Chapter 12

64 4 0
                                    

Nakatunganga ako ngayon sa phone ko habang nag-iintay ng message niya ngunit ni isa ay walang message from niknik

Mula pa kanina pagkagaling sa school

Nag-aalala na ako... She's not even sending any updates her whereabouts.

I tried calling her every minute but she wasn't replying.

No! I'll go in their place. I need to check on her.

Pagkarating ko naman sa bahay nila ay mommy agad nila ang nag-welcome sa'kin

"oh ijo nandito ka pala"

Yuckkk! Ijo? It should be Ija!

"Si niknik po tita?"

"Ah nasa taas. Doon sa kwarto ng ate niya"

"Bakit po? Hindi po kasi siya sumasagot sa call"

"Nagpipili silang dalawa sa shopee ng susuotin nila sa family reunion"

"Ah ganun po ba tita"

"Oo halika at pumunta ka sa kanila"
Yaya ni tita

Umakyat naman agad ako at naabutang nagtatawanan sila niknik

"Nak! Fiance mo nandito"

Napangiwi naman ako sa sinabi ni tita

Talagang pinush nila na fiance ko na si niknik? Kadiri ha!

Pagkasarado naman ng pintuan
Nagtawanan agad kaming tatlo nila ate Nicka.

Nakipili din naman ako sa kanilang dalawa

"Ate? Ano po ba real name mo?"

"Nickyla marie nerviol"

"Ang gara ng name mo ate! Mas magara pa sa name ni Niknik"

Siniko naman ako ni niknik at pinandilatan

"Oh? Takot ako sayo niknik?"

"Letse ka dun ka nga! Lumayo ka sa'king animal ka"

"Ate oh, si niknik ang daming kasalanan sakin!"

"Ano na naman? Lagi ata kayong nagtatalong dalawa" Reklamo ni ate nicka

"Paano ba naman kasi ate! Nilaglag ako sa klase kanina, bakla daw ako"
Simangot ko

Humagalpak naman ng tawa si ate

"Edi buking kana sa school?"

Napangisi naman ako dito

"syempre hinde"

"Huh? Nalusutan mo padin yun?"

"Eh paano ba naman kasi ate, hinalikan niya ako sa room kanina! Kunwari pa siya! Chansing na siya sakin" Ngising aso ni niknik

"hoy niknik, naririnig mo ba yang sinasabi mo ha!?" Singhal ko dito matapos ko siyang batuhin ko siya ng unan

"of course"

"Kadiri mga pinagsasabi mo"

"alam mo kendrick, sa pagpunta mo dito sa bahay? Para mo na ring inihain yung sarili mo sa'kin" Diretsong saad niya na kinagat pa ang sariling labi

Napatakip naman ako sa dibdib ko at umatras

"Ate nickaaaaa! Si niknik oh, gagahasain ako" Saad ko

Nagtawanan silang magkapatid na ikinakunot pa ng noo ko

"Ay ewan! Pinagtitripan niyo 'kong dalawa eh! Yawa kayo tse!"
Nguso ko at umupo sa kama

Nagselfie naman kami then pinost ko sa ig
Tinag ko pa silang magkapatid

Kinilig ako nang i-like ni james yung post ko

Mas lalo pa akong kinilig nung nagcomment siya at agad ding nayamot nang mabasa ang komento nito

Jamesyuh
Ganda naman ng kasama mo tol

Tol
Tol
Tol
Tol
Tol

Paulit-ulit na basa ko

Tol? Seriously? Tol zone ako?

I'm Inlove With My Gay Friend (Book 1)Where stories live. Discover now