Chapter 26

54 4 0
                                    

Hindi ko maalala
Pa'nong nagsimula
Ikaw ang laging
Nasa isip ko
Bawat araw
Laging ikaw
Ang aking nakikita
Ano bang nadarama ko
Tuwing ikaw ay kasama

Nakapikit ako habang kinakanta yung linya ko, pagdilat ko naman ay nakatitig si ken sa'kin na tila ba isa akong mamahaling gamit na kanyang iniingat-ingatan.

Ganiyan din ang nadarama ko
Sa tuwing ika'y lalapit sa akin
Ako'y parang natutulala
Di'ko malaman ang sasabihin ko

Awit niya at nagsabay na kami nang makarating sa chorus, puno ng tilian at hiyawan ng mga manonood ang namumutawi sa paligid habang umaawit kaming dalawa ni Kendrick.

Pag-ibig na kaya
Pareho ang nadarama
Ito ba ang simula?
Dina mapipigilan

Pag-ibig nga ito
Sana'y di matapos ang nadaramang ito
Pag-ibig na kaya ito

Wohhhhhhh
'pagkat nararamdaman
Pag-ibig nating
Natagpuan

Natapos ang pag-awit namin ni kendrick, at patuloy nang nawala yung tindi ng kabang naramdaman ko mula pa kanina.

Nang makabalik kami sa backstage ni Kendrick ay tila ba bumalik ang kabang nararamdaman ko kanina sa hindi ko malamang dahilan

Ilan pang rampa ang ginawa namin at sa wakas ay natapos din ang lahat ng parts maging and question and answer.

Suot ko na ngayon ang evening gown ko para sa coronation

"Remember this huh?"

"ano na naman yon ken?"
Ngisi ko

"manalo o matalo ikaw lang ang love ko" nguso niya

"Ang corny mo kadiri ka"
Humalakhak lang siya sa sinabi ko

Pagkalabas namin sa stage ay pumwesto na kami sa aming mga pwesto

Habang sinasabi yung mga nanalo mula 2nd runner up hanggang 1st runner up ay nawawalan na ako ng gana, kasi alam ko naman na hindi ako mananalo sa pageant na 'to.

Duh! first time ko kaya sumali sa pageant
as if naman mananalo ako right?

Mula sa di kalayuan ay natanaw ko ang family ko na kumakaway sa akin kasama si ate

Nakahabol si ate..

Napaigtad ako nang magtilian ang lahat ng manonood kasabay nang pagsiko sa akin ni Kendrick

"Ouch! Bakit ba?"

"You won"

"H-huh?"

Umiling naman siya at hinalikan ako sa noo bago bumulong sa akin na nakahawak sa siko ko

"Congratulations my queen, for winning the crown." He whisper

Natawa naman ako sa sarili ko dahil sa pagkalutang ko

After receiving the crown ay rumampa kami ni Kendrick ng sabay, it was late when i realized na siya rin ang nanalo sa mga male representatives.

"Sabi sayo tayo ang king ang queen eh"
Bulong niya bago hinapit ang bewang ko

Nagbubulungan at nagngingisian kaming dalawa habang kumakaway sa lahat ng manonood nang bigla na lamang mawalan ng kuryente.

Sobrang dilim sa paligid at puro tili ng maaarteng estudyante ang maririnig sa paligid.

"Niknik? Asan ka?"
Sigaw ni kendrick

"Nandito ako"
Sigaw ko pabalik

Bakit niya ako hinahanap e siya yung nakayakap sa bewang ko right?

Magsasalita pa sana ako nang may magtakip ng bibig ko at ilabas ako mula sa event hall

Nagpupumiglas ako habang hawak ako ng hindi ko kilalang lalaki, sa ganitong sitwasyon ay kaya kong lumaban pero paano? Kung nakasuot ako ng gown!

"Ano ba?! Bitiwan mo nga ako ano ba ang sakit aray!"
Reklamo ko dahil piniga niya yung waist ko

"Manahimik ka kung ayaw mong masaktan Nikkie!"

"J-james?"

"I told you, kung ako ang pipiliin mo this will never happen"

"Ano bang problema mo ha? Ibalik mo nga ako sa loob"

"hindi kita ibabalik sa pamilya mo hangga't hindi mo'ko minamahal"

"Wtf? Tangina ka lumayas ka sa harapan ko bitiwan moko"
Sigaw ko

Inihagis ako nito sa loob ng van na huminto sa harapan namin, humampas pa ang ulo ko sa may pinto kaya namilipit ako sa sakit.

Bubuksan ko pa sana yung pinto dito sa kabila kaso humarurot bigla yung van

"kahit buksan mo yan 'di ka makakatakas sa'kin nikkie"

Edi tatalon, problema ba yun?

"Kapag tumalon ka, masusugatan ka at hindi makakatayo kaagad maabutan pa rin kita, useless din nikkie kaya huwag mo nang tangkain"

Napaismid nalang ako at inis na nag crossed arms habang iniinda pa rin yung sakit ng pagkakauntog ko kanina

I'm Inlove With My Gay Friend (Book 1)Where stories live. Discover now