CHAPTER TEN

9 0 0
                                    

"BRO, GALAWIN mo na ang baso. Huwag ka ng magpaliguy-ligoy pa. Sige ka, baka maunahan ka pa ng iba." Makahulugang sabi ni Khael sa nakakatandang kapatid, sabay kindat sa kanya. Agad na pinamulahan ng pisngi si Sapphie na nagbaling ng tingin. Kasalukuyan silang nasa airport upang ihatid si Khael dahil babalik na ito sa Switzerland. Ilang beses na siya nitong tinutukso kay Jacob, at minsan naman ang kapatid ang tinutukso nito. Hindi naman naiirita si Jacob, bagkus ay ngumingiti lang ito.

"Shut up, I'll get into it. Don't ruin my plan," mahinang bulong ni Jacob sa kapatid ngunit narinig naman niya iyon. Curse her for having sensitive ears. Ewan ba niya at lumundag ang puso niya sa sinabing iyon ni Jacob.

"That's my brother!" Hirit pa ni Khael at nag-high five pa ang mga ito. "O siya, aalis na ako. Take care, okay? Kiss mama for me." Anito. Silang dalawa lang kasi ang naghatid rito sa airport. Nakapagpaalam na ito sa ina kanina at mangiyak-ngiyak pa nga ang ginang. Ang sabi naman ni Jacob ay ganun talaga ang kanilang ina. She was not good with goodbyes, kaya hindi na ito sumasama sa airport.

"Ingat ka, Khael." Sabi niya rito matapos humalukipkip.

Ngumisi si Khael sa kanya. "Sana pag-uwi ko next time may kasalan ng magaganap." He said as he winked to both of them. Muling uminit ang pisngi ni Sapphie ngunit hindi na siya nagkomento pa.

Muling nagyakapan ang magkapatid at niyakap rin siya ni Khael. Pagkatapos ay tuluyan na itong pumasok. Kumaway pa ito sa huling pagkakataon at kumaway rin silang dalawa ni Jacob. She couldn't help but feel a little bit sad. Ang gaan rin kasi ng feeling niya kay Khael. Na para bang ang tagal na nilang magkakilala. She would surely miss him.

"Let's go?" Sabi ni Jacob kapagkuwan at tumango siya. Tahimik lang silang pareho habang tinutungo ang sasakyan nito na nasa parking lot di kalayuan.Gusto niyang magtanong tungkol sa pinag-usapan nito at ng kapatid ngunit naunahan siya ng hiya. "Hey, Sapphie?" Untag ni Jacob habang naglalakad sila.

Tumingin siya rito. "Hmm?"

Napahaplos ito sa batok habang ang isang kamay nito ay nasa loob ng bulsa ng pants nito. "I was wondering if you would go out on a date with me tonight." He said as he looked straight into her eyes. Hindi inasahan ni Karma ang sinabi nito at nanlaki ang kanyang mga mata at parang natisod pa siya. Jacob was quick to hold her by her elbow, though.

"What did you just say?" Tanong niya rito nang makabawi.

Jacob flashed her his sweet smile. "Can I take you out on a date tonight?"

Nahugot ni Sapphie ang kanyang hininga at napakurap siya. Tama nga ang narinig niya at hindi 'yon guni-guni lang. "A date? Tonight?"

Jacob chukled softly. "Yes. A date. Tonight."

Napalunok si Sapphie. "Uh, just the two of us?"

Chuckling once more, he tucked a loose strand of hair behind her ear. "Yes, you and me. Just the two of us."

Nakagat ni Sapphie ang ibabang labi. Kapagkuwan ay hindi na niya mapigilan ang mapangiti. "Yes, I'd like to go out on a date with you tonight, Jake." Aniya at lalong lumawak ang pagkakangiti ng binata. Hindi rin siya mapakali sa date nila mamaya.



KAGAT NI Sapphie ang ibabang labi habang nagpa-panic siya. Kung kanina ay excited siya sa date nila ni Jacob, ngayon ay hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Wala kasi siyang damit na susuotin. Tinawagan niya si Rio at kasalukuyan rin itong naghahanap ng damit na kanyang susuotin. Magtatanong daw muna ito sa mga kaklase nitong mga babae kung may mga damit ba ang mga ito na kasya sa kanya.

"This is a disaster," nailamos niya ang mga palad sa mukha na napaupo siya sa kama. Napatingin siya sa mga jeans at t-shirt niya na nasa ibabaw ng kama. Not that there was anything wrong with her clothes, but she just wanted to dress nicely for their dinner date. Minsan na nga lang siya yayain sa isang date, wala pa siyang damit na nararapat suotin sa isang dinner date. "Naku naman, Sapphie." Bulong niya sa sarili, sabay na hinilot ang kanyang sintido. Sana'y hindi na lang muna siya umo-o kay Jacob. Pero paano kung hindi na siya nito muling yayain sa isang date?

Stealing Hearts [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora