ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴛᴡᴇɴᴛʏ sɪx° ᴛ-sʜɪʀᴛ

12.1K 403 195
                                    

IRIS

"Ugh, napakaboring naman!" Inilapag ko 'yung cellphone ko sa kama. 

Kakatapos ko lang magrewatch ng Peppa Pig at wala na akong gana manood pa ng ibang shows! Napakasakit na rin ng mata ko kakatitig sa cellphone. Ano ba pwedeng gawin?

Biglang tumunog 'yung phone ko at nakita 'yung text ni Yssa. Napakatamad talaga nito. Nasa kabilang kwarto lang siya pero tinetext niya parin ako. 


Fr: Isay Isaw

Arat mall! Bili ako merch.


Answered prayer talaga tong si Isay, eh! Nagreply naman ako agad ng 'Sure'. Wala pang isang minuto ay nagpop na agad 'yung chat head ng gc naming apat.


big four trashtalkan

Yssa: TARAAAAA

Yssa: PUNTA TAYO MALLLLLL

Yssa: @Francess bihis ka na dali 

Yssa: bagal mo pa naman kumilos

Francess: luh baka ikaw

Kristy: AHAHAHAHHAHAA

Yssa@Kristy tawa tawa ka diyan

Yssa: dapat after 10 minutes nasa baba na lahat 

Yssa: OKII????

✅  seen by everyone

Yssa: mga seenlord!!!!


Natawa ako. Pustahan, sa aming apat si Yssa 'yung hihintayin namin mamaya. May lahing pagong 'yun e.

Pagkatapos kong magbihis at magpaganda lalo, lumabas na ako sa kwarto at tumambay sa sala. Naabutan ko dun si Drake na nanonood ng basketball sa tv habang kumakain na naman ng chocolate. Wow, bilis makarecover ng batang 'to. Iba rin talaga basta masamang damo.

"Oh? Sa'n punta mo, Ate?" tanong niya sabay bukas ng bagong biktima niyang chocolate. 

"Mall, bakit?"

"Sino kasama mo? Wala ka namang jowa."

Napatigil ako sa pagselfie at hinarap siya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Hoy, bakit? Bawal na ba sa mall mga single? Sila Ate mo kasama ko 'no!"

"Wow, talaga?" biglang sulpot ng kapatid ko na mukhang bagong ligo lang. Wow, himala. Naligo siya ngayong Sabado. "Punta rin tayo sa mall, Drake!"

"Luh, sinong nagsabi na sasama kayo samin? Hindi pwede!"

"Hindi naman inyo 'yung mall!" sabi ni Drake sabay dampot na naman ng isang bar ng chocolate. "At maliligo pa ako, 'no! Di naman kami sasabay sa inyo."

Inirapan ko nalang siya at hindi na umimik hanggang sa nakababa na sila Francess at Kristy. At as usual, si Yssa na naman ang nahuli. Sobra ten minutes na kaya!

Mga ilang minuto pa kami naghintay hanggang sa nakababa siya. At ang gaga, nakaayos nga matindi. Kaya pala natagalan.

"Yung totoo, Yssa. Sasabak ka sa photoshoot?" 

Nginitian niya lang si Francess saka nag-hair flip siya. "Lezzgo!"


***

THIRD PERSON'S POV

"Bro, bibili ako ng death note sa Comic Alley. Sama ka?"

Kasalukuyang naglilibot sa mall sina Matt at Vince. Actually, kani-kanina lang ay kasama rin nila sila Allen at Brent pero bigla nalang silang nawala nung nag-CR si Matt at Vince.

Our Highschool Life: The Love SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon