Chapter 11

9.6K 223 18
                                    

Chapter 11
_______


Pagkarating sa bahay nila nang binata ay agad itong lumabas nang kotse na siya din naman niyang sinundan. Tuloy-tuloy itong pumasok sa loob at umupo sa sofa. Tinanggal pa nito ang ilang pagkakabotones nang polo na suot nito bago bumuntong hininga at isinandal ang ulo sa sandalan nang upuan bago pumikit.

Lumapit siya dito at bigla na lamang nangilid ang mga luha sa mata niya. Inilapag niya ang dalang bag sa lamesa bago nag salita.

"A-anong.." humugot siya nang malalim na hininga. "Anong ibig sabihin noon Phoenix? Ipinangangalandakan niya na Fiance mo siya sa harapan mismo nang asawa mo. Bakit parang wala kang pakialam doon?"

Napapikit siya. Unti-unting nawawala ang inis niya at napalitan nang sakit.

Bumuntong hininga ang binata bago sumagot. Dumilat ito at diretsong tumingin sa kaniya. Lumambot ang tingin nito sa kaniya bago tumayo at lumapit kung saan siya nakatayo.

"It's nothing." tanging sagot nito.

Tumawa siya. Tawa na walang halong saya.

"Nothing? Nothing ba iyon sa iyo?! Asawa mo ako Phoenix tapos hinahayaan mo na may lumapit sayo at ipangalandakan sa mismong harapan ko na fiance mo siya samantalang ako sa mata nang lahat kapatid mo lang? Saman-"

"Ikaw naman ang may gusto noon diba?" putol nito sa sasabihin pa sana niya.

"Ano?" hindi makapaniwalang tanong niya dito.

"I want everyone to know that you are my wife pero ayaw mong malaman nila."

Nanghihinang napaupo na lamang siya

"Ayoko munang ipaalam kasi wala pa ang parents mo dito. Mas maganda kung tayo ang magsasabi sa kanila kesa ang malaman pa nila sa iba na ikinasal tayo."ani niya.

"Wala din naman silang magagawa kahit na malaman nila at tumutol pa sila Hon. Kasal na tayo, akin ka na." seryosong ani nito na ikinabuntong hininga na lamang niya.

"Gusto ko lang naman na hintayin muna natin sina mommy at tayo mismo ang magsabi sa kanila. Oo nga at wala na silang magagawa doon pero hindi kasi tama na sa iba pa nila malaman. Isa pa ilang araw nalang nandito na din naman sila."

Ngumiti ito sa kaniya.

"Okay.." sagot na lamang nito sa kaniya.

"Pero ikaw. Hindi ko pa nakakalimutan iyong sinabi nang babaeng iyon. Ang lakas nang loob niya na magpakilalang fiance mo." inis na ani niya dito.

Saglit na sumeryoso ang mukha nito pero ngumiti rin kalaunan.

"You don't need to worry anything Hon. I-it was nothing." ani nito na siyang hinayaan niya nalang din.

Ramdam niyang may hindi sinasabi sa kaniya ang Asawa pero hindi niya nalang ito pipilitin. Alam niyang masikretong tao si Phoenix at handa naman siyang maghintay kung kailan nito balak magsabi sa kaniya.

Isa pa asawa niya na ito. Sa huli si sya naman ang asawa at hindi ang Stephanie na iyon.

_____


"Congratulations Beshie!" tili nang kaibigan niyang si Paula. Bago lumapit at yumakap mahigpit sa kaniya.

"Congratulations din Beshie." ngumiti siya dito at niyakap ito pabalik.

Kasama nito ang boyfriend na si Andrew na ngumiti lang din nang tipid sa kaniya.

"Congrats"

Owned By HimWhere stories live. Discover now