CHAPTER FOUR

25 0 0
                                    

TINITIGAN muli ni Sapphie ang text message ni Jake na natanggap niya kagabi. Akala niya ay nag-iba na ang isip nito nang hindi niya natanggap ang message nito nang araw na iyon. Ngunit laking gulat na lamang niya nang tumunog ang cell phone niya kagabi noong matutulog na sana siya.

"Pristine Mountain Resort. Saturday, 3PM. Wear your best white sundress." Malakas na pagbasa niya sa message habang lulan parin siya ng taxi. Ewan ba niya kung bakit kinakabahan siya. Ayaw na sana niyang pumunta ngunit pinagsabihan siya ni Rio. Umalingawngaw rin ang sinabi ni Jacob sa kanya, "Listen here, woman. Baka nakakalimutan mo na may kasalanan ka." Sapphie shook the thoughts away for the umpteenth time already.

Humugot siya ng malalim na hininga kasabay na muling tingnan ang sarili. Buti na lang at nahanapan siya ni Rio ng white sundress sa loob ng maikling panahon. Napaka-eleventh hour kasing nagtext ang mokong.

"Dammit," bulong niya habang inayos ang strap ng damit na suot. Lace white dress ang ibinili ni Rio sa kanya sa ukay-ukay. Ruffled ang V-neck niyon at tatlong pulgada mula tuhod ang taas. It wasn't that low cut but still a little bit of cleavage was showing. Ngunit natatabunan naman ng kanyang buhok na bineach wave ni Rio kanina.

Biglang huminto ang taxi kaya napatingin siya sa labas ng bintana. "Ma'am, nandito na ho tayo." Sabi ng taxi driver. Lumunok siya kasabay na muling kinabahan. Umibis siya ng taxi matapos makapagbayad. Huli na nang ma-realize niyang hindi siya basta-basta makakabalik sa siyudad dahil nasa isang mountain resort siya at kailangan niya ng taxi para sa kanyang getaway kung kailangan niyang tumakas. Malayo na ang taxing lulan niya kanina nang mapagtanto niya iyon.

"Hay, gaga ka!" Maktol niya sa sarili. Wala siyang choice kundi ang pumasok sa magarang resort. Nginiti-an niya ang concierge. "Hi, I'm here for Mr. Jacob del Mundo's engagement party."

"Nasa far end ng left wing po, ma'am." Sagot naman nito. Matapos makapagpasalamat ay tinungo na niya ang iyon. Ngunit hindi niya nakaligtaan ang lihim na pagtinginan ng dalawang concierge. She decided not to mind it at all. Baka na-weirduhan ang mga ito sa theme ng engagement party.

Biglang tumunog ang cell phone niya at sumikdo ang kanyang puso nang makitang si Jake ang tumatawag. Biglang namawis ang kamay niya. Ano na naman ang kailangang nito, aniya sa isip habang pinag-iisipan kung sasagutin ba niya ang tawag o hindi. Kalaunan ay sinagot na lang niya ang tawag ng binata.

"Nasaan ka na?" Agad na tanong nito, ni hindi man lang siya binati.

She pursed her lips together. "Nandito na ako sa hotel," sagot niya. Napansin niyang bumukas ang isang pinto na nasa dulo. Lumabas mula roon si Jake. Sapphie almost forgot how to breathe at the sight of him. He was wearing a gold button down shirt with the sleeves rolled up to his elbows. Wet look ang hairstyle nito na para bang kakaligo lang nito. When he saw her approaching, he put his other hand on his waist and looked at her with his eyebrows drawn together. Ngunit hindi naman nito ibinaba ang cell phone.

"I said 3PM, right? Anong oras na?" Tanong nito mula sa kabilang linya.

"You're not the boss of me." Sabi niya na siguradong lalong ikinaiinis nito. "Baka nakakalimutan mong hindi mo ako empleyado." Pagkasabi niya niyon ay ini-off nito ang tawag. Pagkatapos ng apat na hakbang ay narating niya ang kinatatayuan nito.

"You've just given me another reason not to hire you."

Umikot ang mga mata niya. "As if you consider hiring me."

Tumaas ang sulok ng labi nito. Kapagkuwan ay may kinuha ito mula sa likod na bulsa ng jeans nito. It was a red scarf. "Tie your hair with this." Anito sabay na inilahad nito ang scarf.

Tumaas ang isang kilay niya. "Why?"

"Because I said so."

Nagkatitigan sila ng ilang segundo bago ito bumuntong-hininga at hinawi siya patalikod. And before Sapphie could react, he gathered her hair and tied it with the scarf. Dahil sa gulat ay hindi siya naka-imik.

Stealing Hearts [COMPLETED]Where stories live. Discover now