CHAPTER ONE

115 1 0
                                    

KASALUKUYANG inaayos ni Sapphie ang kanyang gypsy outfit para magmukhang katotohanan ang itsura niya. Tatlong tao na ang pumasok sa tent niya ngunit nagback-out ang mga iyon na para bang isa lang siyang joke.

"Eh, isa ka naman talagang joke." Bulong niya sa sarili. But people didn't need to know that. Kailangan niyang kumita ng pera sa araw na ito dahil kung hindi, sabunot ang salubong ng stepmother niya sa kanya.

Sapphire "Sapphie" Velasco was a modern Cinderella. Cliché man pakinggan pero iyon ang totoo. Pitong taon ang lumipas simula nung namatay ang kanyang ina dahil sa sakit na cancer ay pumasok sa kanilang buhay mag-ama ang stepmother niya. Two years ago, ay nagkakilala ang mga ito at nagpakasal. Much to her horror, her stepmother was a bitch. Buti na lang hindi nag-mana rito ang kaisa-isang anak sa una nitong asawa. Lumabas ang tunay na kulay nito nang mamatay ang ama niya nung nakaraang taon dahil inatake ito sa puso. Simula noon ay si Rio na lang ang tanging kakampi niya sa bahay.

Rio was six years younger than her at itinuring siya nitong ate. Siya lang din naman kasi ang nakakaalam sa sekreto nito. Rio was a closet gay, at natitipuhan nito ang kapitbahay nilang parang gang leader doon sa lugar nila. Si Rio lang din ang sumusuway sa ina kapag sumusobra na ito sa sermon. Tanging ito lang talaga ang kakampi niya sa bahay.

"Hoy, ano bang ginagawa mo? May papalapit na customer," speaking of the devil, dumating si Rio. "Sis, umupo ka na. Go!" Dahil hindi siya agad tumalima, itinulak siya nito patungo sa upuan. Eksaktong dumating ang isang magandang babae na may kasamang gwapong lalaki. Sapphie's eyes automatically zoomed in to the handsome man. Nakasalubong ang mga kilay nito habang hinagod siya ng tingin pagkatapos nitong tingnan ang paligid sa loob ng tent. It seemed like he didn't want to be there. And from the way he was looking at her, she could tell he was judging her.

Uncomfortably, Sapphie squirmed in her seat. Pinagpawisan tuloy ang kili-kili niya. Napatingin tuloy siya kay Rio ng wala sa oras. Ito naman ay sinalubong ang mga mata niya. "Oh-la-la..." He mouthed. Palihim na kinurot niya ito sa tagiliran.

"We shouldn't be here," nagsalita ang gwapong lalaki at nanayo bigla ang balahibo niya sa batok nang marinig ang baritonong boses nito. Bumaling muli rito ang kanyang atensiyon.

She drank the sight of him. He had a clean-cut hair and he was taller, probably almost six feet. He kind of had this domineering aura making her feel like hiding beneath the circular table was the best thing to do at the very moment. She was honestly on the verge to do just that. Ang mga mata nitong kasing itim ng gabi ay parang nanunuklaw. Hindi tuloy siya makatingin ng diretso rito.

"Magpapahula kami," nagsalita ang babaeng kasama nito at pansamantalang Nawala ang atensiyon niya sa lalaki. But she was aware of him, though. Aware of him moving closer towards the table.

"This is not worthy of our time, Ven. Let's just go." He said with a hint of mockery. Muli, tumingin ito sa kanya na nakataas ang isang sulok ng labi nito na waring hinuhusgahan siya nito ng palihim. Napalitan ng inis ang kanyang nararamdaman.

"Please have a seat," aniya. Hindi niya nakaligtaan ang pagkabigla ng lalaki sa pagsalita niya ng Ingles. Hoy, kahit ganito ang itsura ko marunong akong mag-English! Aniya sa isip. Gustong-gusto na talaga niyang irapan ang walang modong lalaki.

"I don't think this is bad," sabi ng babaeng kasama nito. Tuluyan na rin itong umupo at napansin niyang napabuntong-hininga na lang sa kawalan ng magagawa ang kasama nito.

"Give me your palm," aniya.

The guy snickered. "Same words, same actions. Wala na bang bago?"

Hindi na nakapagtimpi pa si Sapphie. Tinapunan niya ito ng matalim na tingin. "Pwede naman ho kayong lumabas sa tent ko Sir at doon kayo maghintay sa labas. You can go out if you'd like."

Stealing Hearts [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora