngayon kasi I'm sure kapag nandito sila di ako makakasama sa kanila Ate.

Narinig kung may umismid sa table ng mga boys kaya naman napatingin ako sa table nila. Tahimik lang silang nakikinig sa amin. Pero di ko maiwasang hindi mapansin ang pag-irap ni Ate Heather sa isa sa mga kasama ni Asher.

"Napapansin ko na talaga na may pagka favoritism tung si Aling Ruela ha. Nakakapagtampo na." 

"Gaga huwag kang magtampo diyan. Wala dito si Xian mo. Walang lalambing sayo." Pambara ni Ate Glad sa kay Ate Aster.

"At least may jowa. Di tulad ng isa diyan. Hayst di na ako mag sasalita baka masaktan."

"Di ako apektado. Tuloy parin ang buhay." Walang pakeng saad ni Ate Glad

"Grabe my friend di ako nakailag. Bakit parang di lang isa pinapatamaan mo?"  Madramang saad ni Ate Lili

Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan sila. Lumipas ang ilang oras at naging malapit na sila Ate sa mga kaibigan ni Asher. Sobrang ingay nga ng table namin kasi puro kalokohan lang ang mga pinag-uusapan nila. Nakakatuwa din naman pala silang kasama kasi nakikisabay ito sa kalokohan nila Ate.

Tumunog ako telepono ko. Tinignan ko ito at binasa.

Adore (Falling Flower Series #1 )Where stories live. Discover now