ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴛʜɪʀᴛᴇᴇɴ° ᴅɪ ᴋᴏ sɪʏᴀ ᴛʏᴘᴇ

13K 500 13
                                    

FRANCESS

Nakakainis! Gustong-gusto ko nang umalis dito but I couldn't just walk away. Madidisappoint si Mama. Pero what the hell?

Of all the boys in the world, bakit si Allen pa?!

Naiisip ko palang na siya 'yung ipagkakasundo sa akin, nandidiri na ako! Sure, friends na kami. But that doesn't change the fact na ayoko sa mga katulad niya! Tae naman, Ma. May balak ba kayong bigyan ako ng sakit sa ulo in the near future!?

At isa pa, naiinis ako lalo dahil ngiti ng ngiti si Allen sakin lalo na pag napapatingin ako sa gawi niya. Sarap sapakin eh. Pasalamat siya't nandyan 'yung parents niya at hindi ko siya maaway.

And so I decided to just chat him.


Francess: hoy kupal. wag mo nga akong ngingitian.


Pagkatapos kong magchat, napatingin si Allen sa akin at nginitian na naman ako! Pambihira. Maswerte siya't formal dinner 'to kaya di ko siya masungitan. Tss.


Allen: mas gumaganda ka pala kapag inaayusan e ;)

Francess: shut up.


Nakita ko na naman siyang ngumiti at umiling-iling pa! 


Francess: wag ka ngang ngumiti. nakakasira lalo ng araw

Allen: grabe ka naman :((


"Francess, what are you doing?" bulong ni Mama sa 'kin nang nakita niya akong nagtatype sa phone ko.

"Kausap 'yan." I pointed at Allen. 

"Wow. You two know each other, son?" tanong ng mama ni Allen sa kanya. 

He nodded. "We're classmates."

"Nice! Mukhang 'di kami mahihirapan sa inyo, ah."

"'Di ko siya type."

Akala ko ay maiinsulto 'yung mama niya sa sinabi ko pero nagulat ako nung bigla siyang tumawa. The hell? Kakainsulto ko lang sa anak niya, ah. Di ba dapat ay mainis siya sakin?

Pinanliitan ako ng mata ni Mama. "Francess," she said, her tone laced with warning.

"No it's fine, Fia." Uminom yung Mama ni Allen niya ng tubig. "It's just...'yun 'yung first time na narinig ko 'yun. Akalain mo 'yun, nak? Nireject ka ni Francess!"

"Hindi ah!" depensa ni Allen. "Type ako niyan. Nahihiya lang siyang umamin. Diba sweety?"

And then he fucking winked at me. The nerve!

I rolled my eyes at him. "Asa ka pa."

'Di ko alam kung bakit napakabagal ng oras kapag ganitong ayaw ko sa mga nangyayari. Bandang 10 na ng gabi nung nakauwi ako. Di pa nakuntento sila Mama at si Allen pa ang ipinahatid sakin! 'Di ba obvious na ayaw ko sa kanya?

"Good night, Francess! Dream of me," he teased and then blew me a fucking flying kiss bago niya itinaas ang bintana ng sasakyan nila. Siya kasi 'yung nagdrive. I know, underage driving. Rule breaker talaga.

"Mandiri ka nga!"

Naabutan ko si Iris na nanonood ng tv sa sala. Nung nakita niya ako, nabaling agad 'yung atensyon niya sakin. Chismosa talaga.

"Kamusta date, friend? Gwapo ba?"

"Mukhang tae," sagot ko.

"Ay grabe. Care to share? Anong pangalan niya?" Chismosa talaga 'to. Pakiramdam ko lahat ng detalye gusto niyang alamin e.

"Ayoko munang pag-usapan, Iris. Nababadtrip ako. Next time na," pagsusungit ko sa kanya at tuluyan nang pumasok sa kwarto ko.

Hay, buhay. Masama ba ako sa past life ko't ganito ang nangyayari sakin?

Bago ako natulog, chineck ko mun yung cellphone ko at nalaman kong tinadtad pala talaga ako ng chat ni Allen. Tinurn off ko nalang 'yung notifications ko sa kanya saka natulog. Bahala siya.

Kinabukasan, pagbaba ko sa hapagkainan para kumain sana ng almusal, nalaman kong inabangan pala talaga ako nung tatlong babaita para i-hot seat ako. Pambihira. Mga chismosa talaga.

"Mukhang tae pala si Allen ha." Tinaas baba pa ni Iris yung kilay niya. Natawa naman 'yung dalawa.

"Pano mo nalaman na si Allen?"

"Alam mo kasi Francess—" Tinapik ako ni Kristy sa balikat at saka kinindatan. "May pakpak ang balita. May sources kami 'no."

"Akalain mo 'yun, Cess? Sa lahat ng lalaki, si Allen pa—"

Siningitan ko si Yssa. "Alam ko. Malas nga e."

"Atleast kilala namin. Tas bata pa naman kayo. A lot of things can still happen. Malay mo in those span of years magbabago pa isip ng parents niyo."

"Sana, no. Mamamatay ako ng maaga kung 'yun makakatuluyan ko."

At pinagtawanan na naman nila ako't inasar-asar. Hay, buhay.

Our Highschool Life: The Love SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon