35

35.7K 1.8K 555
                                    

Tyga Xerxes Mondejar

Sunod-sunod akong napalunok nang ma-sight ko ang mga pamilyar na gamit na nakasilid dito sa loob ng kwarto. Gusto kong gumalaw pero parang naparalisa ang paa ko.

Huminga ako nang malalim nang marinig ang pagsara ng pintuan. Nang magmulat ako, dahan-dahan akong naglakad patungo  sa piano na nakapwesto sa pinakagitna.

Maurine Franchiska Thompson-Schimdt.

Nanginginig ang mga kamay kong inabot ang fall board ng piano at saka pinakiramdaman ang bawat nakaukit na letra doon. Mapait akong napangite habang pinipigilan ang mga luha ko na kumawala. Ito nga 'yon.

"Mommy, will I play as good as you someday?"

Music has always been our connection. Pero sa di malamang dahilan natatakot akong mapalapit dito ulit.

"You will surpass mommy, baby. I can feel it. Someday mommy will see you playing your violen for lots and lots of people on big stages. But for now, you're mommy's little musician muna. Mommy feels special kapag tinutugtugan mo ako."

Siguro dahil hindi ko na kayang hawakan ulit ang instrumentong 'yon kaya natatakot akong bumalik. Tuwing mahahawakan ko 'yon naaalala ko kung gaano na ka walang kwenta ang kamay ko. I will never make my mom proud.

Hanggang dito na lang ako.

Huminga ako ng malalim at mabilis ring inilayo ang mga kamay ko doon. Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid at nakita ang vanity mirror ni mama, ang violin ko noon, ang mga laruan ko, ang mga malilit na larawan na nakatago lang dati sa cellphone ko at ang malaking larawan namin ng mama na nakasabit noon sa kwarto ko.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa malaking litratong nakasabit at inabot iyon. Doon na tuluyang tumulo ang mga luha ko.

Hanggang larawan na lang ba? Hanggang larawan ko na lang ba makikita ang mama ko?

Minsan iniisip ko, kapag namatay siguro ako baka makikita ko na ang mama ko. Baka kapag namatay ako hindi na magiging ganito ang buhay ko. Hindi ko na kailangang magpanggap na masaya at malakas. Hindi ko na kailangang tumakas.

Bakit ang unfair? Ako 'yong nawalan pero bakit ako ang nagdurusa ng matagal?

Bakit ako kailangang magprotekta sa mga taong hindi ko naman kilala? Bakit... Bakit ako lagi ang nagpro-protekta sa iba? Pwede bang ako naman ang protektahan? Kasi nakakapagod pala. Nakakapagod maging ganito. Nakakapagod na maging ako.

Hindi ko man lang maaayos na napagluksaan ang pagkamatay ng mama ko ipinasok na kaagad ako ni dad sa sindikatong 'yon. Araw-araw nasa bingit ako ng kamatayan. Pumasok ako doon na walang alam, ni pag-protekta sa sarili ko hindi ako marunong.

Lalabas ako ng kampo para lang magbigay ng lead kina dad. Hindi man lang niya ako kinakamusta tuwing nagkikita kami. Hindi man lang niya tinanong kong bakit puno ng pasa ang mukha ko. Hindi man lang niya tinanong kung bakit hindi ko na magalaw ng maayos ang mga daliri ko. Hindi man lang niya tinanong kung bakit kulang na ng isang daliri ang paa ko.

Ang sakit-sakit.

Gusto kong isumbong kay dad na muntik na akong malunod sa dagat. Gusto kong sabihin sa kanya na tumirik na ang mata ko sa taas ng lagnat ko pero hindi man lang niya ako tinanong. Nagmakaawa ako sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Ang bata-bata ko pa n'on eh. Twelve years old lang ako n'ong pinaputukan nila ako ng baril ng sunod-sunod kasi akala ng grupo na traydor ako. Anong magagawa ko n'on?

Tuwing may misyon kami, naiinis ako sa mga anak ng mga mayayamang politiko at negosyante kasi naiingit ako. Kahit mga demonyo ang mga magulang nila sa ibang tao pinoprotektahan sila, dinadamitan, inaalagaan.

JB5: Set Me Free, Mr. Businessman [BXB] [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon