ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ғᴏᴜʀ° ᴛʜᴇ ʏᴏᴜɴɢᴇsᴛ

32.5K 884 24
                                    

FRANCESS.

Napairap nalang ako nung nakitang papalayo na 'yung apat. Nakakainis sila. Lalo na yung mukhang playboy na 'yun! Oh wait, di pala mukha. Playboy nga pala talaga.

Kanina kasi nakita ko siyang nakikipagbreak sa isang babae. Tapos wala pang ilang minuto, nakikipagflirt na naman siya sa ibang babae. Di ko talaga masikmura yung mga playboy!

Gosh, I hate their kind.

At kung minamalas nga naman, katabi ko pa siya. Kainis. 

Para mawala na siya sa isipan ko, nilabas ko nalang yung phone at earphones ko. Mas mabuti pang makinig ng kanta kesa pansinin yung mga nangyayari sa paligid ko.

"Cause if you like the way you look that much. Oh baby you should go and love yourself," pagsabay ko sa kanta.

"Maganda pala boses mo babes?" Halos mapatalon ako sa gulat nang may nagsalita sa tabi ko. Nasa tabi ko na pala yung playboy na Allen yata yung pangalan.

Tiningnan ko lang siya saglit tapos nilakasan 'yung volume ng phone ko. Ayokong mabadtrip lalo. Nakakabadtrip na nga 'yung mukha niya, kukulitin niya pa ako? No thanks.

Hindi nagtagal e nagbell na para sa next subject. Hindi ko parin tinatanggal 'yung earphones sa tenga ko. Hindi naman siguro mapapansin ni Ma'am. Magjajacket nalang ako.

Dumating na ang teacher namin at nagpakilala. Nagpakilala rin kami. Binigyan lang kami ng free time ni Ma'am. Masaya talaga sana 'yung first day of school, e. May mga asungot nga lang kaming classmates.

Nung mga sumunod na subjects, ganun parin 'yung ginawa namin, nagpakilala. Sawang- sawa na nga ako e. Pabalik- balik lang naman mga sinasabi namin.

Natapos ang isang umaga namin na puro kaboringan ang naganap. Kaya nung nag-lunch na, natuwa ako kasi sa labas kami ng room kakain. Ang init kasi dun sa classroom.

"Ayokong kumain sa room. Ang init e. Baka maging haggard pa mukha ko. Pretty pa naman ako. Mahirap na," sabi ng ambisyosang si Iris.

"Pretty? Saan banda ba 'yung sinasabi mong maganda?" pambabara ko sa kanya.

"S'yempre sa mukha. Hindi naman pwede kung sa pwet diba? May maganda bang pwet?" she replied saka ako inirapan. Sabi ko nga. Hindi talaga ako mananalo sa isang Irisha Maxine Bergado.

Nung nakarating na kami sa canteen, kanya kanya na kaming labas ng baunan. Mahirap na. Baka magutom pa kami kakapila dun, madami pa namang tao. 

Pagbukas ko ng baunan ko, napabuntong hininga ako. Shet naman, ba't ba nakalimutan kong maglagay ng ulam kanina? Kanin lang meron. So anong kakainin ko rito, kanin lang walang ulam? Tsk! Kaasar. Nakakadiri kaya 'yun.

Kaya wala akong choice kundi pumila sa counter para umorder kahit presyong ginto ang mga pagkain dito. No choice e. Ayaw naman magshare ng mga mababait kong kaibigan. Lalo na si Iris. Patay gutom! Ang damot!

Malapit na sana ako sa counter nang may sumingit bigla. At sino pa nga ba? E 'di yung malanding mukhang pwet na Allen yata ang pangalan! 

Kinalabit ko siya para tumingin siya sa akin.

"Ano ba problema mo babes?" singhal niya. Aba't siya pa may ganang magalit! 

"Ikaw!"

"At bakit naman?" pagmamaang-maangan niya.

"Bakit ka sumingit sa pila?" 

Nginisihan niya ako. "Just because, babes."

At tinalikuran niya pa ako! Anong just because?! Gago ba siya?

Huminga ako ng malalim. First day namin ngayon kaya ayaw namin ng gulo. Kaya titiisin ko nalang muna.

Hinintay ko nalang siyang matapos mag order para wala nang gulo. First day of school ngayon at dapat mag-iwan ako ng magandang impression dito. Bagong buhay e.

Pagkatapos kong mag order ay bumalik na ako sa table. Nakakalahati na sila, tapos ako hindi pa nagsisimula. Walanghiyang Allen talaga yun! Kainis to the max!

Pagkatapos naming kumain, naglakad na kami at bumalik sa room para ibalik yung baunan namin. Pagkatapos ay naglibot-libot kami sa buong Stardom University.

Grabe. Kung anong kasing-pangit ng ugali nung apat ay siya namang ikinaganda ng school! Paano ba sila nakapasok dito?!

Our Highschool Life: The Love SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon