Chapter 8

13.9K 288 12
                                    


Chapter 8
________






Naghahanda si Xiarra nang umagahan para sa kanilang dalawa ni Phoenix. Walang katulong ang makikita sa napakalaking bahay ni Phoenix. Nag decide silang dalawa na sa bahay nang binata tumira. Masyado nga itong malaki para sa kanila. Hindi niya alam na may ganito kalaking bahay si Phoenix. Ang akala niya ay sa isang condo lang ito nakatira.

Sabi nang binata ay sadyang pinatayo daw nito iyon para sa kaniya. Para kapag naging sila raw at nagpasyang bumuo nang sariling pamilya ay may nakahanda nang bahay paa sa kanila.

Hindi niya mapigilang mapangiti kapag naiisip ang sinabi nang binata. Isang buwan na ang nakakalipas pero sobra siyang kinikilig kapag naaalala iyon. Hindi niya inaasahan na may ganito palang ugali ang binata. Parang siguradong sigurado na ito na sila ang magkakatuluyan sa bandang huli. Kapag silang dalawa lang nga ay ubod ito nang lambing at halos ayaw nang mawalay sa kaniya. Palagi niya itong nahuhuling nakatitig sa kaniya.

At kapag nangyayari iyon ay hindi man lamang ito umiiwas nang tingin. Bagkos ay ngingitian siya nito at magsasabi nang I love you.

"Hey Hon.." napangiti siya nang maramdaman sa kaniyang bewang ang pagpalibot nang braso nang binatang kanina pa laman nang kaniyang isip.

Pinatay niya ang stove pagkatapos ay isinalin ang hotdog at Bacon sa pinggan. Nang matapos ay agad na siyang humarap sa binatang parang tuko kung maka dikit sa kaniya.

Pagkaharap na Pagkaharap niya pa lang ay agad na siya nitong hinalikan sa kaniyang labi. Malalim iyon na kaniya din namang sinuklian. Nasasanay na siya sa mga galawan nitong pabigla.

"Good morning Hon.." pinipigilan niyang ilabas ang kilig na nararamdaman. "Hindi ko talang ini-expect na ganito ka ka-clingy."

Natatawa niyang sabi dahilan para sumimangot ito na parang bata.

"You should not be surprised Hon. I love you that's why." buong pusong ani nito kaya naman nangilid ang kaniyang mga luha dahil sa sobrang tuwa.

Sa buong buhay niya. Hindi niya inaasahan na may magmamahal sa kaniya nang sobra. Lalo na at si Phoenix pa.

Ang lalakeng pantasya nang halos lahat nang mga kababaehan ay nasa harapan niya at sinasambit ang labis na pagmamahal sa kaniya. Siya na nga ata ang pinaka maswerte sa lahat.
Niyakap nita ito nang mahigpit. Nakasiksik naman ang ulo nito sa kaniyang leeg at inaamoy siya.

"Hon..." tawag nito sa attention niya. She said 'hmm' while her eyes are closed. Feeling the happiness of having her true love on her arms.

"I think we should get married"

Bigla siyang napamulat at agad na napahiwalay dito. Biglang lumakas ang kabog nang dibdib niya at para bang any minute ay lalabas na ito sa ribcage niya.

"A-ano bang pinagsasasabi mo diyan Hon." nauutal na ani niya.

Nababaliw na ba ito?

"I think we should be married a soon as possible." seryosong sambit nito at ni hindi man lang kumukurap.

Hindi mababakasan nang pagbibiro ang mukha nito.

"Ka-kasal?" kinakabahang ani niya.

"Hindi ba parang masyado naman ata iyong mabilis? Halos isang buwan pa lang tayo Phoenix at tyaka isa pa. Gagraduate pa lang naman ako."

Kinakabahan siya. Namumuo ang pawis sa kaniyang noo at nakakaramdam siya nang takot. Oo nga at mahal na mahal niya si Phoenix pero hindi niya alam kung handa na ba silang sumuong sa panibagong yugto nang kanilang relasyon. Hindi pa sila nagtatagal man lang bilang mag kasintahan.

Owned By HimWhere stories live. Discover now