Chapter 1

25.3K 487 13
                                    

Chapter one
_______









"Nanay ano pong ginagawa natin dito? Ang ganda naman po dito parang palasyo." nakangiting sabi nang batang si Xiarra.

Labis siyang namamangha sa napakagandang tanawin na kanyang nakikita ngayon sa mismong harapan. Ito na ata ang pinakamalaking bahay na nakita niya. Nang pinapasok sila kanina sa gate ay doon niya lubusang nasilayan ang ganda nang bahay na iyon na nahaharangan dahil sa matayog at malaking pader na nakaharang.

Sa edad na pitong taon ay mulat na mulat na siya sa kahirapan nang kanilang pamilya. Ang kanyang ina ay nagtitinda nang mga gulay sa palengke sa gitna nang sakit na cancer sa buto. Samantalang ang kaniyang ama naman ay isang adik. Laging lasing kung umuwi at madalas pa siya nitong saktan pati na ang kanyang ina.

Lagi sila nitong pinagbubuhatan nang kamay at wala siyang magawa dahil napakabata pa niya. Kaya naman palagi siyang may pasa sa kanyang katawan.

Ngayon nga ay lasing nanaman itong umuwi at pinagbuhatan nanaman sila nito nang kamay. Naghihingi nanaman kasi ito nang pera sa kanyang ina pero wala naman itong maibigay dahil sa kinailangan niya nang pera sa school na pinapasukan niya.

Naipangbayad ito nang kanyang ina doon. Nalaman ito nang tatay niya at agad nitong sinabunotan ang kanyang ina at siya naman ay sinampal.

Namumula ang mata nang kanyang ama dahil katatapos lamang nitong gumamit nang ipinagbabawal na gamot.

Sa takot nang kanyang ina ay agad itong nag empake nang damit. Inilagay nito ang lahat nang mga dapat ilagay sa bag nila habang tulog ang kanyang ama. Hindi na daw nito hahayaan pang saktan siya nang tatay niya. Tanggap na daw nitong hindi na magbabago pa ang tatay niya. Aalis daw sila at iiwan na ito.

Kaya naman heto sila ngayon. Pagkatapos nang mahabang biyahe ay napadpad sila dito nang kaniyang ina sa harapan nang isang bahay na gawa sa bato. Napakalaki nito kumpara sa ibang bahay na nakita niya.

"Anak.." hinarap siya nang nanay niya. Yumuko ito sa harapan niya at hinawakan ang ulo niya. "Pasensya ka na kung kinailangan mong danasin ang ganoong klase nang buhay natin. Masyado ka pang bata at ayokong dumating sa punto na mas magdusa ka kapag wala na ako. Tandaan mo na mahal na mahal kita. Simula nang dumating ka sa buhay ko, nagkaroon na nang kwenta ang buhay kong nasira mula nang maging asawa ko si Ruben." suminok ito tanda nang pagpipigil nang iyak.

Sa buong buhay niya walang araw na hindi niya nakikitang umiiyak ang nanay niya dahil sa tatay niya. Masyadong magulo ang pamilya na kinamulatan niya.

Nagpapasalamat na rin siya na wala siyang kapatid na dadanas din nang paghihirap na sinapit nila ng kaniyang ina.


"Nanay bakit niyo po sinasabi iyan saakin?" naguguluhan siya sa nangyayari. Marami siyang tanong sa isip niya na hindi niya masabi.

Hindi na nagsalita pa ang nanay niya. Iginiya na lang siya nito papasok sa bahay na malaki nang pagbuksan sila nang isang lalakeng may malaking katawan.

Hawak-hawak niya ang kamay nang kaniyang ina. Hindi niya alam pero natatakot siya. Natatakot siya sa maaaring mangyari. Ayaw niya itong bitawan.

Pagkapasok nila ay mas lalong kuminang ang kaniyang mata sa mga nakikita. Napakalaki at napakaganda talaga nang bahay. Pakiramdam niya ay hindi siya bagay na pumasok doon. Napatingin siya sa kaniyang paa na may sapin na pudpod na tsinelas. Halos nasa kalahati nalang nang kaniyang paa ang masasabing may sapin talaga. Dumako naman ang tingin niya sa kanilang inaapakan. May kulay pula doon na tela na hindi niya alam ang tawag pero habang dinadaanan nila ito ay napakalambot at napakasarap sa pakiramdam.

Owned By HimDonde viven las historias. Descúbrelo ahora