You are the Reason (SeBy)

154 13 2
                                    


1

"Anong bulaklak po ang gusto niyo maam? Para sa mama niyo po ba?"

"Ha..uh.. ano bang maganda para sa girlfriend?"

Napatingin sa akin 'yong owner.

"Ano girlfriend ng kuya ko. Ako bibili."

"Ah. Ito po ma'am. Itong sunflower. Matagal 'to malanta."

2

Ipinabalot ko pa sa dyaryo 'yong bouquet. Baka kasi isipin ng mga makakakita sa akin na bumili ako ng bulaklak para sa sarili ko.

Nagtext na siya.

"Nandito na ako sa Persona. Saan ka na ba? Hinahanap ka na ni Miss Ingrid."

Nireply ko lang na otw na ako. Panay ang tawag ni Sheki. Pinasak ko ang bluetooth earpice sa tainga ko.

"OTW na ako. Wait lang."

"Bilisan mo Mars. May tukmol dito."

3

Pagkarating na pagkarating ko sa set hinanap ko agad si Sela. Tsk. Disappointed akong naupo sa tabi ni Sheki.

"Sabi naman sa'yo bilisan mo. Naunahan ka ng tukmol tuloy."

Naisuklay ko ang kamay ko sa inis. "Tapusin na natin ang shoot Sheki. I need to unwind."

"Naku bakla nakakatakot 'yan unwind-unwind na yan."

4

"Nakatitig ka na naman diyan." Tinapik ako ni Sheki sa balikat. "Walang magagawa ng pagtitig mars. Push na. confess na bago pa mategibels ang chance mo."

Nandito kami sa bahay nila. Ayaw pumayag na mag-bar kami.

"Two years na akong nagpipigil ng feelings ko Sheki. Anghirap maging strong."

"Two years ko na ring naririnig yan sa tuwing nakainom ka Bakla. Happy anniversary sa two years na yan." Ininom niya ang natitirang laman ng baso niya. "Langya ka Bakla, broke na broke ka e hindi naman kayo."

5

Sinundo ko si Sela para sa celebration ng friendship namin na naudlot kahapon. I know this sounds ridiculous but we celebrate friendversaries.

"Sorry talaga. Hindi na kita nahintay kahapon. May emergency kasi si Justine." Bestfriend niyang lalaki 'yon. Feeling ko rin may gusto sa kanya.

"Okay lang. Saan mo gustong pumunta?"

"Naku, kahit saan. Basta huwag mo akong iiwan. No sense of direction ako."

"Never naman kitang iiwan."

6

"Kwek kwek is life!" sabi nito nang matikman ang kwek kwek sa street food resto. "Anggaling mo talagang pumili Abby. Solb na solb ang tiyan ko."

Napangiti ako. Angdali talaga niyang pasayahin.

"Oh ano na naman? Papansinin mo na naman ang pisngi ko?"

"Anghappy kid mo kasi. Gusto mo pa ba ng ice cream?"

"Naku hindi na. Mananaba na ako. Lakad-lakad lang tayo. Tas kakain ulit mamaya! Haha!"

Akala ko pa naman diet siya.

7

Napakagaling ng timing ng Justine na 'to! Tumawag pa kasi. Inaya siya tuloy ni Sela. Wala na ako sa mood!

"Abby, bagay ba sa'kin to?"

Isang pink na dress ang tinutuloy niya. Hindi pa man din ako nakakasagot bumaling na siya kay Justine. "Bes, bagay? Tingin mo?"

FragmentsWhere stories live. Discover now