Lumapit sa amin si bossing bitbit ang maliit na salbabida ni Frank.

"Hey, buddy."

Parang bulateng binuhusan ng zonrox ang ang kyotang si Frank pagkarinig niya sa boses ni bossing. Tumatawa na siya sa mga bisig ko kahit hindi pa man nakakalapit sa amin si boss.

"Help me put this on him," ang utos niya bago kinuha si Frank mula sa akin. Inabot ko iyong dala-dala niyang salbabida at saka tinulungan si Frank na isuot ito.

"Ay hala, ayaw pumasok."

"Push it a little more."

Ginawa ko ang iniutos niya pero ayaw talagang pumasok. Tumitigil ang salbabida sa mga hita niya.

"Ayaw talaga," nagbunga ako ng hangin at tiningnan ang mukha ni Frank. Mukhang hindi rin niya bet ang ginagawa namin ngayon sa kanya. Nakasimangot na siya at nagsimulang ihilamos ang mga kamay sa mukha niya.

"Ipasuot mo nalang kaya yong tsinelas niya sa may siko niya." Ang suhestyon ko. Shuta, bakla! Ang talino mo talaga. Beauty and brains ang labanan.

"Eh kung ikaw kaya ang sapukin ko ng tsinelas?"

Ngumite ako sa kanya at nag-beautiful eyes. Inagaw niya sa akin ang salbabida ni Frank at saka iyon mahinang hinampas sa mukha ko.

"Initin mo 'yong mga tira nating pagkain kahapon bago mag-init ang ulo ko sa'yo. Magsaing ka na rin ng kanin."

Umayos ako ng tayo at sumimangot.

"Eh hindi ako marunog n'on!" Parang bata akong humalukipkip sa harapan niya.

"Anong hindi? I taught you how to do it yesterday."

"Nakalimutan ko."

"Don't give me that shitty excuse, Mondejar. Ang lakas mong kumain ng kanin pero hindi ka man lang marunong magsaing."

"Hoy! Grabe ka sa akin, boss. Hindi kaya."

Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Do it. Maliligo lang kami ni Frank. Once we're done, you should be finished preparing our food. Am I clear, Mondejar?"

Bumagsak ang mga balikat ko sa tanong niya sa akin. Walang buhay akong tumango sa kanya bago tinungo ang loob ng tent. Bakit ba kasi kailangan pa na ako ang magsaing?! Wala naman sa job description ko ang pagiging kusinera no. Nakaka-stress ng beauty.

Matapos kong ipagsaing ang mga mahal na hari at prinsepe. Nag-sunbathing naman ako sa tabi ng stove. Pero dahil masyadong mainit, doon ako pumwesto sa ilalim ng malaking payong.

Habang nakahiga ako sa banig, nakita kong umilaw ang cellphone ni bossing. Inabot ko ito at binasa ang pangalang naka-type doon. Napataas ang kilay ko nang ma-sight kung sinetch ang tumatawag.

Lenessia

Lenessia Kristine Agoncillo. Ang big winner ng season 69 ng Pinoy Big Brother. Ang babaeng ipinaglaban ang karapatan niyang kumain ng tsokolate. Ang babaeng bagong ka-fling ng asawa ko.

Nilingon ko sila bossing at nakitang abala silang dalawa ni Frank sa paglalaro sa tubig. Kahit hanggang dito naririnig ko pa rin ang malakas na halakhak ng chikiting ko.

Tiningnan ko ulit ang cellphone ni bossing at sinagot ang tawag. Tumikhim ako para ayusin ang boses ko.

"Hello, babe? Where are you? Dalawang araw kitang hindi ma-contact nag-alala ako. I miss you."

Umasim ang mukha ko sa narinig. Ew. Babe?! Napaka-walang originality. Pwe!

"Sino 'to?" Pinataas at pinalambot ko ang aking boses para magtunog legal wife.

"Sino ka?"

"Asawa niya. 'Wag ka na ulit tatawag sa asawa ko, Lenessia Kristine Agoncillo. Kaya ko kayong iharap sa korte kung gugustuhin ko. Nagkakaintindihan ba tayo, sis?"

