33

36.3K 2K 884
                                    

Tyga's Dicktionary
Salad-Sala
majubis-mataba
junakis-anak
ma-sight-makita
burlog-tulog
balur/et-house
okinawa-lalaki

Tyga Xerxes Mondejar

"Why do you eat so little? You look like skin and bones. Eat more. Huwag kang magsayang ng pagkain." Hindi nakaalma ang beauty ko nang dagdagan ni bossing ng kanin at ulam ang plato ko.

Nang akmang kukuha na naman siya ng fried chicken tinampal ko na ang kamay niya. "Itigil ang kasal! May balak ka bang gawin akong baboy? FYI lang bossing, hindi magkasinglaki ang mga bituka natin. Hindi ako kagaya mong PG. At anong skin and bones? Nakikita mo ba itong cup D kong suso? Oh baka gusto mo pang isampal ko sa iyo ang katotohanan?"

Tinaasan niya ako ng kilay at mapangpintas na tinitigan ang dyogabels ko. "Cup D? Parang munggo nga 'yang sa'yo."

"Bastos! Manyak! Stalker! Boang! Hampaslupa!" Mabilis kong tinakpan ang hinaharap ko gamit ang aking kamay at sinamaan siya ng tiningin.

Anong karapatan niyang pagsamantalahan ang mura kong katawan? Wit kong pinalaki ang mga dyogabels ko para lang pakinabangan ng kagaya niyang chanak ni satanas.

Umiling-iling lang ang gago bago bumalik sa paglamon. "Akala mo naman may matatakpan," ang rinig kong bulong niya.

"Hoy, narinig ko 'yon ah." Hinampas ko siya gamit ang kutsara ko at inirapan.

"Papa," ang mahinang tawag ng isang maliit na boses. Sino 'yon? Anong nilalang 'yon? Ramdam ko ang matabang enerhiya sa paligid. "Papa, mow food, papa."

Dahan-dahan kong nilingon ang isang majubis na nilalang sa aking tabi at eksaheradang napatili. "Majinbu?"

"Gago, anak mo 'yan," ang narinig kong sabi ni bossing sa likuran ko. Jusko ha, bakit may mga extrang sumasabat dito?

"Papa!"

"Charot! Anak pala kita. Iz a prank! Surprise, bitch," ang sabi ko bago siya pinugpog ng halik sa mukha. Hm! Asim! Bagay sa sinaging. Char lungs!

Napuno ng hagikhik ng junakis ko ang buong dining room na nagpatawa na rin sa aming lahat dito.

"Saya yarn?" Ang biro ko ng medyo nahimasmasan na ito. Kinuha ko 'yong tubig niya at pinainom ito sa kanya.

"Papa," ang humihingal niyang tawag sa akin. "Food," ang dagdag niya pa.

"Wititit! Enough is enough, Pikachu. Your dinner is enough na today. Inubos na lahat ng daddy mo. Alam mo naman iyang tatay mo, masyadong patay gutom. EHEM! Tabi-tabi po," ang pagpaparinig ko sa aking MAHAL NA JUSAWA.

"Kesa naman sa iba diyan na pinapakain naman ng maayos pero kung umasta parang palaging nalilipasan ng gutom. Ehem!" Ang ganti niya. Marahas kong nilingon ang direksyon niya pero huli na ang lahat.

Nakatayo na ang chanak ni Satanas mula sa kanyang trono at naglalakad papunta sa kawalan para maghasik na naman ng lagim. "Hoy! Saan ka pupunta?! Hindi pa tayo tapos!"

"Papa fight with daddy?"

Nilingon ko ang aking junakis at matamis itong nginitian. "Fight? Ay naku, hindi, mahal na mahal nga namin ang isa't-isa ng tatay mo, anak. Nakikita mo ba kaming nagsusuntukan? Syempre hindi pa. Pero soon. Charot!"

JB5: Set Me Free, Mr. Businessman [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon