Epilogue (PikaBabe AU)

126 10 6
                                    


1

"Miss Evans, sold out ulit ang bagong libro mo. May mensahe ka ba sa mga masugid mong mambabasa?" Magiliw na tanong ng event's host.

"Palagi akong nagpapasalamat sa suportang binibigay nila sa akin. Sa mga nag-iipon pa para lang makabili ng libro ko. Maraming-maraming salamat po." Nagpalakpakan ang mga dumalo sa aking meet and greet. "Sa mga nakahanap ng boyfriend o girlfriend dahil sa mga libro ko. Sanaol may lovelife." Biro ko pa sa kanila na ikinatawa naman nila.

2

"Nasa pinakahihintay na portion na tayo ng meet and greet. Sasagutin ni Dana ang mga random questions ninyo sa twitter with the #AskEvans."

Kinabahan na ako. Marami akong nabasang katanungan kagabi. Hindi ko kinakaya yung iba. Haha.

"#AskEvans Nasa mga kwento ka ba?"

Napangiti ako saka tumango. "Oo naman. Once in a while nandiyan ako. Hulaan niyo na lang kung saan."

Here's another #AskEvans, naging reference mo na ba ang lovelife mo sa mga nobelang sinulat mo?"

3

"Hindi. Wala sa mga nabasa niyo ang tungkol sa lovelife ko. Kahit isa. Sorry." I said jokingly.

"May balak ka ba kung sakali na isulat ang iyong buhay pag-ibig?" dagdag na tanong ng host.

"Kung ready sila magbasa ng sad love story. Isusulat ko." Bumaling ako sa mga nanonood. "Ready ba kayo?"

Haha! Loko ang mga 'to. Sabay-sabay na nag-oo.

"Pag-iisipan ko 'yan. Pero for now ito na muna. Sana suportahan niyo ang Pahiwatig."

4

Nakakapagod ang araw na 'to! Nakauwi na ako sa unit ko. Nakakatuwa ang mga readers na nagme-message sa akin. Dahil daw sa mga libro ko mas napatatag ang mga lovelife nila. I bitterly smile. Isa lang din ako sa mga taga-sanaol sa mga masasayang relasyon. Humiga ako sa sofa. Pinatong ko ang braso ko sa mga mata ko. Tahimik. Sobrang tahimik. Nagiging maligalig na naman ang isip ko. Nag-ring ang phone ko. Si Jemimah. Hindi ko sinagot. Matutulog na lang ako.

5

Matutulog. Nakakatawa din talaga ko minsan. Yung matutulog ko napunta sa harap ng typewriter. Tumitipa na naman ako. Isang kwento na malayo na naman sa takbo ng buhay ko. Isang kwento na sana... sana ganito ako... sana ganito kami...

Bumukas ang pinto. Hindi talaga siya marunong kumatok porke alam niya ang passcode. "Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Ano ba naman 'yan Dana."

"Busy ako." Tanging sagot ko. Tinanggal ko ang coupon sa typewriter. "Bakit ka nandito?"

6

"Bawal ka bang bisitahin? I-celebrate naman natin ang book mo. Sold out na naman. Treat ko."

"Pagod ako. Ayokong lumabas."

Pumunta siya sa likuran ko at inumpisahang imasahe ang ulo ko. "Paanong hindi mapapagod? Nagsusulat ka na naman. Kain tayo sa labas. Bukas na 'yan.'

Pumikit ako sa gaan ng pakiramdam ng pagmamasahe niya. "Matutulog na lang ako. Sarap ng masahe e."biro ko dito.

Ginulo ba naman niya ang buhok ko. "Gayak na. magbago pa ang isip ko. Ikaw na ang manglilibre."

7

"Alam mo? Ikaw na yung may achievement na parang hindi masaya."

"Hmm? Paano mo nasabi?

"Busangot ka na naman. Hindi ka ba happy na nagkaroon tayo ng ganitong time? Angbusy kaya nating dalawa."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FragmentsWhere stories live. Discover now