"Where is F-Francis? I need to talk to him! I-I didn't know he's married." Lihim akong natawa nang marinig ang takot sa boses niya. Ramdam kong nagsisimula na siyang mag-panic sa kabilang linya.

"Well ngayon alam mo na. Kung ayaw mong madamay sa issue naming mag-asawa matuto kang dumistansya. Wala kang kasalanan noon dahil wala ka namang alam tungkol sa relasyon namin. Pero ngayon na alam mo na, kung pipiliin mo pa ring ipagpatuloy ang makipag-relasyon sa kanya habang kasal pa kami then you're officially a thicked-face, home-wrecking slut. Congrats in advance."

Angel Locsin? Angelica Panganiban? Christine Reyes? Who u? Si Tyga Xerxes Mondejar lang ang kilala kong legal wife. Pak na pak ang aktingan, mga bes. Legal wife na legal wife. Sungkit na sungkit ang FAMAS awards.

Ang kaninang pinipigilan kung tawa ay tuluyan nang kumawala nang patayin niya ang tawag. Dapat kasi hindi ako 'yong pinapasaing. Iba kasi ang nagiging epekto ng bigas sa akin.

Pangiti-ngiti kong tiningnan ang sinaing kong kanin. Nang maluto ito, ininit ko 'yong niluto ni bossing kahapon na ulam. Hays, dapat kasi hindi niya ako inaasar ng bonggang-bongga.

"Why are you smiling like some lunatic on the loose? Natuluyan ka na ba talaga, Mondejar?" Ang tanong niya sa akin nang makalapit ako sa kanila.

Isinampay ko sa kanyang balikat ang dala-dala kong malaking towel. Iyong maliit namin ay ibinuka ko ng malaki. Ipinasa sa akin ni bossing si Frank na halatang nilalamig na.

"Nag-enjoy ba ang baby namin ha?" Ang masaya kong tanong kay Frank. Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya at saka siya sunod-sunod na hinalikan sa pisnge.

Hm sarap. Lasang asin. Lasap na lasap ko na ang kidney failure.

"Nagugutom ka na ba, nakshie? Anez ang kakainin mo ngayon? Si Nemo o si Dorie?"

Hindi siya sumagot sa akin, tumawa lang siya at saka isinubsob ang mukha sa leeg ko.

Pinaliguan ko muna siya gamit ang distilled water bago pinalitan ng komportableng damit. Paglabas namin ng tent, bitbit ko na ang dede niya na ginawa ko na rin kanina.

Napataas ang kilay ko nang makita ko si bossing na masama ang tingin sa kanyang cellphone. Mula sa kanyang cellphone, napunta sa akin ang tingin niyang nakakamatay.

"Bakit?" Ang pa-inosente kong tanong sa kanya.

"What the hell did you do with my goddamn phone, Mondejar?" Ang tanong niya. Mas mababa ang boses kumpara kanina.

"Ahhh... May tumawag kaya sinagot ko na. Maingay kasi."

Tumiim ang kanyang bagang sa sagot ko. Parang may nasa-sight akong maitim na usok na lumalabas sa kanya. Is this a sign of yawa?

"You little sh-"

"Juariz, long time no see, man."

Hindi niya natapos ang sasabihin dahil sa bagong panauhing sumulpot sa aming harapan.

-----------------------------------------------------------
FINALLYYYYY!!!!!! PTNGNA NAKAPAG-UPDATE RIN! GIATAY HAHAHAHAHAHAHA. Sorry po sa matagal na hindi pagu-update, nag-aaral pa po kasi ako. May exam po kami noong wednesday at thursday. Maraming salamat po talaga sa paghihintay. Stay safe po sa lahat, lalo na 'yong mga apektado ng bagyo. Ingatan niyo din po ang kalusugan ninyo ngayon lalo na at hindi maganda ang panahon, may covid pa. God bless us all. Malalagpasan natin lahat 'to. Labyu ol! Mwuah mwuah! Ciao!❤

JB5: Set Me Free, Mr. Businessman [BXB] [√]Where stories live. Discover now