Note 48

142 10 0
                                    

Daisy_writing 11:17 PM nagkagulo na naman sa bahay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Daisy_writing 11:17 PM nagkagulo na naman sa bahay. Umuwi kasi si mama ng lasing at ako ang nagbukas ng pintuan noong umuwi siya. Kumakatok lang kasi siya, naiwan niya daw kasi ang susi niya.

Akala ko magiging okay lang ang lahat kasi noong pinagbuksan ko siya ng pintuan, okay pa naman ang pakikitungo niya. Inalalayan ko pa nga siya patungo sa kwarto niya eh. Pero kalaunan natigil din kami dahil sa tinabig niya nalang ang kamay ko ng biglaan. Kaya natabig ko ang vase na nasa may hagdanan namin.

Lumikha ng malaking ingay ang nabasag na vase. Kaya nagalit si mama kasi daw sobrang ingay daw. At ang burara ko daw kasi palagi nalang daw mali ang ginagawa ko. Katulad nalang daw sa nangyari noon.

Okay naman sakin na sumbatan niya ako ng kung ano-ano pero bakit kailangan niya ka balikan ang nakaraan?

Pinagsalitaan niya ako ng mga masasamang salita at tinulaktulak ako kaya naapakan ko ang mga bobog ng nabasag na vase. Pero kahit na naapakan ko iyon di ko naramdaman ang sakit dahil sa mas nasasaktan ako sa mga pinagsasabi niya. Manhid na nga talaga ako.

Umakyat na siya matapos niyang maglabas ng hinanakit sakin. Naiwan ako mag-isa doon na nasasaktan. Lininis ko ang kalat at nakita ko na unti-unti ding namamatay ang bulaklak na nakalagay sa vase katulad ng pagkakatao ko.

Adore (Falling Flower Series #1 )Where stories live. Discover now