Tumango naman ito bilang sagot..
"Oo. Inutusan siya ni Delilah na patayin si Zein, gusto ni Delilah mapunta sakanya ang lahat nang nakay Zein... Especially Ace" paliwanag ni Vanessa saamin bago nilingon si Ace
"Ako?" Tanong ni Ace Kay Vanessa
"Oo, ikaw Ace! Gusto ka ni Delilah! Gusto ka niyang maagaw Kay Zein at ayun ang dahilan kung bakit Niya inutusan si Kristian na patayin si Zein na hindi nagtagumpay" sagot ni Vanessa Kay Ace
"Gwapo mo kasi alas ee" pang aasar ni Raze Kay Ace
"Oh shut up kuya" pag papatahimik ni Ace Kay Raze habang nakatingin ito Kay Raze nang masama.
"Sabi ko nga tatahimik nako" Saad ni Raze sabay zipped ng bibig Niya.
"Bakit pinatay nila Delilah si Kristian?Ganun na ba talaga sila kawalang puso? Dahil hindi nagawa ang utos, papatayin nila!" Inis na Sambit ni Fritzy Kay Vanessa
"Hindi sila Delilah ang pumatay Kay Kristian" sagot ni Vanessa.
"Huh? Edi sino?" Tanong ni Roxanne sakanya
"Si ate Allison" maikling sagot ni Vanessa dahilan para magulat kaming lahat.
"Sino?" Gulat na tanong ni Raze
"Si Allison Shion" ulit pa ni Vanessa
Napakurap naman nang dalawang beses si Raze na parang hindi parin nagsisink in sa utak niya yung sinabi ni Vanessa.
"Si Allison Shion na kapatid ni Zein Shion na asawa ni Raze Silvenia na nanay ni Sharkie Silvenia ang pumatay Kay Kristian Garcia." Paliwanag ni Vanessa na para bang naiinis na kaya binuo na ang detalye Kay Allison.
"Paano nangyari yun?" Gulat na tanong ni Matt.
"Wala nga kayong kaalam alam na labas pasok siya dito sa Hell University kasama si Shark" Saad pa ni Vanessa na mas lalong kinagulat namin.
"Si Shark? Sinama siya dito? Sino ang nagbantay kina Dark? Iniwan Niya mag isa sila dark sa bahay? Sino ang nag pakain sakanila" Nag aalalang tanong ni Raze na Kala mo mas mahalaga pa ang kaligtasan nang mga alaga niyang pusa kesa sa mag ina niya.
"Seriously kuya, mas mahalaga pa ba sila dark kesa kina Shark?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ace sa kuya niya
"Allison can handle it, but Dark" parang mahihimatay na Saad ni Raze.
Natatawa na lang kami sa ikinikilos niya...
tsk!
"Go back! Paano naging si Allison?" Seryosong tanong ni Cedric
"I saw her once here, nagpanggap siyang member ng DDN, Sa tingin ko yun din ang dahilan kung bakit niya nalaman ang planong pagpatay sa kapatid Niya" paliwanag ni Vanessa
"Nakita Kong siya ang huling kasama ni Kristian noon sa may locker bago siya mamatay" dugtong pa ni Vanessa
"How?" Tanong ni Ace
Huminga muna Siya nang malalim bago magsalita...
...FLASHBACK...
Tsk!
Asaan na kaya Yun?
Nilibot ko na halos Kalahati ng Hell University Pero hindi ko parin nakikita si Kristian....
Hindi pwede!
Ang alam ko ngayon siya inutusan ni Delilah na patayin si Zein.
I need to see him! Kailangan ko siyang pigilan!
YOU ARE READING
Return To Hell University
FanfictionOne of the former students of hell University non-government school will re-enter the school full of wonders and secrets. The past newbies will Return to hell University led by Zein Shion, Ace Craige, Raze Silvenia and Allison Shion. Can they disc...
Chapter 31
Start from the beginning
