ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ɴɪɴᴇ° ᴀ ʟɪᴛᴛʟᴇ ʜᴇʟᴘ

Start from the beginning
                                    

Seryoso, nakaka-nose bleed na ngang makipag-usap kay Maeri, e. Tapos dadagdagan pa nito. Sana okay lang si Drake.

"Mga Ate, akyat muna kami dun sa mga kwarto namin," pagpaalam ni Andrei tapos umakyat na papunta sa mga kwarto nila kaya kaming apat nalang ang naiwan dito.

"Usap na tayo," biglang sabi ni Kristy.

"Nag-uusap na tayo," pangbabara sa kanya ni Iris. Inirapan lang siya ni Kristy at nagsalita.

"Hoy mga babaita. For your information lang ha? Hindi pa tayo nakakaganti sa kanila. Paglaban lang 'yung ginawa natin."

"E 'di gumanti tayo," sabi ko sa kanila.

"Ano namang gagawin natin?" 

"Matalino ka diba? Mag isip ka." 

Inirapan niya lang ako saka nagsalita ulit. 

"Gusto kong malaman 'yung mga kahinaan nila. 'Di ko kasi alam kung paano lalaban kung di ko pa masyadong kilala 'yung kalaban ko, e. Ang alam ko lang kay Matt ay 'yung katotohanan na bwisit siya."

"Girl, same," pagsasang-ayon sa kanya ni Yssa. "Minsan lang nagsasalita si Vince pero grabe, sobrang nakakairita siya!"

"Uh...did I just hear the name Vince?" said someone from our back.

Napatingin kami sa nagsalita. Si Yoomi pala.

"Bakit? Kaano ano mo si Vince Concepcion?" tanong ni Kristy sa kanya.

"He's my oh-so-sungit Kuya lang naman," sagot niya. Wow, nakakabigla naman. Kuya niya pala si Vince? Hindi talaga halata, promise. Ang ingay kasi nito e.

"So...what's your problem about my brother? Is he annoying one of you?" tanong niya pa.

"Oo, si Yssa," mabilis na sagot ni Iris.

"Oh…" Napatingin si Yoomi kay Yssa. "So you're the new victim. Don't worry, Ate, I'll help you. Tell me the whole story." 

Umupo siya sa sofa. Kinwento namin sa kanya 'yung mga paghihirap namin simula pa nung first day hanggang sa paglaban namin sa kanila.

"Grabe. They're so mean!" pag-rereact ni Yoomi na nakasalubong na 'yung kilay.  "Wait a minute. I'll ask Erika for help."

Tumakbo siya pabalik sa kwarto nila Maeri. Pagbaba niya, kasama na niya si Erika.

"Bigyan niyo kami ng infos about them. Please?" Kristy told them.

"Okay…" Tumango-tango si Yoomi. "Kuya Matt's their leader and his full name is Matthew Christopher Castillo. I won't deny that he's so full of himself, but he's a bit nice naman. He's an only child and is always the top 1 in their class so ayaw niya talagang maagawan...and he's still NGSB."

"Anong mabait sa lalaking yun?" rinig kong bulong ni Kristy. "Tas NGSB? Ha! Proof na walang kahit sino man ang gustong pumatol sa kanya."

"Gago," sabi ko sa kanya.

"Hmm…'yung Kuya ko naman is si Vince Adriel Concepcion. He's the most quiet of them all and he's really masungit especially to those people he's not close with. He is also afraid of the dark...and he likes to play games."

"Afraid of the dark? Nice," rinig ko namang bulong ni Yssa. 

"Kuya ko po si Brent Ezekiel Alonzo. Ang bantot nga ng pangalan niya, e. Buti pa sa akin maganda," panimula ni Erika na ikinatawa namin. "Mayabang 'yun at mahilig mang-asar pero nananalaytay na 'rin kasi talaga sa dugo namin yuny mahilig mang-asar. Kaso nga lang, madali siyang mapikon. Tapos NGSB rin 'yun, parehas sila ni Kuya Vince at Kuya Matt. Tapos nababakla 'yan sa mga ipis."

