Chapter 16: memory lost.

89 7 0
                                    

Iba'ng klase ito'ng kasama ko ngayon feeling ko talaga kill joy lang ito eh. Pa-inosente pa konwari. By the way,wala na kami sa labas,natapos na kasi ang isa'ng subject laya naman another subject na naman pero ngayon naglalakad ako papunta sa cafeteria dahil pinayagan kami ng prof na mag-break kahit 15 minutes,ang bait n'ya 'no. Ramdam n'ya ang paghihirap namin.

Ang tahimik ng hallway kaya nag-aalinlangan ako na baka may makita na naman ako. Na dasalan na kaya ito'ng school? Sa tingin ko hindi dahil may mga ispirito na rin dito. Masasabi mo'ng normal ang school na ito kung normal ka ri'ng tao---i mean hindi katulad ko na may nakikita'ng mga ispirito.

BLAG***

"Omo,sorry!" Nagulat ako ng may nabunggo ako kaya sobra-sobra'ng sorry ang nagawa ko lalo na napa-upo s'ya. Mas bata s'ya sa'kin,siguro forth year high school s'ya.

"A-ayos lang po---

Nahinto s'ya ng makita ako. Kilala n'ya kaya ako? Bakit para'ng oo. Gulat na gulat kasi. Baka galing rin s'ya sa dati ko'ng school.

"Ayos ka lang ba?"tangka'ng hahawakan ko s'ya pero umilag s'ya.

Ano'ng problema n'ya? Natatakot ba s'ya sa'kin,pero bakit?

"Kilala ba kita?" Sa tanong ko'ng 'yon napataas ang isa nya'ng kilay na para'ng naguguluhan.

"I-ikaw si...." napatingin ako sa paangat nya'ng kamay na nakaturo sa'kin. Mas ako ang tinatakot n'ya eh.

"Maddy!!!" Bigla'ng may sumigaw sa likod ko,papatakbo dito si Ann kaya naalis ang atensyon ko sa babae. Nang malapitan ako bumaling kaagad s'ya sa babae kaya napagaya rin ako sakaniya,tinitignan n'ya ako na para'ng sinusuri.

"I-ikaw po si ate maddy?" Hindi n'ya nakapaniwala'ng tanong. Tumango naman ako,ang weird nya'ng bata.

"Madz,kilala mo ba s'ya?" Ann asked me. Umiling ako. Hindi ko pa nakikita ang babae'ng 'to ngayon pa lang.

"Kilala mo ba s'ya?" Ann asked her pero hindi s'ya nag-dalita,nakatitig lang s'ya, pinag-aaralan ang mukha ko kaya ngumiti ako na ikinagulat n'ya. Bakit para'ng may iba sakaniya,ang bigat sa pakiramdam. Mukha'ng kilala n'ya nga ata ako.

"Wala ka'ng naalala dahil sa car accident?"

0___0 paano n'ya nalaman 'yon. Sa sobra'ng tagal na no'n mas pinili ko ng kalimutan at sa una'ng pagkakataon narinig ko'ng muli ang binangit nya'ng 'car accident'. Kung gano'n nga kilala n'ya ako.

Kunok*

Kinakabahan ako bigla.

"Paano'ng..."

"A-aalis na po ako." Sagot n'ya. Tumakbo s'ya at tinangka ko nama'ng habulit s'ya ang kaso ang bilis nya'ng mawala.

"Gosh,may alam s'ya." Sabi ko sa sarili ko.

"Madz,ano'ng sinasabi ng babae'ng 'yon? Kilala ka n'ya?"

"Hindi ko alam. Ngayon ko lang s'ya nakita." Ngayon lang dahil wala ako'ng matandaan kahit ano.

"Totoo ba 'yong sinabi n'ya na na-aksidente ka?" Tumango nalang ako at naglakad papunta'ng cafeteria. Para ako'ng nanlalamig kahit sakto lang ang hangin na tumatama sa balat ko,kinikilabutan rin ako habang pilit na inaalala ang mga nangyari pero wala talaga. Ang alam ko lang matapos ang aksidente ay ang pangalan ko wala ng iba.

"Kailan pa ito?"

Inisip ko. Dahil sa nangyari traumatize ako. Kapag sasakay ako ng mga kotse o bus nanginginig ako at para'ng kinakapos sa paghinga. Hindi ko na inalala kung kailan o papaano dahil gusto ko na iyo'ng kalimutan pero ngayo'ng nay nagpaalala ulit sa'kin para'ng lahat ng gusto ko'ng kalimutan ay nagpapaalala na naman sa'kin na isa ako'ng malas.

Behind Me|(COMPLETED)|Where stories live. Discover now