Special Chapter

10.5K 570 425
                                    

Tyga Xerxes Mondejar

Wansapanataym by ABS-CBN, mayroong limang mariposang matatayog ang lipad. Ang kanilang mga pakpak ay asul at gawa sa polymer, bawal tiklupin kasi hindi tatanggapin. Ang bukod tangi nilang ganda ay pawang sinasamba ng mga pobreng nota. 

Merong naging instant junanay na mukhang anda, fresh graduate at walang ma-sight na workload kasi masyadong high standards, keyboard warrior at pintasira. Shinugal  ni mama ang kaluluwa. Nag-nanay-nanay-an kapalit ng limpak-limpak na pera, I say, dasurv mudrabels! Slay my kween unicorn. 

Merong naging kabitenya kahit tapos na ang gyera laban sa Espanya. Sumabit si madam sa chopopong dating kaanib ng BTS ARMY pero nagpakilala bilang kaniyang besty. Ewan ko lang sa friendship na may tuhugan sa kama, ha. Felix bakat naman si papa kaya go lang ang kweba, ialay kahit masakit na ang puso, pwet at kaluluwa. 

Nabagok si madam noong na juntis na kaya nag-marathon sa faraway land. 

Syempre, ang kontrobersyal na batang ina. Sino pa ba? Alam niyo na. Comment down below sa nakakakakilala. 

Eme! Ang importante hindi nakapag-caption si mama ng, "bago mo husgahan ang mga batang ina. Kamustahin mo muna yung mga pumatay ng anak para lang matawag na dalaga." 

Oh! Lagot lahat ng lumunok ng gatas ng mga otokong private ownership ng mga mare nila. Labanan niyo 'yan! Wiz ko lung knows kung may hihigit pa ba sa kamartyr-an niya. 

Lahat kami waiting in line sa divorce keneme pero asan? Walis tingting! Nagpa-juntis na naman ang mama! Ka-gaga! Not just one, not two, but three! Nag-bingo kaagad si kuya kahit wala pa ang laban. Nagpadali sa mabulaklak na dila at notang mahaba ng gobernador niyang jusawa. 

Hindi natin kakalimutan ang kyutang best in english sa probinsya. Medyo chaka ang past life niya dahil sa mga thundercats na makakati ang halang na kaluluwa. Buti na lang at dumating ang kaniyang asukal de papa na walang kwenta kasi sira lahat ng gamit niya. 

Pero hidden agenda pala iyong otoko ni mama, ayon shumakbo bago siya mag-join sa fb group ng mga na-tsuging bakla. Pasalamat by Yeng Constantino na lang siya at shala iyong mamacita at pudrabels niyang mga Japanese mayo. 

Of course! Last but not the least, ang pinaka-bongga sa lahat ng mga baklang pinagpala. 

Ako. Yes, the one and only. 

Small Laude. 

Keme! Ambisyosa lang po. Pinagpala tayo pero may sampung kalabaw pa kaming tutubusin at limang kilong bigas sa babayaran sa tindahan ni Aling Gina. Ganon! 

"Lintik na ilaw!" 

Napa-talon ng Pagsanjan ang beauty ko nang biglang umilaw ang monitor sa aking tabi. Napa-sight ako sa screen at napakamot ng ulo. Ang aga-aga nambubulabog. Kitang natutulog 'yong tao oh. 

Nilingon ko ang chopopong napainom ko ng gayumang nabili ko sa tiktok shop. Dahan-dahan siyang napaupo habang humuhikab at kinukoskos ang mga mata. 

"What's the matter?" Ang question and answer portion niya sa akin. 

Napa-eyeroll ang beauty ko sa tanong niya. Syempre eme lang, hindi ako nagpakahirap mag-abang ng live ni Siquijor Sweets and Pasalubong para lang magmaldita sa sugar daddy ko. 

JB5: Set Me Free, Mr. Businessman [BXB] [√]Where stories live. Discover now