"Sus. Ipis lang pala ang katapat ng tsonggong yun e," bulong naman ni Iris habang umiiling-iling.

"Last but also the least—este but not the least, si Kuya Prince Allen Cruz. Pwe! Prince raw siya kaya ganyan kumilos. Babaero. Dakilang flirt. Pero sa totoo lang, wala pa raw siyang first kiss, Ate. Nakikipaglandian lang 'yun sa mga babae."

"Eh? Wala pang first kiss ang palakang 'yun? E diba playboy 'yun?" tanong ko.

"Sa buong buhay niya, isang babae lang ang sineryoso 'nun. Kaso iniwan siya, e. Kaya siguro naging babaero."

Natahimik kami saglit 'dun. Iniwan pala kaya naging babaero. Pero kahit na, 'no! Why would you break someone's heart just because yours is broken? That's bullshit.

"Wala nang ibang details?" tanong ni Kristy na nagsusulat pala. Ngayon ko lang napansin na may hawak-hawak pala siyang ballpen at notebook. Girl Scout talaga.

"Ah! Meron pa," sabi ni Erika saka ngumisi. "Takot sa ipis at daga si Kuya Matt."

"Kuya Vince is afraid of ghosts or anything related to the dark," sabi naman ni Yoomi.

"Mahilig sa music si Kuya Vince. Nang dahil sa music nga lang yata 'yan ngumingiti e," dagdag pa ni Erika. "Tapos madaling mainis si Kuya Brent. And…naglalaro rin siya ng basketball kagaya ni Kuya Allen." 

"Kuya Allen is the uh...MVP. He can play soccer, badminton. Basketball, table tennis, and more. In short, sporty siya." 

Kaya pala ako ang kinakalaban ni Allen. Hindi lang dahil sa academics kundi dahil sa kakayahan ko rin. Sporty siya at sporty rin ako. Kaya siguro ako target ng palakang 'yun.

"Noted."

"Thanks Yoomi and Erika." pagpapasalamat ni Yssa sa kanila.

"Okay lang. Anytime you need help, nandito lang kami. Kayo naman ang biktima e, hindi sila." 

"Yeah. The boys were the one who started it naman." 

"Wait, kinukunsinti ba ng school 'yung bullying? Walang nagsusumbong sa teachers?" Kristy asked.

"Nope. Takot sila kanila Kuya Matt e tas major shareholders ng school 'yung parents namin kaya 'di parin sila makikick-out. Kaya nga maraming nagdodrop-out or lumilipat nalang ng schools," sagot ni Erika.

Oh…so that's the reason why. Kaya pala ang lalakas ng mga loob nilang mambully. Well, tapos na ang paghahari-harian nila.

"Kayo, wala ba kayong Academic war?" tanong ko.

"Meron po," sagot ni Erika. "Pero hindi naman kami nabubully kasi sa simula palang, close na ang boys at girls. Chill lang kasi kami. Wala masyadong paki sa grades. Grade concious kasi kayong lahat e."

"Sige Ates. We've gotta go na. It's getting late na rin. Magpapaalam nalang rin kami kanila Maeri," sabi ni Yoomi tsaka umakyat para magpaalam. 'Di nagtagal, umuwi na 'yung tatlo kasama si Gab. Nagpasalamat na rin kami 'dun sa dalawang bata.

"So ano na?" tanong ko sa kanila.

"Gamitin lang natin ang mga kahinaan nila laban sa kanila bilang pagganti kapag napahamak na naman tayo ulit," sagot ni Kristy. "Wag tayong magrevenge ng basta-basta dahil wala na rin tayong pinagkaiba sa kanila kung gagawin rin natin 'yun. Klaro ba?" 

Tumango nalang kami nilang sagot.

Our Highschool Life: The Love SectionWhere stories live. Discover now