ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴛᴡᴇɴᴛʏ sᴇᴠᴇɴ° sʜᴇ's ʙᴀᴄᴋ

11.5K 416 103
                                    

ALLEN

Pangiti-ngiti ako habang naglalakad papunta sa World of Fun. Natatawa talaga ako pag naiisip ko 'yung couple shirt nila Brent at Iris, eh. Ngayon pa nga lang ay nag-iisip na ako ng mga pang-asar na linyahan para kay Brent bukas.

Pero sana all may couple shirt! Bili rin kaya ako para sa amin ni Sweety?

Joke lang. Hindi muna ngayon, baka ibalik niya lang sa 'kin eh. Ayaw kong mareject ulit, 'no! Araw araw na ngang pinapamukha sa 'kin ni Sweety na ayaw niya sa 'kin, dadagdagan ko pa? Sakit sa ego, pre. In the future nalang.

Nung nakarating na ako sa WOF, hinanap ko agad siya. At ayun nga siya, tahimik na naglalaro ng basketball sa gilid. Sunod-sunod pa siyang nakakascore!

Kakaiba talaga 'to sa lahat ng babaeng nakilala ko. 

Bago ko siya nilapitan, bumili muna ako ng coins sa counter. Tapos pumunta ako sa katabing machine niya.

"Hi Sweety!" nagsimula akong magshoot ng bola. "Musta?"

Napatigil siya sandali at parang nagulat pa nung nakita ako. Pinanliitan niya ako ng mata. "Ba't ka nandito?"

"Sasamahan ka," sabi ko saka sumandal sa machine at nginitian siya. "Bakit?"

"Di ko kailangan ng kasama," sabi niya bago ibinalik ang atensyon niya sa paglalaro.

Hay, Aragon. Bakit ba mas lalo kitang nagugustuhan pag itinutulak mo ako palayo? 

Ampota, Allen Cruz. Ikaw dapat ang hinahabol ng babae, eh. Hindi ganito.

Pero okay lang, si Francess naman 'to.

"Okay lang. Sasamahan parin kita kahit ayaw mo ako kasama."

'Di na siya sumagot. Kinwentuhan ko nalang siya habang nagshoshoot ng bola.

"Ay, Sweety. Alam mo bang nakacouple shirt si Brent at Iris ngayon?"

"Weh?" sambit niya na parang nagjojoke time lang ako. "Ba't naman sila magcocouple shirt? Eh diba si Matt at Iris? Weird naman."

"Di naman nila alam na nakacouple shirt sila. Ako lang. Secret lang muna natin. Hehe."

Napatigil siya ulit at tiningnan ako, obvious na naguguluhan sa mga pinagsasabi ko. "Ha?"

Ikinuwento ko sa kanya 'yung nangyari. Umiling-iling lang siya pagkatapos. "Napakasayang naman nung couple shirt."

"Eh? Bakit naman?"

"Ipapamigay lang 'yun ni Iris pag nalaman niya. "

"E 'di kunin mo sa kanya. Hihingiin ko nalang rin 'yung kay Brent para may couple shirt na tayo. Hehe."

Inirapan niya ako. Napakasakit, Kuya Eddie! 

"Ew."

Para itago ang durog kong ego, inaya ko nalang siyang magpataasan ng score sa basketball. Pumayag naman siya, pero nadurog lang lalo ego ko nung naglaro na kami.

Shet, nalampasan niya score ko! Pambihirang babae talaga 'to, oo.

"Weakshit ka pala eh," natatawang sabi niya.

"Hoy, hindi ah! Kulang lang sa practice."

"Sus, weakshit ka lang talaga. Better luck next time," nang-aasar na sabi niya saka tinapik-tapik yung ulo ko. "Hmm..sabi mo sasamahan mo ako diba?"

"Oo, bakit?"

Nagulat ako nung bigla niyang hinawakan ang braso ko at hinila ako palabas ng World of Fun. Huminto kami sa harap ng Turks.

Inilabas niya 'yung wallet niya.

"Gutom ako. Kumain ka nalang rin kung gusto mo."

"Ililibre mo ako?"

"Asa," sabi niya at saka inirapan na naman ako. "KKB tayo dito."

Gutom rin ako kaya bumili rin ako ng pagkain at sinundan si Francess sa isang bench. Wow, tagal na rin pala simula nung last akong may nakadate sa mall.

"First date ata natin 'to Sweety, ah."

Pinaliitan niya ako ng mata. "Kapal."

"Parang date kaya Sweety!"

"Wag mo nga ako tawaging Sweety. Kinikilabutan ako."

"Sus, baka kinikilig."

Inirapan niya ako. "Kapal mo talaga, Allen Cruz. Panget mo."

Imbes maasar, natawa ako.

"Alam mo Sweety, kakaiba ka talaga sa lahat ng nakilala kong babae eh. Hindi ka ba mahilig magshopping?"

Yung last ko kasi na chikababes ilang oras akong inilibot sa department store, eh. Nakakatrauma.

"Minsan lang. 'Di naman ako maarte sa damit."

"Halata naman. Parang di ka nga kumportable magheels, eh."

Tumango-tango siya. "Alam mo, parang ngayon lang ata tayo nagusap ng matino." 

"Oo nga," pagsasang-ayon ko. "Palagi mo kasi akong tinatarayan, Sweety!"

"Wag mo nga ako tawaging Sweety!"

Pinagtawanan ko siya. Hinampas niya naman ako. Battered husband guro ako in the future.

Kumain pa kami ng dinner bago ko siya hinatid pauwi. S'yempre, libre ko 'yung dinner. 'Di naman 'yun sasama sakin pag hindi libre.

"Salamat," sabi niya bago pumasok sa gate nila. "Pangit ka parin!"

Sweet naman ng 'ingat ka pauwi' nitong fiancee ko.

Nakangiti lang ako buong byahe pauwi.

Naglalaro lang naman ako ng DOTA sa computer nang biglang tumunog yung phone ko. Pagtingin ko, si Brent pala.

Tsk, akala ko pa naman si Sweety.


Fr: Unggoy

Pre, may bad news ako.


Bigla akong kinabahan sa text niya kaya nireplyan ko siya agad. Binuksan ko na rin 'yung facebook at twitter ko, baka may makalap akong chismis eh.

Wala pang isang minuto ay nakareply na agad si Brent.


Fr: Unggoy

Nakabalik na pinsan ko. 


Fr: Unggoy

Wag kang iiyak pls!!!


Natigilan ako. Sakto namang may nagpop na chat head sa screen ng phone ko.


Brianna Katarine Chavez

Brianna: hi allen

Brianna: i'm back

Brianna: miss me? see u tom


Biglang na namang bumalik sa akin lahat.

Kung paano niya ako pinagmukhang tanga.

Kung paano ako nagmakaawa para wag niya lang akong iwan.

Kung paano niya ako nabago.

Naging loyal naman ako sa kanya. I gave her all that she wanted. Minahal ko naman siya..pero ba't niya ako sinaktan?

Napabuntong-hininga ako.

Ba't bumalik ka pa?

Our Highschool Life: The Love SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon