ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴛᴡᴇɴᴛʏ ғɪᴠᴇ° ᴍᴀsǫᴜᴇʀᴀᴅᴇ

13.2K 523 81
                                    

KRISTY

"Bao?" Natigilan ako. Bumilis 'yung tibok ng puso ko habang nagpo-process sa utak ko 'yung nakikita ko..

What the hell. Si Matt...siya si Bao?


***

Debut ni Ate Cassey, one of Kuya Kent's closest friends, and invited kami. I was so excited that I even put out so much effort in designing my own mask. Masquerade kasi ang theme ng party.

"Kristy!" I looked at the direction of the voice which was clearly Yssa's. Oh, right. Invited rin pala siya dahil naging close sila ni Ate Cassey through ate Megan, pinsan ni Yssa. "Di mo kasama si Ate Megan?"

"Nah, kakahatid lang din sa 'kin ni Daddy," she said. Napatingin siya sa suot ko. "Wow, lady in gold."

"E ikaw, lady in pink!" I chuckled. Yssa looked very lovely with her rose pink dress today. Nakacurl rin yung buhok niya. Wait..'di siya nakaglasses ngayon. "Naka-contacts ka?"

"Yeah," she said as she fixed her mask. "I had to force Mommy to let me wear these pa. Di ko kaya masuot glasses ko pag suot ko 'tong mask!"

"Girls—" Nilingon ko ang nagsalitang si Kuya na kakatapos lang ipinark 'yung kotse. "Let's go?"

As expected, the venue was great. Napakaraming tao. Dun kami umupo sa table na malapit sa pinakamaingay na table na apat na lalaki ang nakaupo. Di na sila nahiya. Ang rami kayang tao.

But who cares? It's not my business anyway.

Ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa ibang bagay kaya napako ang tingin ko sa mga pagkain at nagutom ako bigla. Ang tagal naman magsimula! Excited pa naman akong makita 'yung birthday celebrant...at kumain ng foods.

'Di nagtagal ay nagsimula na nga ang entrance. Unang pumasok 'yung family ni Ate Cassey.

"Beh, parang gwapo yung kapatid niya," bulong ni Yssa saka ngumuso dun sa direksyon nung kapatid ni Ate Cass. Teka, nasa table 'yan kanina nung maiingay na lalaki ah? Kapatid niya pala?

"Bakit? May plano kang alamin 'yung panga—" Natigilan ako nung pumasok na si Ate Cassey.

Ang ganda! Nakakatomboy naman.

Nagsimula na ang program. Nakakatuwa nga kasi throughout the program, makikita mo talaga na sobrang blessed ni Ate Cassey sa family and friends niya. Naka-anonymous parin lahat ng names, nakalabel lang through numbers. I heard rin kay Kuya Kent na Ate Cass made a request to her Mom to keep the guest list a secret from her. Para may thrill daw. But still, sure naman ako na kilala niya 'yung mga taong nagsasalita sa harapan niya ngayon.

'Di nagtagal ay dinner time na. Sa sobrang superb nung pagkain ay feeling ko puputok na 'yung tiyan ko sa sobrang busog. Kaya I decided na lumabas muna sa venue at pumunta sa garden para magpahangin.

Lumapit ako dun sa favorite flower ko, yung carnation. Hahawakan ko na sana nang may biglang nagsalita. "Hoy babae."

Nilingon ko siya. Tss. Sa pagkakaalala ko, isa 'to sa mga maiingay dun sa pinakamaingay na table kanina.

"Problema mo?" pagsusungit ko. Maka-hoy to. Close tayo, teh?

"Nakita mo 'yun?" Tinuro niya 'yung signboard na may nakasulat na bawal pumitas ng bulaklak. "Bawal pumitas ng bulaklak. Isusumbong talaga kita."

"Hoy, grabe! Di naman ako pipitas, hahawakan ko lang. Ang oa naman," iritang sambit ko. Inirapan ko nalang siya at naglakad palayo.

"Suplada. Akala mo naman maganda." Napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya ulit. 

Our Highschool Life: The Love SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon