Hinarap ko siya muli at para namang umusok ang ilong niya dahil sa galit kaya tumaas nalang ang sulok ng labi ko, dahilan ng pagkagalit niya ng husto. Sumugod naman siya sabay hagis ng isa pa niyang sandata kaya sinalubong ko din ito ng hampas gamit ang pamalo ko. Tumarak naman iyun sa kabilang dingding. Napaatras ako nang nakatanggap ako ng suntok sa mukha ng hindi ko namamalayan. Nalasahan ko naman ang likido sa aking bibig kaya agad ko itong dinura.

Binalingan ko naman siya ulit at muli na naman akong nakatanggap ng suntok sa mukha.

Puta, ang sakit nun ah

Di ko man lang napigilan ang magmura sa isipan dahil sa sakit ng suntok niya. Sumalampak ako sa sahig nang may malakas sumipa sa likod ko at nabitawan ko naman ang sandata ko. Napangiwi nalang ako dahil parang nabali ang aking buto kaya napahawak nalang ako sa likod.

"Tumayo ka lampa!" gusto ko namang tahiin ang bibig ng kung sinong nagsabi nun dahil siya naman ang dahilan kung bakit ako nakadapa ngayon, tanga.

Dahan-dahan akong tumayo at napadapa ako muli ng may tumadyak sa likod ko.

Bwisit! Sabi nila tatayo ako pero bakit ayaw naman nila akong makatayo? Tanga ba sila? Wala na akong pakialam kung ilang ulit ako ngayong mag-mura dahil nakakainis naman talaga ang sitwasyon ko ngayon.

Napasuka nalang ako ng dugo nang muli akong tinadyakan sa likod.

"Ayan, lampa lampa ka kasi. Ganyan ba ang isang Royalties? Lampa? Kung ganyan ka kalampa ay hindi ka nababagay sa posisyon mo ngayon. Hindi mo nga matutulungan ang sarili mo ngayon, ang mundo pa kaya? Hindi nababagay ang lampa sa mga Royalties, tandaan mo yan" dahil sa inis ko ay agad kong sinipa ang nagsasalita sa likod ko. Mabilis naman akong tumihaya at sinipa ang isang pang nakatayo.

"Nagkakamali kayo sa iniisip niyo" malamig kong sabi at pinilit makatayo. Nagawa ko naman iyun, kahit masakit na ang katawan ko ay hindi ko parin ito ininda.

Pinagalaw-galaw ko ang buo kong katawan at narinig ko naman ang mga tinig ng buto ko na parang nabali ngunit sa katunayan niyan ay para umayos ang pakiramdam ko. 

Marahas kong binalingan ang mga clone ko na ngayon ay nakatayo na.

My turn

Agad ako tumakbo papunta sa gawi nila at wala na akong sinayang na oras ay pinagsipa sila sa tiyan at bumulagta naman sila sa unahan. Nabitawan narin ni One ang Halberd niya kaya muli kong sinugod si Two kahit hindi pa ito nakatayo. Malakas kong sinipa ang tiyan niya kaya padulas itong napunta sa unahan. Tumama ito sa dingding kaya napa-igik nalang ito sa sakit.

Nilapitan ko naman si One at tatayo na sana ito ay agad kong inupuan ang tiyan niya. Walang pag-aatubiling sinuntok ko ito sa mukha at para naman siyang naduling. Pilit parin itong lumaban at nagpupumiglas pero pinagkakaitan ko ito ng pagkakataong makalaban.

Walang humpay ko itong sinuntok hanggang sa nagdudurugo ang buo nitong mukha, ang mga dugong iyun nanggaling sa ilong at sa bibig niya. Halos nawalan na ito ng buhay nang may humila naman sa buhok ko mula sa likod at kinaladkad ako nito papalayo ni One.

"Halika dito! Tayo na naman" saad niya.

Napangiwi ako dahil halos nalang mahihiwalay ang mga buhok ko sa ulo. Putang babaeng ito, ang sakit makabunot. Kung tutuusin ay parang sarili ko na rin ang minumura ko pero wala akong pakialam doon.

