CHAPTER TWELVE

12 1 0
                                    

IBA ANG gising ni Sapphie kinabukasan. Isang matamis na ngiti ang agad na sumilay sa kanyang mga labi habang nag-inat siya ng katawan. Naalala niyang may ngiti rin sa kanyang labi nang siya ay natulog kagabi. Hindi niya alam kung ilang minuto silang naghalikan ni Jacob kagabi. Basta't ang nasisiguro lang niya ay namumula ang labi niya pagkatapos. They stung in the most delicious way, and she couldn't be bothered by it.

Bago siya tuluyang pumasok sa kanyang silid ay natanong niya kung ano kaya ang reaksiyon ni Avida sa kanilang dalawa. He assured her that his mom didn't mind. Duda nga nito ay mas nasiyahan pa ito sa nakita. Nahihiya man ngunit wala na siyang magagawa roon. Nangyari na iyon.

Tuluyan na siyang bumangon sa kama at pagkatapos ayusin ang sarili ay dumiretso na siya agad sa kusina upang magluto ng agahan. Avida was doing well lately, pero mino-monitor parin niya ang pagkain ng ginang.

Gumawa siya ng breakfast egg casserole, guacamole, garlic toast, cherry berry with chia and yogurt, at matcha vanilla smoothie. She was preparing the yogurt bowl when Jacob suddenly came up beside her. Kasabay ng paglingon niya rito ay hinalikan rin siya nito sa mga labi. Nagulat man ngunit hindi niya mapigilan ang mapangiti.

"Good morning," masayang bati nito at kumuha ng isang pirasong garlic toast at dinala iyon sa bibig.

"Good morning. I'll brew you some coffee." Aniya at unti-unting pinamulahan ng pisngi. Gosh, I sound like I'm his wife. Aniya sa isipan.

"No, don't bother, it's fine. Sa office na lang ako magco-coffee." Tumingin ito sa relos. "I should be extra early today. I need to get there in twenty minutes."

"You don't have time for proper breakfast?"

Ngumiti ito ng nakakaloko at hinapit siya sa baywang. "I have time for this, though." Pagkasabi niyon ay muli siya nitong hinalikan. Naudlot sandali ang paggawa niya ng agahan. Sa tagpong iyon ay nahuli na naman sila ni Avida dahilan upang itulak niya palayo si Jacob nang tumikhim ang ginang. Natatawang lumayo naman ang binata.

Namumula ang pisnging binati niya si Avida. "Good morning po. Breakfast will be ready in a few."

Malawak ang ngiting ibinigay ni Avida sa kanya. "Oh, hush. Take your time, dear." And to her son, she said, "Stay for breakfast, hijo. Sayang naman ang mga inihanda ni Sapphie."

"It's fine, Ma. I just got my kisspirin, it'll help me last until lunch, for sure." Biro nito na tumingin pa ng nakakaloko sa kanya at muling uminit ang pisngi ni Sapphie.

"Shush, shut up." She mouthed at him. Pinandilatan pa niya ito ngunit hindi man lang ito natinag.

"Anyway," dagdag ni Jacob habang nakatitig pa rin sa kanya. There was still a small smile on his lips. "I'll go ahead now. I'll see you later." Sabi nito at feeling niya para sa kanya iyon at hindi para sa ina nito. Marahan siyang umiling nang makita ang kislap sa mga mata nito, kasabay na unti-unti itong lumalapit sa kanya. Sapphie knew he was going in for another kiss.

"Your mother..." bulong niya rito.

Jacob scoffed softly and leaned down to kiss her. It was only a closed-mouth kiss, pero medyo madiin at may tunog pa. Kumuha ito ng isa pang piraso ng garlic toast bago tuluyang umalis. May sinabi rin ito sa ina pero hindi na niya narinig dahil nagpatuloy siya sa ginagawa.

Hindi magawang humarap ni Sapphie kay Avida kaya nakatalikod lang siya sa ginang, kahit pa ramdam na ramdam niya ang presensiya nito mula sa kanyang likuran. Tahimik lang ito habang naghihintay. Ilang minuto pa ay inilagay na niya ang mga pagkaing inihanda sa harap nito. Hindi pa rin niya magawang tingnan ito sa mga mata. Kapagkuwan ay nagsalita ang ginang.

"You don't have to be shy with me, hija. I'm a pretty progressive mom." Anito at tumawa pa. Nahihiyang ngumiti siya sa ginang. "I actually don't mind if you're having a relationship with my son. In fact, ikatutuwa ko pa 'yon, dear. I can't help but think you'll be a great daughter-in-law." Lalo itong nasiyahan sa naisip.

Stealing Hearts [COMPLETED]Where stories live. Discover now