Chapter 6: The stock room

164 14 0
                                    

Bakit gano'n nalang ang naramdaman ko habang nagsasalita s'ya. Para'ng may alam s'ya o kaya naman may nakikita rin s'ya,kailangan ko'ng malaman kung nakaka-kita rin s'ya.

"Nakikinig ka ba?"

"H-huh?"

"Hindi ka pa nagkukwento sa nangyari kanina,bakit tumakbo ka ng hindi man lang ako sinabihan atsyaka bakit takot na takot ang mukha mo habang sa'kin ka naka-tingin."

0___0

"H-hindi sa gano'n Ann---wala lang 'yon." Hindi ko kaya tumingin ng diretsyo sakanya dahil sa nagsisinungaling ako,hindi ko naman dapat na sabihin sakanya kung ano ang nakita ko dahil ayaw ko'ng mawalan ulit ng kaibigan dahil sa sitwasyon ko'ng ito.

"Bakit hindi mo nalang sabihin sa'kin,kaibigan mo naman ako at ang magkakaibigan nagsasabihan ng problema."sinsero'ng sabi n'ya pero hindi ko kaya'ng sabihin sakanya,hindi gaya dati na kampanti'ng sinabi kaagad ang mga bagay na hindi kapani-paniwala,hindi ko kasi naisip no'ng mga araw na 'yon na hindi sila maniniwala.

Hindi ko alam ang isasagot ko sakanya kaya tangi'ng tingin nalang ang naganti ko sakanya at mabilis na iiwas dahil hindi ko 'yon kaya'ng tagalan pa.

"Pasensya na."nahihiya ako'ng sabihin sakanya at sangayon wala ako'ng tiwala sa iba'ng tao lalo na sa mga tao'ng hindi ako naiintindihan.

"Para saan? Ayos lang,kung tungkol naman sa peibado mo'ng buhay ang dahilan hindi na kita kukulitin pa pero kung may problema ka naman na kailangan mo'ng may pagsabihan na tao nandidito lang naman ako." Sinsero'ng usal nito kaya naman gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi n'ya ngunit may pag-aalinlangan pa rin.

"S-salamat."

'Balang araw makakaya ko'ng sabihin sayo ang mga bagay bagay na mahirap paniwalaan. Sangayon tiniisin mo muna Ann.'

"Tara na kaya sa room. Nagdala ako ng pagkain mo do'n nalang tayo kumain."usal n'ya na may ngiti sa labi. Sumang-ayon ako sakanya at nagpasalamat.

Nakita ko bigla si Zin na pumasok sa isa'ng room kaya naman nagmadali ako'ng naglakad papunta sa room na 'yon. Nakasarado yong pinto pagkatapad ko do'n.

"Oy,saan ka ba pupunta?"

"Teka,ano'ng gagawin mo d'yan? "Tanong n'ya.

"Hindi mo ba nakita yong lalaki na pumasok dito?"

"Huh? pasensya na pero hindi ko nakita dahil may hinahanap ako sa bag ko. Kilala mo ba 'yong pumasok d'yan?" Tanong n'ya habang sinasara ang bag n'ya.

"Oo,ang pangalan n'ya ay Zi----"

"Mga iha,nag-uumpisa na ang klase. Ano pa'ng ginagawa n'yo dito?"tanong ng isa'ng propesora.

"May titignan lang po sana dito sa room." Usal ko.

"Dito sa stock room?" Tumingin s'ya sa taas ng pinutan.

'Stock room nga.'

"Iha,hindi ka makakapasok d'yan ng wala'ng susi. Ang may mga susi lang dito ay ang mga committee ng paarala'ng ito. Maari na kayo'ng umalis para huwag mahuli sa klase ninyo imbis na ito pinagkaka-abalahan ninyo." Umalis na ito kaya naman umalis na rin kami.

"Wow,as in wow. Bakit sumungit bigla si Ma'am?"

"Hindi ko alam,baka naman kasi bawal talaga'ng pumasok do'n."

"Hmm,pero hindi naman tayo pumasok ah bakit gano'n nalang s'ya."

"Hayaan mo na,baka kasi bawal talaga."

Behind Me|(COMPLETED)|Where stories live. Discover now