Epilogue (PikaBabe AU)

Start from the beginning
                                    

"Ikaw lang naman ang busy. Ako hindi."

Nagiging kilalang singer/composer na si Mimah sa Pilipinas. Deserved na deserved niya kung ano man ang tinatamasa niyang kasikatan ngayon. Nakaka-proud naman. Nabawasan ang oras para sa isa't-isa. At bakit ba ganito ako mag-isip? Haha! Baliw ka na Dana.

8

"Break na kayo nung model?" bigla niyang nasambit. "Pang-ilang girlfriend mo na 'yon. Support naman kita Dana sa preference mo. Pero why can't you settle na?"

"Dahil hindi pwedeng maging tayo. Kaya pinipilit kong maging masaya sa iba. Kahit niloloko ko na ang sarili ko."

Napamaang siya sa sinabi ko. Crazy Dana! Ano ka ba?

"Uhh nice bang tagline ng nobela 'yon? What do you think? Balak ko kasi magsulat ng bagong kwento." Napakamot ako sa ulo ko. "Sorry. Maligalig na naman kasi ang isip ko."

"Tsk. Isantabi mo nga yang trabaho mo. Let's enjoy this night. No work. Just this catching up."

9

"Magkakaroon na ako ng first solo concert ko Evans. Punta ka ha?"

"Oh? Kelan naman 'yan? Penge ticket." Biro ko sa kanya. "Joke lang. Siyempre bibili ako. Hehe."

"December. Tagal pa. Kaya dapat magpromote na ako para marami ang makapunta. Kinakabahan ako basta."

"Alam mo? Huwag kang kabahan. Anggaling-galing mo kaya. Ah alam ko na.dadalhin ko lahat ng readers ko. Love ka rin kaya nila. Sigurado puno ang venue."

"Baliw. Gumagastos pa sila sa'yo tapos ipopromote mo pa ang concert ko. Bigat na sa bulsa."

10

Umuwi na kami sa unit ko. "Kelan babalik si Ecka?"

"Next week. Susunduin ko sa airport. Masasamahan mo ba ako?"

"Hindi ko alam. Kumusta ang kondisyon niya? Alam na ni belle? Paano na sila? Saan siya tutuloy?"

"Dito sa akin. Sabi niya she's not getting well. So hindi ko alam. Basta susuportahan ko lang ang gusto niya. Anghirap nun."

"Dana, kung malilimot mo ako. Anong pwede kong gawin para maalala mo ko?"

Tinawanan ko siya. "Hoy Mimah! Kung anu-ano ang iniisip mo. Hindi kita makakalimutan."

11

Habang tumitipa ako sa typewriter ko abala naman siya sa sofa. Kausap ang kanyang hindi ko alam kung boyfriend? But she's smiling like an idiot. Focus Dana. Focus sa sinusulat mo. Urrgh! Mali! Tinanggal ko ang coupon saka ito kinusot. Marami na akong nasayang na papel.

"May laptop naman. Bakit yan ang ang giangamit mo."

"Para malimitahan ang pagkakamali ko." Sagot ko sa kanya. "Sa laptop paulit-ulit kang magdedelete. Dito kailangan mong mag-ingat para hindi masayang ang oras at papel."

"Angdami mong alam Dana. Sobrang nakakagigil ka."

12

Hindi ko siya maintindihan bakit kailangan pa akong kasama sa date nila ng manliligaw niya. Dakilang chaperon na naman ako. Hay buhay! Magsa-sanaol na naman ba Dana?

"Sorry ha? Hindi kasi pwedeng makita na kaming dalawa lang." pagrarason niya. "Alam mo naman 'yon 'di ba?"

"Alam na alam Mimah. Ilang dates na ba to? At nakakaloka. Lahat umaayaw kapag nakikita ako. Siguro akala nila jowa kita."

"Hindi. Pangit lang ugali nila. Hindi ko nagugugutuhan."

13

Bored bente ako! Naka-earphone ako most of the time ng date nila. Hindi ko na nga inalam ang pangalan e. Basta makinis ang mukha at medyo pogi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FragmentsWhere stories live. Discover now