Kabanata 19

14.5K 551 20
                                    

Kabanata 19

Apat na araw na akong nandito sa bahay ni Zayden. Sa sabado na ang balik ko sa Alta Tierra ngunit hindi pa rin kami nag-uusap ni Zayden tungkol sa pagtulong niya sa amin.

Dalawang araw na lang at aalis na ako pero wala pa ring malinaw sa pag uusap namin.

Napabuntong hininga ako.

"Ang lalim non hija. May problema ka ba?" tanong ni Manang lupe na ngayon ay napaharap sa akin mula sa niluluto niya.

Tinigil ko ang pagputol sa sitaw na hawak ko at tumingin sa kanya.

"Manang sa palagay niyo po ba ay tutulungan ako ni Zayden sa Alta Tierra?" tanong ko mula sa kawalan.

Tuluyan niyang itinigil ang ginagawa niya at umupo sa tabi ko. Hindi naman lingid sa kaalaman niya kung bakit ako nandito.

"Aba'y sa pagkakakilala ko kay Zayden ay talaga namang maaasahan mo siya sa oras ng pangangailangan." sagot niya pero alam ko na may agam-agam sa tinig niya.

Siguro nga ay malabo pa na matulungan niya kami. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag asa. Kailangan ko siyang makausap ulit. Ilang sandali kaming nagkwentuhan hanggang maitanong ko ang tungkol kay Zaira.

"Siya nga pala manang. Kilala niyo po ba ang fiance niya? Si Zaira?" usisa ko.

I am just curious. Hindi naman siguro niya mamasamain kung itatanong ko iyon sa kanya.

"Abay oo naman. Ang bait na bata non. Magalang pa. Magkaibigan sila ni Zayden at noong nakaraang taon ay bigla na lang nilang sinabi na engage na sila." halatang kinikilig si Manang Lupe habang nagkukwento.

"Alam mo ba na si Zaira lang ang babaeng kinakantahan niya. Sa lahat ng naging girlfriend niyang si Zayden ay si Zaira lang ang nakapagpatawa at nakapag pakanta sa batang yan." patuloy ng matanda.

Napatango ako at hindi na sumagot.

May kirot sa dibdib ko pero hindi ako nagpahalata. Si Zaira lang ang nakagawa non kay Zayden. Isipin ko palang na magkasama sila ay parang pinipitpit ang puso ko. Paano pa kaya ngayong alam ko na, na si Zaira lang ang nakakagawa ng mga iyon sa kanya?  Alam kong mali pero paano ko pipigilan? Paano ko aalisin ang selos na nasa dibdib ko?

Matapos magluto ni Manang ay Kumain na kami ng almusal. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam ako na pupunta sa Divisoria. Balita ko kasi ay mura ang mga bilihin doon at isa pa ay gusto kong makapamasyal bago ako bumalik ng Alta Tierra. Inalis ko din sa isip ko ang sinabi ni Manang lupe dahil sa tuwing naaalala ko iyon ay may parte sa puso ko ang nasasaktan.

Naligo ako at nagbihis. Ang sabi ni Manang ay tatawagin niya ang driver na hinire ni Zaiden para samahan ako. Matapos kasi ang nangyari noong nakaraang araw ay naghire si Zaiden ng driver para may magdrive sa akin kung sakaling gusto kong lumabas.

May driver naman daw sila kaya lang ay nasa leave dahil nanganak daw ang asawa kaya naman kumuha ng substitute driver si Zaiden.

Nagsuot ako ng ripped jeans at tshirt. Itinali ko din pataas ang buhok ko at naglagay lang ako ng konting liptint at blush on.

Pagbaba ko sa sala ay ganon na lang ang gulat ko ng makita si Zayden doon.

"B-Bakit nandito ka?" takang tanong ko. Dapat ay nasa opisina pa siya ngayon. Alas nuebe palang ng umaga.

"Its my house." aniya kaya napairap ako. Alam ko na alam niya ang ibig kong sabihin. Namimilosopo lang siya.

I heard him chuckle. "Sabi ni Manang ay pupunta ka ng Divisoria. I'll accompany you." aniya kaya mas lalo akong nagulat.

Heartless Society 1: If our Love is wrong (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon