"Mmm, feel good. Yeah?"- natatawang aniya.

"Haha hanep sa pagbuhat ng sariling bangko ah. Tsk. Diyan kana."- nasabi ko na lang para itago ang pamumula sa aking mukha.

"You're blushing. Beautiful."- tudyo niya sa akin kaya tiningnan ko siya ng masama at dali-daling pumasok sa palasyo.

Nasa hallway na ako patungo sa aking kwarto ng may magsalita sa aking likuran.

"You already forgave him?"- nilingon ko si Knight at nginitian siya. Ngiti na walang buhay.

"No."- sagot ko.

"I saw him. Kissed you."- bulong nito. Tila ba nahihirapan siya sa sitwasyon namin. Well i'm not mad at you Knight. Wala lang talaga ako sa mood.

"Yeah. But it doesn't mean that i already forgave him. He said he will court me. Whether i like it or not."- sabi ko sa kanya.

"Galit ka... Sa akin?"- alanganing tanong niya.

"Hindi. Sige ha. Matulog na ako. May lakad pa tayo bukas eh."- sabi ko at tinalikuran siya.

Naglinis muna ako ng katawan bago humiga sa kama. Agad naman akong dinalaw ng antok.

'Czaquenna's pov'

Maaga akong nagising dahil siguro maaga rin akong nakatulog. Hindi ko naman sinasadya na mag emote no. Sadyang nagtatampo lang talaga ako.

Wala na si Cristel sa aking tabi. Una siyang nagising sa akin. Excited lang? Hays. Pumasok naman ako sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nagsuot ako ng roba. Dahil wala naman akong damit dito sa kwarto ni Cristel.

Lumabas na ako sa silid ni Cristel at tinahak ko ang daan patungo sa aking silid. Pipihitin ko na sana pabukas ang aking pintuan ng may sumitsit sa akin kaya nilingon ko ito. Bahagya pang nang laki ang aking mga mata ng makita ko si Hero na nakatayo sa may hagdan habang nakangising nakatingin sa akin.

"Sexy."- agad namang nag init ang aking pisngi sa sinabi niya kaya pinandilatan ko siya.

"Pervert!"- sigaw ko at binalibag ko pabukas ang aking pintuan.

Pagpasok ko agad akong nagbihis at sinuklay ang pula na mahaba kong buhok bago bumaba.

Nakaupo na silang lahat. Ako na nalng yata ang hinintay nila.

"Morning."- bati nila sa akin. Hmm awkward.

"Mm."- tanging na sabi ko lang.

Nagsimula na kaming kumain. Tahimik ang bawat isa tanging tunog lang ng kubyertos ang maririnig. Hanggang sa binasag ito ni Tito Criver ang katahimikan sa loob ng dining area.

"Saan kayo mamasyal, anak?"- tanong ni tito kina Cristel at Cristan.

"Sa batis po, Dad."- sagot ni Cristan habang tahimik lang si Cristel. What's wrong with her?

Pagkatapos naming kumain ay agad kaming nagpapaalam sa aming mga magulang at naglakad na papunta sa batis na aming tambayan mula pa noon.

Naramdaman ko naman na may tumabi sa akin habang naglalakad kaya nilingon ko ito. Si kuya Knight lang pala.

"Galit ka sa akin?"- tanong niya agad naman akong umiling.

"Hindi, Kuya."- sabi ko. Ngumiti naman siya at hinawakan ang aking kamay.

Pagdating namin sa batis ay agad bumitaw si kuya sa akin at namamangha na nilibot niya ang kanyang paningin.

"This is a paradise."- sabi niya kaya bahagya naman kaming natawa. First time niya pala. Dahil hindi siya dito lumaki.

Sapphire Diamond Academy 2: The new Legendary Twins(COMPLETED)Where stories live. Discover now