"Yieeeee nakakaiyak kayo"

"Kyaahhh sagutin agad hahahahaha"

"Woooohhhhh!"

"Tagumpay!"

Narinig ko naman ang mga komento ng mga kaibigan namin at ibinaba nadin ako ni Four. Ang saya ko, ganito pala ang sayang maramdaman mo pag naging totoo ka sarili mo. Para akong nabuo dahil sa araw na ito.

"Thank you so much Babe" nakangiti paring sabi ni Four at hinalikan ako nito sa noo kaya napapikit na lamang ako.

"To all royalties! Please proceed to Arena! Your presence must be here at the count of ten!"

Nanglaki naman ang mga mata namin doon.

"One"

Kakaripas na sana sa pagtakbo silang Lucy pabalik ng kwarto nila ay pinigilan naman ni Parker.

"Guys, we must go now before at the count of ten Seconds" suhestiyon niya. Tama siya, dapat nandun na kami. Kung magbibihis pa kami ay baka matatagalan lang ngunit wala pa kaming kain.

"Two"

"His right, hihingi lang tayo ng permiso kay HM para makapagbihis tayo at makakain" tumango-tango nalang kami sa sinabi ni Kade. Lahat kami naghawak kamay at kaming mga may abilidad na teleportation ay sabay sabay naming ginawa iyun.

"Three"

Agad kaming nakarating sa Arena at bumuga ako ng mabibigat na hininga dahil sa bigat ng nangyari naming teleportation. Sa dami ba naming dala ay paniguradong mararamdaman ko ito.

"Very good!" agad kaming napabaling pakaliwa at nakita namin si HM na nakatayo. Kami lang ang andito kaya katahimikan ang bumungad namin kanina.

"Let me guess, hindi pa kayo nakapagligo at nakakain. Tama ba ako?" tanong ni HM samin at nanatili lang akong walang kibo.

"Ah hehehe opo HM" kagat kukong tugon ni Lucy.

"Hmmmm okay, bigyan ko kayo ng 30 minutes para makapaghanda kayo at pagkatapos ay dapat ding makabalik kayo agad dito. Maliwanag?" sabi niya samin at tumango-tango lang din kami.

"And by the way, hindi niyo na kaylangan magsuot ng uniporme niyo. Magsuot kayo kung saan kayo komportable" dugtong naman niya.

"Yes po HM" magalang sabi ni Sophie.

Agad kaming nagteleport pabalik ng dormitoryo namin at agad din akong pumasok sa aking silid. Mabilis kong ginawa ang ritwal pagkatapos ay nagsuot ako ng itim na leging at puting damit na walang manggas. Sinuot ko rin ang bota kong itim hanggang kalahati ng binti ko. Pinusod ko naman ang aking buhok pagkatapos ay lumabas na ng silid at agad pumanhik ng silid-kainan. Nadatnan ko naman ang mga kaibigan kong naghanda ng agahan.

Mabilis naming tinapos ang aming pagkain at pagkatapos ay lumabas na ng dormitoryo. Hindi na kami gumamit ng teleportation sapagkat may ilang minuto pa naman kami.

"Ang sexy mo Blaire" puri ni Sophie sakin at ngumiti lang ako ng kaunti.

Napaigtad ako nang may kung akong yumakap sakin mula sa likuran kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Yieeee kainggit naman" kilig sabi ng mga kasamahan kong babae.

Itinali ni Four ang jacket niya sa beywang ko kaya halos magliliyab naman sa init ang pisngi ko. Ramdam ko rin ang matipuno niyang pangangatawan sa likod ko dahilan ng pagkagulo ng sistema ko.

"As what I've said, I'm a possessive when it comes to you babygirl" nahugot ang hininga ko dahil sa bulong niya. Ang mga maiinit niyang hininga na nakapagpainit ng buong katawan ko.

"Let's go" nabalik ang sa reyalidad dahil sa malamig niyang boses. Di ko man lang namalayan ang paglayo niya.

Inayos ko ang aking sarili saka naglakad. Nakita naming may mga nagkalat na kamag-aral namin na nagsasanay sa mga kapangyarihan nila. Habang ang mga guro at ibang konseho ay nasa paligid at nagmamasid lang. Siguro'y dahil ito sa nangyaring pagkamatay ng isang kamag-aral namin. Buti narin ito para maging handa.

Papasok kami ng Arena at para namang bumagal ang mundo nang may nahagip akong paparating na isang matulis na kristal sa gawi ni Acel. Wala sa sarili akong nagtaas ng kamay paabante at ginamit ang kapangyarihan kong hangin dahilan para huminto ito sa ere.

Humingal-hingal kong tiningnan ito at agad naman akong naglibot ng tingin sa pagkaalalang hindi lang ako nag-iisa dito.

Napalunok ako dahil ang lahat ng atensyon nila nasa saakin kaya agad kong nabitawan ang kristal.

"A-ahmm" napakagat ako ng iibang labi dahil walang salitang lumabas sa bibig ko. Napatingin ako kay Acel na ngayon ay matiim itong nakatingin sakin.

"Blaire, may tinago kaba samin?" kuryusidad tanong ni Scarllet at agad naman akong umiiling-iling.

"So, pano mo yun ginawa?" takang tanong ni Alexis. Napatingin naman ako kay Four na ngayon ay walang emosyon itong nakatingin sakin dahilan ng paglakas ng tibok ng puso ko.

"Ayos lang ba kayo Royalties?" naagaw ang atensyon namin nang may nagtanong at nakita namin ang mga konseho at mga guro. Laking pasasalamat ko'y nailigtas ako ng mga ito kaya nakaginhawa naman ako ng matiwasay.

"Sorry po mga kamahalan, hindi ko sinasadya" napalingon naman kami sa likod at nakita namin ang nakayukong studyante na babae. Agad din itong nag-angat ng tingin at napalunok na lamang ako muli nang tumingin ito sa akin.

"Salamat sayo Lady Blaire dahil naagapan mo ang kamalian ko" taos-puso niyang sabi na nakapagpakaba sakin ng husto.

Hindi, hindi ito pwede

Agad akong naglibot ng tingin at nasilayan ko naman ang pangungunot ng mga noo nila.

"Hindi si Blaire iyun, kundi ako" napalingon ako sa baritonong boses ni Acel. Seryoso lang itong nakatingin sakin at dahil sa sinabi niya ay naibsan ang kaba saking dibdib.

"Ahh okay, kala namin si Blaire talaga hahahaha" tawang sabi ni Sophie at napatawa nalang din ako ng peke. Napatingin naman ako sa babaeng studyante at nginitian ko nalang ito dahil nakakunot lang ang noo niya.

"Ah buti't kung ganun, hala sige. Pumunta na kayo ng Arena dahil kanina pa nag-aantay si Head master jacob doon" saad naman ng isang konseho at tumango lang kami bago nilisan ang lugar na iyun.

Alam na kaya ni Acel iyun? Sana hindi. Oo, nakaligtas ako sa kanila pero sa kanya ay maaring hindi.

@Missloorh

Hope you enjoy!
Lovelots muahhh! Stay safe♥

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Where stories live. Discover now