Saglit (BeCka)

119 11 9
                                    

1

"Angganda ng singsing. May pa-engrave pa. Nice, Nice." Puring-puri ni Dana ang singsing na pinasadya ko. "Naol may couple ring."

Papunta na kami sa unit niya. Sa kanya muna ako tumutuloy bago ang biggest surprise of my life. Haha!

Busy siya sa harap ng typewriter. Napaka-old model na nilalang! Masakit pa sa tainga ang tunog ng bawat pag-type. Tsk. "Dana, kung ikaw ang nasa sitwasyon ko anong gagawin mo?"

"Same." Sagot niya nang hindi inaalis ang tingin sa typewriter.

Humiga ako sa sofa. I miss her so much na. Bukas makikita ko na siya. After almost two years!

2

Nasa tapat na ako unit niya. Grabe 'yong kaba ko! Hihiwalay na ang kaluluwa ko sa katawan ko e. Tinawagan ko siya. Ilang ring lang sinagot na niya agad.

"Hello,"

"Hello Maam. Delivery po for Miss Aubrey Ysabelle Delos Reyes." Sinabi ko na foods from her family para lumabas siya. Haha! Pumunta ako sa gilid ng pinto para mag sorpresa.

Nang binuksan niya ang pinto ay napatigil siya nang makita ako. "Ecka?!"

Ngumiti ako. "Surprise?"

3

Hindi ako halos makahinga nang niyakap niya ako. Tinapik-tapik ko ang braso niya. "Hoy, bitaw naman."

"Ecka! Saang lupalop ka ba nanggaling? Hindi ka man lang nagparamdam..." Naiiyak niyang sabi. "Angsama-sama mo."

"Papasukin mo ba ako o mag-iiyakan tayo dito?"

Angdami niyang tanong. Wala naman akong balak sagutin. Natutuwa lang akong titigan siya.

"Hoy, ano? Magpaliwanag ka. Bakit hindi ka nagparamdam?"

"Hindi naman ako multo bakit ako magpaparamdam?" Aray naman! Anglakas ng palo niya sa braso ko. "Sorry. Haha! Ano, naaksidente kasi ako. Nagkaroon ng mild amnesia."

4

Lubha siyang nag-alala. Ako rin hindi ko alam kung paano magsisimulang magpaliwanag. Angdami kasing nangyari sa nakalipas na dalawang taon.

"Alam ba nina tita ang nangyari sa'yo?"

Umiling ako. "Ang alam nila nagtatrabaho ako sa California. Pero alam nilang uuwi ako. Sabi ko huwag sabihin sa'yo kasi isosorpresa nga kita."

Sumandal siya sa akin. "Na-miss kita. Sana tinawagan mo ako agad nang magaling ka na. Angsama mo. Angsama-sama mo."

5

Kinansel niya lahat ng schedules niya. Catching up time daw namin. Nagluluto niya ako ng mga favorite kong baked macaroni, carbonara and pizza. Sobrang carbo yata ang aabutin ko ngayon. Haha!

"Belle, grabe sasakit tiyan ko nito."

"Kulang pa 'yan. Angdaming celebrations ang na-miss mo. Mamayang gabi naman favorite ulam mo ang iluluto ko."

"Marunong ka na talagang magluto ah. Wife material!"

"Talaga. Inaral ko talaga 'to no. Ito kaya lagi mong reklamo noon. Tikman mo nga 'tong sauce."

6

"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ko sa kanya. "Hindi ko naman siguro dapat ubusin ang mga 'to 'di ba? Mukbang ba 'to?"

"Naiinis ako sayo na naiiyak din ako. Bakit angtagal mong bumalik."

"Uhh? Hindi ko kasi alam ang address ko?" Natatawa kong sagot sa kanya. "Pero bumalik na ako. 'Yon ang importante 'di ba?"

Fragmentsजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें