CHAPTER 3: the grim reaper

198 17 0
                                    

Malapit ng mag-uwian at tila mga lanta'ng gulay na ang mga kaklase ko sa huling subject.

Hindi ko mai-alis ang tingin sa orasan habang gumagalaw ang sigundo'ng galamay ng orasan.

KRING......

"Magkita ulit tayo bukas. Maaari na kayo'ng umuwi."sabi ng guro kaya nagsi-tayuan na kami'ng lahat at ipinasok ang mga gamit sa loob ng bag. Tutulong ako'ng maglinis dito sa room bago lumabas,nakakahiya rin naman na hindi tumulong at baka may magka-interes na kausapin ako at maging kaibigan.

"Bakit hindi ka pa lumabas?" Tanong ni Ann habang may hawak na walis tambo at dustpan. Lumapit ako sakanya para kunin ang dustpan para tumulong. "Gusto ko'ng tumulong,nakakahiya nama'ng hindi kayo tulungan."sabi ko sakanya.

"Oh sige,ikaw ang bahala."

Tumulong na ako sakanila para mag-linis. Maganda'ng simula ito para kahit papaano ay magkaroon naman ako ng mga kaibigan,hindi katulad ng pinasukan ko'ng paaralan no'ng nakaraa'ng taon na puro masasama'ng alaala nalang ang nangyari at hindi ko iyon makalimutan.

Dahil sa pagtutulungan namin ay natapos kaagad namin ang paglilinis at pagsasara ng binta sa room. Napag-isip isip rin ng mga kasama namin na mgasabay-sabay na kami sa paglabas ng paaralan kaya ngayon natutuwa ako dahil sa una'ng araw ko dito ay may mga kasama ako sa pag-uwi,subalit ramdam ko na hindi lang sila ang kasama ko'ng naglalakad ngayon.

"Madz,saan ka nakatira?"Bigla'ng tanong sa'kin ni Ann kaya nabaling ang buo'ng atensyon ko sakaniya.

"Unit ang tinitirahan ko ngayon. Malapit lang dito,siguro'y mga dalawa'ng kanto lang ang lalakarin."sagot ko sakaniya.

"Gano'n ba,ang akala ko naman sasakay ka ng jeep o ng taxi."

"Hahahah,hindi. Atsyaka magastos lang 'yon kung sasakay pa ako eh,malapit lang naman ang unit ko dito,lagpas lang naman sa may eskinita."usal ko na may ngiti sa labi.

Sabay-sabay kami'ng nakalabas ng paaralan at naghiwalay lang ang iba sa'min dahil sa kabila'ng direksyon ang punta nila habang kami naman ni Ann ay sa kabila. Sasakay na rin s'ya ng jeep pagka-kaway n'ya.

"Magkita nalang ulit tayo bukas,Madz!"aniya bago pumasok ng jeep.

"Oo!" Kumaway ako sakanya bago nag-lakad ulit at tumawid sa kabila nito'ng daan.

Nag-iba ang direksyon ko sa paglalakad at hindi pa dumiretsyo sa pag-uwi. May pupuntahan ako'ng trabaho kaya naman nilakad ko ang isa'ng makitid na daan dahil nando'n 'yon. Kaka-apply ko lang noo'ng nakaraa'ng araw.

Pagkarating ko. "Maganda'ng Hapon." Bati ko ng maabutan ko ang kakilala ko'ng nasa counter.

"Maganda'ng hapon rin Maddy. Magbihis ka na at malapit na tayo'ng magbukas."usal nito kaya pumunta na ako sa likod dahil nando'n ang locker ng mga nagta-trabaho dito.

Iniwan ko lahat ng mga gamit ko sa loob ng locker maliban sa isa'ng bagay na naka-suot sa aki'ng leeg. Hindi naman siguro ipapatangal ang kuwintas ko kapag nagta-trabaho.

Matapos ko'ng maisuot ang uniporme nag-suot naman ako ng apron dahil ako ang naka-talaga sa kusina at sa pagiging waitress ng maliit na bar na ito.

Mga alas-sais ay may dumadagsa ng mga customer dito  kaya hindi na pwede ang babagal-bagal lalo na at mainitin ang mga tao'ng namamalagi dito.

Una ko'ng nilapitan ang isa'ng lalaki'ng nakatalikod sa dulo'ng table.

"Good evening sir,can i take your order?"tanong ko sakaniya.

"Hi Maddy." Usal nito kaya napatitig ako sakanya. Hindi ko inaasahan na si Engineer ang makikita ko sa ganito'ng lugar,nakakahiya naman.

"H-hello. Ano'ng o-orderin mo?"tanong ko sakanya.

"Grabe naman,magusap muna tayo."nakangiti'ng aniya pero hindi pwede ang gusto n'ya.

"Hehehe,hindi kasi pwede,nasa trabaho ako. Baka mapagalitan ako ng manager ng bar." Sabi ko nalang sakanya kaya tumango-tango s'ya.

"Sige,bigyan mo nalang ako ng cocktail."usal nito kaya tumango ako at umalis na para sabihin ang order nito sa counter.

"Isa'ng cocktail sa isa'ng costumer na nasa dulo'ng table."usal ko.

Kaagad ko'ng nakuha 'yon kaya pagbalik ko,dahan-dahan ko'ng nilapag ang order nito.

"Iyan lang ba ang o-orderin mo?"tanong ko.

"Oo,nandito lang naman ako para magtambay."nakangiti na naman nya'ng sabi.

Iniwan ko nalang s'ya dahil may mga customers pa'ng dapat asikasuhin.

Nagpabalik-balik ako sa mga table at sa counter para sabihin ang mga order nila,hanggang sa maabutan na ako ng alas-dyes ng gabi at nag-huhugas na ako ng mga pinagkainan habang ang kanina'ng naghuhugas dito ay nasa labas na.

"Kaya mo pa ba? Late na."usal ng isa sa mga katrabaho ko.

"Kaya pa po. Ito naman na po ang huli ko'ng trabaho."sabi ko sakanya.

"Sige,pagkatapos mo,dumaan ka sa'kin para sa pauna mo'ng sahod."sabi n'ya kaya tumango ako.

Nagmadali na ako'ng mag-hugas hanggang sa matapos na ako kaya umalis na ako do'n sa loob dahil may papalit na naman sa'kin para mag-hugas.

Nagpalit na ako ng damit at sinuot na naman ang uniporme ko bago pumunta sa katrabaho ko para ibigay ang pauna ko'ng sahod.

"Oh,mag-iingat ka sa daan."

"Salamat po."sabi ko at lumabas na.

Sobra'ng dilim na ng makalabas ako. Lalo na at madili pa ang dadaanan ko papalabas dito.

Napapahawak ako sa straps ng bag ko habang naglalakad. Hindi ako lumilingon sa likod dahil pakiramdam ko may naka-sunod sa'kin. Hanggang sa nakalabas na nga ako ng makipot na daanan na 'yon at may mga ilaw na rin dito kaya maliwanag na.

Uuwi na ako pero bago 'yon may madadaanan pa ako'ng eskinita.

Habang naglalakad may kumakaluskos sa mga halaman. "Tulong!!!" Nakarinig ako ng humihingi ng tulong.

"Huwag,paki-usap!"

"Tulong!!!"

Naririnig ko ang sigaw na 'yon ng matapat ko ang eskinita na sobra'ng dilim ngunit may kaunti pa'ng liwanag para makita ko kung ano'ng nangyayari.

"Huwag,hindi pa ako handa!"sigaw nito at napapatakip ako sa bibig ng makita ko ang isa'ng lalaki na takot na takot habang naka-tingala sa isa'ng bagay na nasa-harapan n'ya.

'Hindi ito,totoo!'

"Iha,tulong!"sigaw ng lalaki dahilan para manlaki ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot.

Napako ang paa ko sa kinatatayuan ko habang nanlalaki'ng nakatingin sa itim na bagay na nakatayo pa rin sa harapan ng lalaki. Mahaba ang suot nito at nababalutan ng itim na awra ang buo nya'ng katawan.

Para'ng patay na ako dahil hindi ako makapaniwala na nakikita ko ang isa'ng grim reaper sa mismo'ng harapan ko.

Unti-unti ito'ng pumaharap sa'kin dahil sa sigaw ng lalaki'ng 'yon. Para'ng hinihigop nito ang aki'ng kaluluwa habang tinitingnan ko ang madilim nito'ng mukha na natatakpan ng itim nito'ng hood.

'S-si kamatayan. Nakikita ko.'

Itunuro n'ya sa'kin ang matulis at matalim nito'ng karit. Na para'ng sinasabi nito na papatayin n'ya ako.

Dali-dali ako'ng tumakbo papaalis sa lugar na 'yon hanggang sa marating ko ang unit ko habang hinihingan.

Sana lang ay hindi ako nasundan ng grim reaper dito sa unit ko. Sa sobra'ng  kaba't takot ko pakiramdam ko ay na nanaginip ako at isa ito'ng bangungot.

●●●●●●●●●●●●●●●●

Behind Me|(COMPLETED)|Where stories live. Discover now