Iwinaksi ko lamang ang mga alaalang iyun at bumaba ng kama habang hinihilot ang noo. Pumanhik ako ng silid paliguan at naghilamos. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin at nasilayan ko ang pamumutla ng mukha ko. Bumuntong hininga ako saka nilisan ang silid paliguan. Kaylangan akong magmamadali dahil may pasok pa ako ngayon.

Lumabas ako ng kwarto at laking pangungunot ng noo ko dahil sa nakakabinging katahimikang bumungad sakin. Agad kong nilibot ang paningin at bumilis na lamang ang aking tibok ng puso dahil sa nakikita ko sa paligid.

Maraming dugo sa dingding, makalat, may mga bitak din sa bawat sulok at may mga kunting usok na parang dinaanan ito ng isang labanan. Dali-dali akong bumaba ng hagdanan at tumigil naman ang mundo ko dahil tumambad sakin ang di kaaya-ayang paligid. Nabalik ako sa reyalidad nang may naalala ako.

Ang mga kaibigan ko

Agad akong naglibot ng tingin at para naman akong nabuhusan ng yelo dahil sa nakita ko.

Hindi! Hindi, kasinungalingan ito!

Halos talunin ko na ang hagdanan para daluhan ang duguang lalaking nakahimlay sa sahig.

Parang tumigil ang pagtibok ng aking puso dahil si Four ito. Maraming dugong umagos sa katawan niya. Para akong natulala at pabagsak akong napaluhod. Parang ilang ulit sinaksak ng kutsilyo ang aking puso dahil sa sakit. Hindi, hindi maari ito.

Kusang bumagsak ang aking mga luha at dahan-dahan kong inilapit ang kamay ko sa mapuputlang mukha ni Four habang nanginginig sa takot at sakit. 

"F-four, huyy, gumising ka jan. Hindi na nakakatawa, Four g-gumising ka. Sige ka, hindi nakita kakausapin. W-wag ka ngang magbiro jan" para akong baliw habang sinabi ang mga salitang iyun. Nanlabo narin ang aking mga mata dahil sa mga luha ko.

Pilit kong huwang makagawa ng ingay at pinahiran ang mga luhang kusang bumabagsak.

"Huh, gumising ka jan. P-patayin talaga kita" parang nanginginig ang boses ko sa takot ngunit pilit ko paring pinipigilan ang tuluyang umiyak. Tumingin ako sa paligid at walang ibang taong nakikita ko kaya mas lalo akong pinanghinaan ng loob. Tiningnan ko muli si Four at nilukob naman ang buong pagkatao ko sa takot dahil hindi parin ito gumising, hindi din ito humihinga.

"F-four, d-diba nagbibiro ka lang? Wuyy gumising ka nga jan, please huhuhuhu" hindi kona napigilan ang sariling humikbi dahil sa pagyanig ng aking mundo sa takot at sakit.

Hindi, panaginip lang ito. Hindi ito totoo

"Four! Please gumising kana huhuhuhu" sinuntok-suntok ko ang kanyang dibdib habang umiiyak para magising lamang ito ngunit ako'y bigo parin.

"B-blaire" agad akong napalingon sa likod at nakita ko ang naghihingalong si Scarllet. Duguan din ito at may malaking sugat ito sa paa.

Agad ko siyang dinaluhan at tinulungang makalakad papalapit kay Four. Pinaupo ko siya at agad ding hinarap.

"A-anong nangyari?" humihingos kong tanong sa kanya.

"S-sorry Blaire, may lumusob dito. Mga maiitim na nilalang at isang mages ngunit iba ang kanyang kapangyarihan sapagkat ito'y itim. Nasa labas silang Miles at ang iba pang kaibigan natin, tinulungan nila ang ibang sugatang mga studyante" nalulungkot salaysay ni Scarllet.

"Marami sila kaya madami din silang napaslang" mahinang dugtong niya na nakapagpahina sakin ng husto. Daha-dahan kong binalingan ng tingin si Four at para naman may kung anong nawala sakin. Para narin akong pinatay dahil sa naramdaman ko ngayon. Sakit, takot, at galit ang naramdaman ko.

"A-anong nangyari kay F-four?" nanghihinang tanong ko muli sa kanya.

"Siya ang unang humarap sa mga kalaban at dahil sa rami nila ay hindi niya nakayanan. Tinuluyan siya ng mages at isinumpa itong hindi na ito gigising pa kung hindi maputol ang sumpa" parang nanlumo ang sistema ko dahil sa narinig ko. Bakit ito nangyari sa kanya? Ang kamatayang ito ay hindi nararapat sa kanya.

"At ang tanging makapagputol lang ay ang halik galing sa babaeng totoong nagmamahal sa kanya" agad akong napalingon kay Scarllet sa dugtong niyang sabi. Parang nabuhayan ang dugo ko dahil dun kaya agad ko ding binalingan ng atensyon si Four.

Dahan-dahan akong yumuko at hinalikan ito sa labi. Ramdam ko ang panlalamig ng mga labi niya ngunit hindi parin ako nawalan ng pag-asa. Tumagal ng ilang sigundo iyun kaya lumayo na ako sa kanya. Nakatuon lang ang atensyon ko kay Four at inantay itong magdilat ng mga mata ngunit dumaan nalang ang ilang sigundo ay wala paring nangyari.

Bakit walang nangyari?

Hindi parin ako nawalan ng pag-asa ay hinalikan siya muli ngunit bigo parin ako.

"B-blaire, patawad sapagkat huli na ang lahat. Isang oras lang ang nakalaan para magawa iyun at nahuli kana" bumagsak ang mga balikat ko dahil sa narinig ko. Anong ibig niyang sabihin? Anong nahuli? Hindi, hindi iyun totoo.

"A-nong nahuli? D-diba nagsisinungaling ka kang? Tama ba ako? Nagsisinungaling ka diba?" parang nanginginig ang buong sistema ko habang tinanong iyun sa kanya na parang nagmamakaawang sasabihin niyang tama ako. Nakahawak ako sa mga balikat niya at niyugyog siya.

"Totoo iyun Blaire" agad akong napalingon sa kaliwa ang nakita ko ang lugmok ng mga mukha ng ibang kaibigan ko.

"Hindi! Nagsisinungaling lang kayo!" napasigaw ako sa sakit at muli nadin akong humikbi. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ni Four at pinaunan sa hita ko.

Nanginginig kong hinaplos ang pisngi niya na parang takot itong masaktan.

"F-four, please gumising kana. Please wag mo akong iiwan, huhuhuhu diba sabi mo na babawi kapa sakin, na sabay nating subukin ang lahat.Tatanggapin kita muli, pangako ko yan huhuhuhu" umiiyak kong sabi.

"Diba mahal mo ako? Kaya please Four huhuhuhu please MY PRINCE wag mo akong iiwan huhuhuhu dahil hindi ko kakayanin iyun. Mahal na mahal kita Four huhuhuhu" naghihingalo kong dugtong dahil para na akong malulunod sa sakit ng naramdaman ko. Wala akong pakialam kong nasa harapan ko ang aking mga kaibigan. Ang mahalaga ay mailabas ko ang nararamdaman ko ngayon dahil para akong mawawalan ng hininga kung ikukubli ko lamang ito. Tumingala ako para makalanghap ng hangin.

Ang sakit, bakit ito nangyayari?

"Is it true babe?" tumigil ang mundo dahil sa narinig kong boses. Agad akong nagbaba ng tingin at nasilayan ko naman ang matatamis na ngiti ni Four.

@Missloorh

Hope you like it! Muahhh lovelots!

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Where stories live. Discover now