Hinawakan ko ang mga kamay niya para tanggalin ang paghila sa buhok ko, ngunit hindi parin ito nagpapatinag kaya malakas kong tinadyakan ang isa niyang paa at napahiyaw naman siya sa ginawa ko. Lumuwag ang pagkakahila niya sa buhok ko kaya ginamit ko ang pagkakataong iyun para lumayo sa kanya. Nang nakalayo na ako ay agad ko siyang sinipa sa tiyan kaya napaatras ito at malapit pa itong mawalan ng balanse.

Agad akong bumelo ng ikot at malakas itong sinipa sa gilid ng leeg dahilan ng pagkabuglagta niya ng tuluyan sa sahig. Pinagmasdan ko ito at nakikita kong hindi na ito gumagalaw pa at siguro'y nawalan na ito ng malay.

Hinarap ko muli ang natitira at para namang tumigil ang mundo nang may naramdaman akong kirot sa tiyan. Agad akong nagbaba ng tingin at nakita ko ang nakatarak na Halberd sa tiyan ko. Mabuting hindi ito lubusang tumarak dahil nahawakan ko ito agad. Napasuka muli ako ng dugo at tiningnan ang sinong may gawa nito sakin. Nakita ko naman ang gigil na gigil ng mukha ni One. Binuhos ko ang buo kong lakas at hinugot ang sandata niyang nakatarak sa aking tiyan. Para namang nadala ang aking kaluluwa sa paghugot ko. Umikot-ikot narin ang paningin ko at narinig ko naman ang halakhak niya.

Hindi parin ako nawalan ng pag-asa ay pilit kong nilabanan ang kahinaan ng aking katawan.

"Hahahahaha mamatay ka na ngayon Blaire hahaha" halakhak niyang sabi at nakita kong may papalapit na matutulis na metal kaya agad akong umilag.

Ginamit ko muli ang buong lakas ko at sinipa siya sa tiyan ng malakas sabay hablot ng sandata niya. Bumulagta naman siya sa sahig. Lumakad ako papalapit sa kanya ngunit wala sa ayos dahil para narin akong bubulagta sa sahig ng wala sa oras, kaya ang ginawa kong tungkod ay ang Halberd niya.

Nang tuluyan na akong nakalapit sa kanya ay itinaas ko ang sandata niya ngunit nahihirapan akong gawin iyun. Nakita ko namang pilit parin siyang gumapang at wala akong sinayang na oras ay marahas kong tinarak ang Halberd sa likod niya. Napatiad naman ito at dahan-dahang lumapat ang mukha niya sa sahig. Napatay ko ito at hingal-hingal naman akong nakatingin ng walang buhay kong clone.

Sumalampak ako sa sahig dahil hinang-hina narin ang katawan ko. Nilibot ko ang paningin habang ang mga talukap ko'y nagsisimula ng bumigat. May lumitaw naman sa unahan na isang portal kaya pinilit kong makatayo.

Hinang-hina kong hinakbang ang aking mga paa at nangangalahati na sana ako ay bumulagta naman ako sa sahig.

Humingal-hingal akong nakahiga habang ang mga mata ay pilit pinalaki.

Hindi, hindi ako mamatay ngayon. Marami pa akong kaylangan gawin.

Pinilit kong dumapa at nagawa ko naman iyun. Dahan-dahan akong gumapang papuntang portal. Kahit hinang-hina na ang katawan ko dahil sa mga natamo kong sugat at marami na ding dugo ang nawala sakin pero hindi parin ako nawalan ng pag-asang makaalis sa lugar na ito. Laking pasasalamat ko'y narating ko naman ito. Gumapang ako papasok at para naman ako nitong hinila kaya nagpapadala na lamang ako.

Bumagsak ako sa sahig at sa wakas ay nakabalik narin ako. Ngunit sa kasamaang palad ay tuluyan akong nilamon ng dilim.

@Missloorh

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Where stories live. Discover now