Chapter 19

9.4K 217 22
                                    



Chapter 19
______



Sa ilang linggo na nakalipas ay naging maayos naman ang lahat. Maagang umaalis kinaumagahan si Phoenix at siya naman ang natitira sa bahay nang mga magulang nito para tumulong sa mga kasambahay sa paggawa nang gawaing bahay.



Pero halos hindi naman siya pinapatulong nang mga ito kaya naman humanap na lang siya nang ibang pagkakaabalahan kagaya nang pag bake.

Nagri research siya nang mga recipe na siya niya namang ginagawa. So far ay nakukuha niya naman ang mga ito.

Palagi niyang ipinapatikim sa asawa ang ginagawa na siya naman nagugustuhan nito. Itinigil niya na muna ang paggagawa nang mga pabango dahil hindi niya alam kung bakit nababahuan siya sa mga ginagawa. Okay naman iyon dati pero iyong mga bago niyang ginagawa ay hindi niya nagugustuhan. Madalas pa siyang nagsusuka pag naaamoy iyon. Kaya nagpasya siyang tumigil muna.

Mas nababangohan naman siya ngayon sa mga matatamis na pagkain. Na dati naman ay hindi niya nagugustuhan.

Siguro nga ay nag iiba talaga ang taste nang isang tao.

Ilang araw niya na ding kinakausap ang asawa patungkol sa pagtayo niya nang sariling perfume store. Kahit na hindi naman siya ngayon nakakagawa nang panibago ay sapat na din naman siguro kahit papaano ang mga nagawa at naimbento niyang mga pabango. Madami-dami na rin iyon at sa tingin niya ay okay na iyon.

Hindi naman tumutol ang asawa niya. Asikasuhin niya na lang daw ang paggawa nang brand at ito na ang bahala sa magiging store niya at sa lahat nang mga papeles.

Ito na din ang lumalakad nang halos lahat nang kailangan na siyang tinututulan niya sana dahil alam niyang abala na ito sa office works nito pero sabi ni Phoenix ay may inatasan na daw ito na siyang mag aasikaso nang lahat. Kaya sa bandang huli ay hinayaan niya.

Kailan nga naman siya nanalo sa isang iyon? Eh halos ito naman talaga ang nasusunod sa kanilang dalawa. Wala naman iyong problema sa kaniya dahil lahat naman nang desisyon nito ay alam niyang  makabubuti para sa kanila.

Kasalukuyan siyang naghahalo nang mga ingredients para sa cake na ginagawa niya nang may mag doorbell.

Napatingin siya sa paligid nang makitang walang tao. Siguro ay abala ang mga ito sa kaniya kaniyang ginagawa.

Patuloy na nagdodoorbell ang nasa labas kaya nangunot ang noo niya.

Akala niya ay may mga bantay sa labas kaya naman hindi siya tumutungo sa gate. Pero tingin niya ay pati din ang mga guards ay abala.

Naghugas muna siya nang kamay bago nagdesisyong tumungo sa gate dahil mukhang gigil na gigil ang bisita nila.

Nang makalabas siya ay nakita niyang walang tao. Kaya naman binuksan niya na ang gate.

Kinabahan siya nang makita si Stephanie na nakangiti sa kaniya. Hindi niya alam kung paano ito Ia-approach.

"Hi Xiarra.." tinitigan niya ito bago sinuklian ang ngiti at pagbati nito.

Naiibahan siya sa dalaga dahil nakangiti ito sa kaniya ngayon samantalang noon ay halos patayin na siya nito.

"Aren't you going to let your visitor in? How rude naman" ani nito. Nakita niya pa ang paglambot nang mukha nito na para bang na disappoint ito. Humawak pa ito sa tiyan nito na medyo umbok na.

Agad naman siyang napakurap at pinagbuksan ito nang Gate. Mainit sa labas at siguradong naiinitan ito.

Iginiya niya ito papasok sa bahay at pinaupo sa upuan.



Owned By HimWhere stories live. Discover now