Every Day (PikaBabe)

121 7 4
                                    


1

Nakatutok ako sa mga papeles sa harapan ko. Oh God! Saving this damn business is killing me! Kung hindi lang sa sentimental value ng flower shop na 'to matagal ko nang ibenenta.

"Coffee for you, Jem. Napakaaga busangot ka na naman." That's Dana. College friend, turned helper, turned consultant. Tsk. Kidding. Siya na lang ang tanging hindi nagresign sa mga empleyado ko sa shop.

"Look. Bagsak ang sales. Anong nakakatuwa dito?"

2

"Well, atleast hindi ka nagrerenta nitong store. Magagawan pa ng paraan yan."

"Seriously? Angmamahal ng flowers. Walang umoorder." Napahilot ako sa noo ko. "Know what? Iko-close ko na 'tong shop."

"No. Ako ang bahala. Palalaguin natin ulit to. Soonest."

"Yan din sinabi mo last month." I'm close to crying. Mawawala na ba sa akin 'tong shop?

"Basta. Magkape ka muna. Timpla ko 'yan." Kumindat pa siya.

3

"You sure this will work?" Sabi niya flower delivery ang gagawin namin. Since we can't hire riders kami na lang ang magdedeliver. Two to three days ang pagpapa-sked.

"Oo naman." Confident na naman niyang sagot. "Oh kain ka muna ng cake. Let me do this."

Pinanood ko lang siyang tumitipa sa laptop. "May kilala akong pwede nating pag-display-han ng mga bulaklak sa tapat ng school. You know teenagers sa mga jowa niya."

"Magkano ang rent?"

"Libre. Mondays lang tayo magdisplay. Yes!" she cheered. "May 5 deliveries tayo sa Friday."

"Talaga?" iniharap ko ang laptop sa akin. "Evans! Anggaling mo talaga!" Ginulo-gulo ko ang buhok niya na ikinainis niya. Haha!

4

Nagha-hum pa siya habang ginagawa ang arrangement. May tatlong delivery bukas.

"Tatanggap pa ako ng dalawa." Sabi nito saka tinaas ang bouquet. "Ganda 'no? kapag ako talaga nag-aarrange singganda ko."

"Yabang mo. Pero thank you ha. Sobrang big help ka talaga."

"Wala 'yon. Nagpromise kaya ako sa daddy mo." Nakaramdam na naman ako ng lungkot. Nawala si Daddy na si Dana ang nagbabantay sa kanya. Inuna ko pa kasi ang pride ko. Angtanga ko e.

"Mumultuhin ka ni tito kung gaganyan-ganyan ka na naman."

5

Sinara na namin ang shop. Ihahatid niya ako sa bahay ko. Living alone. Yes. Malungkot? Yes. Pero hindi naman ako basta-basta mag-give up.

"Nakakamiss ang may sariling sasakyan."

"Huwag mo nang ma-miss. Atleast nakakatipid ka 'di ba? Ayaw mo nun? May pretty kang driver?" nag-pogi sign pa e.

"Malay mo 'di ba? Mapagod ka rin sa kakahatid at sundo sa akin. Maigi na 'yong may sariling sasakyan."

"E de nawalan ako ng malay! Haha! Saka kung mapapagod de magpapahinga."

6

"Why are you doing these? I mean ito lahat. You never left me. You're so nice to me kahit sinusungit-sungitan kita."

"Dapat ba may rason?"

"Of course! My God, Dana! Isinantabi mo na rin ang sarili mong kaligayahan. Nakakahiya na sa parents mo."

"Sino naman ang nagsabi sa'yong isinantabi ko ang kaligayahan ko? Judger ka Mimah."tawa pa niya sa akin. "Huwag kang mag-over think. Hindi maganda sa health yan."

FragmentsWhere stories live. Discover now