Chapter 3

16.3K 470 47
                                    

Chapter three
________




"Beshie nakabihis kana ba?" natawa siya nang marinig ang excited na boses ni Paula sa Cellphone niya. Kausap niya ito habang nasa kwarto siya nang bahay nila at naghahanap nang susuotin.

Linggo ngayon at nagyaya ito nang Double date para sa kanila nila Lawrence. Pupunta sila sa mall para naman daw makapag unwind kasama ang mga boyfriend nila. Kailangan daw nila iyon lalo na at sobrang nakaka stress ang mga requirements na kailangan nila sa school nila.

Dahil nga graduating ay maraming mga hinihingi na kung ano-ano ang professor nila na kailangan nilang ibigay. Mabuti nalang din at patapos na siya kaya naman wala nang problema kung magliwaliw man siya ngayon. Wala din ang parents niya ngayon dahil kasama ito ni Phoebe nang magtungo ito sa Canada. Kaya naman silang dalawa lang nang Kuya Phoenix niya ang naiwan kasama ang mayordoma nang bahay na si Manang Rosie.

Isang linggo na ding hindi niya nakikita ang Kuya niya magmula nang hinatid nila sa airport si Phoebe. Ang sabi sa kaniya ni Manang Rosie ay nagtungo daw ito sa Japan para sa business meeting nito. Hindi din daw ito nagsabi kung kailan uuwi kaya naman malaya siyang makaka alis para magliwaliw. Walang pipigil sa kaniya.

"Naghahanap palang ako nang susuotin Pau. Anong oras ba kayo pupunta dito?" tanong niya habang tinitingnan ang mga damit niya sa Closet. Hindi siya makapili dahil napakadami niyang damit. Pero kadalasan nang mga damit niya ay galing sa Kuya niya kaya naman puro mga long sleeves iyon, turtle neck at mga dress na aabot yata sa sakong niya.

Kaya naman madalas napapanganga nalang si Paula kapag nakikita siya. Mukha daw kasi siyang babae noong sinaunang panahon na hindi masilipan. Kung hindi lang daw siya maganda ay baka nag mukha na daw siyang manang dahil sa mga pinagsusuot niya. Pero nasanay na rin naman ito. Alam nito na ganoon ang mga damit na pinasusuot sa kaniya nang Kuya niya.

"Magsuot ka nang medyo daring Beshie ah.. Alam kong kahit anong suotin mo maganda ka pa rin lalo na sa paningin ni Lawrence pero para maiba naman. Suotin mo iyong regalo ko sayo. Ten nandiyan na kami." napangiti siya sa sinabi nito at tinignan ang orasan.

It's exactly Nine am and she still have one hour to prepare.

" Okay sige na maghahanap ako. Mag ingat kayo ah." at nagpaalam na siya dito.

Hinanap niya sa Closet niya ang damit na tinutukoy ni Paula. Hindi naman siya nahirapang hanapin iyon dahil siya mismo ang nagtago nito sa may dulo nang lagayan niya. Para hindi makita nang Kuya niya kahit na alam naman niyang hindi naman ito basta-basta pumapasok sa kwarto niya.

Napatingin siya sa damit at medyo napailing. Isa itong Red Body Fitted Dress na medyo sexy ang tabas. Hanggang gitna lang ito nang hita niya at sa tingin niya nga ay kapag naupo siya ay baka masilipan siya. Tube din ito at siguradong medyo lalabas ang cleavage niya dahil alam niya sa sarili niya na biniyayaan siya nang may kalakihang hinaharap. Iba talaga ang taste ni Paula sa damit.

Napabuntong hininga nalang siya. Gusto niya din naman magsuot nang  ganitong damit paminsan-minsan. She's a grown up woman at aminin niya man sa hindi naaakit din siyang magsuot nang ganito.

So she wore that dress and apply a light make up on her face. Pinili niya ding magsuot nang Red lipstick and it was the very first time. Pero masaya siyang sumubok nang bago.

Tutal wala naman ang Kuya niya ay lulubos-lubosin niya na. Tyaka gusto niya ding makita ang reaction ni Lawrence sa magiging hitsura niya ngayon. Napangiti siya, hindi pa man ay kinikilig na agad siya.

At exactly Ten o'clock tinawag na siya ni Manang Rosie para sabihing ma naghahanap sa kaniya.

Paula together with her Boyfriend Andrew and of course kasama na din doon si Lawrence. Napangiti pa siya nang makita ang reaksiyon nang boyfriend niya nang masilayan siya nito. Napanganga ito at halos hindi na siya bitawan nang tingin. Pakiramdam niya ay ang ganda-ganda niya dahil sa klase nang tingin nito sa kaniya.

Owned By HimUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum