+PROLOGUE+

599 27 0
                                    

"Tulungan mo ako!"

"Tulong!"

"Tulong!"

"Tulong!"

"Hindi pa ako handa,nakikiusap ako!"

Sobra'ng ingay at sobra'ng sakit na ng tenga ko dahil sa naririnig at nakikita ko. Napapasabunot ako sa ulo at lilipat sa aki'ng tenga dahil sa mga tao'ng nag-kukumpulan sa'kin at sinasabi na tulungan ko sila.

Para na ako'ng nababaliw sa sitwasyon ko dahil sa kanila. Napapagod at hindi na ako makatulog ng maayos dahil ginugulo nila ako araw-araw para manghingi ng tulong sa'kin ngunit wala naman ako'ng magawa para tulungan sila.

"Nakikiusap ako sa inyo,tigilan n'yo na ako,please!"

"Ikaw ang kailangan namin,huhuhuhuh. Tulungan mo kami!"

Lahat sila umiiyak at hinahawakan ako. Inaalis ko ang mga kamay nila na dumidikit sa damit at balat ko at para ako'ng nandidiri'ng iniiwasan sila,ang lalamig ng mga kamay nila.

Gusto ko ma'ng umiyak pero nananaig ang takot ko sakanila at tangi'ng hikbi lang ang nagagawa ko.

"Umalis na kayo,huwag n'yo na ako'ng guluhin, dahil wala ako'ng maitutulong sa inyo!"anas ko habang may bahig ng takot.

"Tulong lang naman ang kailangan namin para tigilan ka na namin!"

"Gusto lang namin na maka-usap ang mga mahal namin sa buhay bago kami makalaya!"

"Huhuhuhuh,hindi ka namin titigilan hangga't hindi ka pumapayag na tulungan kami!"

"Wala nga ako'ng maitutulong sainyo. Lumabayan n'yo na ako!"

Patuloy sa pagwagayway ang mga kamay ko dahil sa paghawak nila sa akin.

"Nag-uumpisa na naman sya'ng magwala dito."

"Nababaliw na talaga s'ya."

"Bakit pa 'yan nandidito. Dapat nasa mental na s'ya matagal na."

Mariin ko'ng ipinikit ang ang mata ko. Naririnig ko ang paligid ko,hindi ko na naman nako-control ang takot ko dahil sa mga nakikita ko. Naghalo-halo na ang mga boses na naririnig ko at hindi ko na alam kung saan doon ang totoo.

"Para siya'ng nasisiraan ng ulo at parati nalang may kausap o kaaway."

"Wala nama'ng tao sa harapan n'ya."

Mas mariin ko pa'ng pinikit ang mga mata ko at dahan-daha'ng minulat ang mata.

'Wala na sila.'

Nagpalinga-linga ako at tangi'ng mga kaklase ko nalang ang nakikita ko at wala ng kakaiba. Wala ng mga 'kaluluwa.'

Ang gulo na ng buhok ko kaya inayos ko 'yon,pinunasan ko rin ang mga pawis ko. Nag-konwari na para'ng wala'ng nangyari.

Iba kung tumingin ang mga kaklase ko sa'kin dahil sa mga weird na kilos ko. Matagal na ito ngunit hindi pa ako nasasanay na kontrolin ang takot ko.

Ang babae'ng nakakakita ng mga hindi na dapat makita pa dito sa mundo ng mga buhay. Nakikita ko ang mga hindi nakikita ng iba'ng tao. Hindi ko ba alam kung isa ba ito'ng regalo ng may kapal o isa'ng sumpa.

Nahihiya ako dahil sa mga sinasabi ng lahat tungkol sa kakayahan ko. Isa daw ako'ng malas at isinumpa,minsan napapaniwala nila ako sa sinasabi nila ngunit iniisip ko nalang na hindi, dahil wala sila'ng alam sa pagkatao ko.

Isa'ng babae na nakaka-kita ng mga ligaw na kaluluwa?sino ba'ng maniniwala sa gonoo'ng tao. Wala,dahil ang mga katulad ko na sidekick o shaman ang tingin lang ay isa lama'ng malas sa sangkatauhan.

Kung isa ito'ng regalo,papaano ko gagamitin ito. Sa paraan nga ba ng pagtulong sa mga ligaw na kaluluwa o may iba pa?

Bakit ako?

Behind Me|(COMPLETED)|Where stories live. Discover now