ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ɴɪɴᴇ° ᴀ ʟɪᴛᴛʟᴇ ʜᴇʟᴘ

24.2K 759 34
                                    

IRIS.

Nakauwi na kaming apat sa bahay namin. Kaming apat lang, hindi kasama 'yung mga kapatid namin. Mga pa-VIP kasi masyado. Kailangan rin nilang maging independent, 'no.

Naglaro akong mag-isa ng Temple Run dito sa sala. Sila Kristy kasi, may sari-sariling mundo. Mamaya lang daw kami mag usap about sa Academic War. E 'di bahala sila.

Malapit na akong mag 2 million nang bumukas ang pinto.

"Ay, pakshet!" Ano ba naman 'yan! Kung kailan malapit ko nang mabreak record ko, 'dun pa ako nahulog! Sayang effort ko, kainis.

Tiningnan ko 'yung nagbukas ng pinto. Sila Drake pala. May kasama silang dalawang babae at isang lalaki. Mga friends siguro nila.

Lumapit agad sila sa akin at tinanong kung nasaan 'yung iba. Sabi ko nasa kwarto nila at may kanya-kanyang ginagawa. Pero dahil sa makapal ang mukha ng Drake na 'to, inutusan niya pa akong tawagin sila.

Aba! Mukha na ba akong utusan ngayon ng mga bata? Psh. Itapon ko kaya mga chocolates niya? Tingnan ko lang kung hindi pa to magwala.

"Sige na, Ate Iris. Pakitawag sila please," sabi niya pa. Tiningnan ko lang siya ng masama. Ang kulit talaga ng batang 'to.

"Tawagin mong mag isa kung gusto mo. Hindi mo ako utusan."

"Sige na Ate. Please?" pagmamakaawa niya pa sabay pout. Ew.

"Ikaw ang tumawag o itatapon ko ang lahat ng chocolates mo?" pagbabanta ko sa kanya. Nasindak naman siya at dali-daling pumunta sa taas para tawagin sila Kristy.

Ayun naman pala. Rami pa kasing arte, e. 

"Ate Iris, sila Erika, Yoomi, at Gab po pala. Mga friends namin," pagpapakilala ni Andrei sa mga friends nila.

"Hello po!" sabay nilang sabi. Pinaupo ko sila sa sofa. Nakakahiya naman sa mga bisita kung hindi sila uupo.

Tiningnan ko sila isa isa. Hmm…di ko alam kung bakit, pero mukhang familiar 'yung isang babae. Parang nakita ko na dati, e.

"What's your name?" tanong ko sa babae.

"Erika po. Erika Paula Alonzo."

Tama! Siya pala 'yung nag-friend request sa akin sa Facebook!

***

FRANCESS.

Nasa sala kami ngayon at nagpapakilala sa mga kaibigan nila Reign. Epal kasi 'tong si Drake. Kitang naglalaro ako kanina sa laptop ko, e!

Tatlo 'yung mga bagong kaibigan nila. Isang lalaki at dalawang babae. 'Yung lalaki, mukhang kalog at halatang masayahin. Medyo magkaugali sila Drake. No wonder naging magkaibigan sila.

'Yung isang babae naman, straight ang buhok tapos katamtaman ang taas. Singkit siya tas chubby 'yung face, parang siopao. Halatang palabiro at mapangbara. Parehas rin sila ng aura ni Drake.

At 'yung isang babae, maputi tapos matangkad. By the looks of it, mukha siyang maarte pero mabait naman. Englishera. Kaya siguro magkasundo sila ni Maeri.

Pinakilala sila isa-isa sa aming apat. Napag alaman kong Nathan Gabriel Delgado 'yung pangalan nung lalaking kalog. May kamukha nga siya e pero hindi ko mafigure-out kung sino. Parang 'yung classmate namin. 'Yung babae naman na singkit na chubby 'yung face, Erika Paula Alonzo 'yung pangalan. Familiar nga 'yung apelyido, e. Tapos 'yung mukhang maarte at englishera naman ay si Ayoomi Crystal Concepcion. Familiar rin 'yung apelyifo niya.

Our Highschool Life: The Love SectionWhere stories live. Discover now