CHAPTER SEVEN

18 0 0
                                    

PAGKABABA NI Sapphie sa taxi ay agad na sumikdo ang kanyang puso nang makita ang kotse ni Jacob sa loob ng garahe. Napatingin tuloy siya sa kanyang relos. Maaga pa ngunit nakauwi na ito agad. Kadalasan kasi ay gabi na ito kung umuwi dahil nag-o-overtime ito sa trabaho. Ngunit iba ngayon. Alas cinco pa lang ng hapon ay narito na ito sa bahay. Hindi niya maiwasang magtaka. May nangyari kayang hindi maganda? Kinabahan siya para sa binata.

Simula noong umuwi silang tatlo mula sa beach house noong nakaraang linggo ay hindi na niya ito palaging nakikita sa bahay. Kadalasan kasi ay maaga itong pupunta sa trabaho at gabi naman kung umuwi. At kung nasa bahay naman ito ay nasa kwarto lang ito at nagtatrabaho. Minsan nga ay hindi na ito kumakain ng tanghalian. Ngunit minsan naman ay nadadatnan niya itong umiinom ng tubig sa kusina pagkatapos nitong mag workout sa sarili nitong gym sa loob ng bahay.

Mula noong humingi ito ng tawad sa kanya ay nag-iba na ito. He was friendlier than ever. Minsan nga ay inaasar siya nito kapag nagkasalubong sila sa loob ng bahay. Iyong tipo ng asar na nakakagigil minsan sa galit, minsan naman sa kilig.

Urgh! Stop, Sapphie! Hindi ka kinikilig, okay?

Bitbit ang mga pinamili sa supermarket ay pumasok na siya sa loob ng bahay. Pagpasok niya sa loob ay may narinig siyang mga boses na nag-uusap mula sa living room. Nang sumilip siya roon ay muntik na niyang mabitawan ang mga pinamili.

"Sissy!" Sigaw ni Rio kasabay na tumakbo ito patungo sa kanya. "I miss you so much!"

"Rio? A-Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na narito ako?" Naguguluhan man sa nangyayari ay niyakap parin niya ang stepbrother. "I miss you too, oh my goodness I can't believe you're here!"

Habang yakap si Rio ay napatingin siya kay Jacob. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanila. Kapagkuwa'y kumalas si Rio ngunit hindi siya nakahuma nang batukan siya nito. "Gaga ka!"

"Aray ko!" Asik niya habang hinilot ang ulo.

"Hindi kita ma-contact, palaging naka off ang cell phone mo. Halos mabaliw na ako sa kaka-isip kung nasaan ka na. Buti na lang at naisipan kong puntahan si Sir Jacob," ngumiti pa ito ng nakakaloka. He even mouthed 'yummy' with his eyes rolling at the back of his head.

Hinampas niya ito sa balikat. "Gaga ka!" Ganti niya rito. Buti na lang at nasa likuran nito si Jacob. Nang sulyapin niya ito ay nakakunot ng konti ang noo nito habang nakatingin parin sa kanila. "Ituloy mo nga ang kwento." Aniya agad-agad para hindi magtaka ang binata.

"Well, naisip kong puntahan si Sir kasi siya 'yung huli mong nakasama. Buti na lang talaga at nakita ko siya sa lobby ng kompanya. Sigurado kasi akong hindi ako papapasukin doon lalo na't wala akong ID na dala. To make the story short, he told me na nandito ka. So here I am sissy!" Muli siya nitong niyakap ng sobrang higpit. "Ang swerte mo, bruha ka." Bulong nito.

Hindi siya maka-react dahil nakatingin parin si Jacob sa kanila. "Haha! Yes." Iyon lang ang tanging nasabi niya, at may kalakasang tinapik ang likod ni Rio. Binitawan siya nito at pareho nilang hinarap si Jacob.

"I'm glad you finally saw each other," anito. "So, Rio, why don't you stay for dinner? Para naman matagal-tagal rin ang pag-uusap n'yo ni Sapphie."

"I would love to, Sir." Anito and to her, Rio winked.

Sapphie rolled her eyes but there was a smile on her face. "To the kitchen. Tulungan mo akong magluto."

"Excuse me, I'm a guest."

"Tadyakan kita diyan." Biro niya. Masayang sumunod naman si Rio sa kanya. He even linked his arms with her. At bago sila tuluyang makaalis ay binalingan niya si Jacob. "Thank you," she mouthed.

Stealing Hearts [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon