Note 40

149 11 0
                                    

Pagkatapos ng morning classes ko pumunta agad ako sa locker room para kunin ang baon ko

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.

Pagkatapos ng morning classes ko pumunta agad ako sa locker room para kunin ang baon ko. Di muna ako sasabay sa kanila Ate gusto ko munang mapag-isa kaya doon muna ako mag lulunch sa School Garden dahil tahimik doon at makaka pag-isip ako ng mabuti.

Pagkabukas ko sa locker ko may nahulog na Papel kaya kinuha ko ito at napansin ko na galing ito sa kay A.K na patuloy paring nagbibigay sakin ng notes. Nakilala ko agad na sa kanya ito galing dahil rose quartz and serenity ang kulay ng papel na palagi niyang binibigay. Ibinulsa ko ito at kinuha ang mga kailangan ko at nagtungo na sa school garden.

Kanina habang nag kaklase kami ay di ako nakapag concentrate dahil marami ang bumabagabag sa isipan ko, buti nalang talaga at hindi kami nag quiz kanina kaya ligtas ako. 

Pagkarating ko sa garden ay umupo agad ako sa bench at linapag ang mga gamit ko at hinanda ang pagkain para makakain na ako.

Ito ang unang beses na hindi ako sumabay sa kanila Ate kaya naninibago ako. Walang masyadong ingay na maririnig, tahimik lang ang paligid pero ok na ito dahil kahit nalang man sa sandaling ito ay maranasan ko naman kung ano ang pakiramdam kung ikaw lang mag-isa dahil di sa lahat ng pagkakataon ay may makakaramay ka kung may problema ka. Pero hindi ibig sabihin noon na tatalikuran ko na sila Ate lili

Alam ko naman na handa nilang akong pakinggan kung may problema ako pero mas pinili ko parin solohin ito dahil di ko gustong maging pabigat sa kanila kasi alam ko na tayong mga tao ay may ibat-ibang klaseng problema na dinadala. 

Tapos na akong kumain kaya linigpit ko na agad ang pinagkainan ko. Tinignan ko ang paligid ko at dun ko lang napansin na maganda pala dito. Napapalibutan ng mga nag gagandahang bulaklak ang ibat-ibang sulok ng garden at sobrang presko ang simoy ng hangin. Habang pinapakiramdaman ko ang paligid naalala ko note ni A.K kaya kinuha ko agad ito sa bulsa ko at binasa kasi gusto ko malaman kung ano na naman ang pakulo niya ngayon.


Adore (Falling Flower Series #1 )Kde žijí příběhy. Začni objevovat