"Meron," ang sagot ko sa tanong niya kanina. "Ang nanay ko."

"G-"

Pinigilan ko siyang magsalita gamit ang hintuturo ko at umiling ng dahan-dahan habang nakangiti.

"But wait, there's more. Nakalimutan ko ang mga manliligaw ko."

Binigyan niya ako ng masamang tingin at saka tinampal ang kamay ko papalayo sa kanyang mukha.

"Fuck!" Mabilis niyang pinunasan ang mga dumikit na buhangin sa mga labi niya.

"Mesherep?" Ang nakangisi kong tanong sa kanya.

Isang nakakamatay na tingin ang dumapo sa akin pero kever pa rin ang beauty ng lola niyo.

"Kung gusto mong dumagdag sa naka-line up kong mga manliligaw, kailangan niyo munang pumasa mga requirements ko, bossing. Unang-una, dapat hindi ka chanak ni Satanas. Disqualified ka na. Sa susunod na lang."

Sarkastiko siyang natawa. "Ikaw? Liligawan ko? Alam kong may sakit ka sa utak, pero bakit mukhang lumala yata?."

Malakas akong tumawa. Natutulog pa si Frank sa loob ng tent pero wala akong pakialam, iihawin din naman namin ang kyotang iyon mamaya. Tama na ang pitong buwang pagpapataba. Oras na para pakinabangan naman siya. Char! Cannibal ka, gurl?

"Alam mo, bossing. Naiintindihan ko naman kung nahihirapan kang tanggapin na nagkagusto ka sa isang kagaya ko. I mean, mahirap talagang tanggapin lalo na at kung sa simula pa lang alam mo ng wala kang pag-a--" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sinakal niya ako gamit ang namumutok sa muscles niyang braso. "RAPE! R-RAPE! T-TULONG!"

Binitiwan niya ang leeg ko at saka ako kinutungan habang umuubo ako ng bonggang-bongga. SHUTA TALAGA ANG LALAKING 'TO! Mas maaga yata akong malilibing sa hukay dahil sa labis na stress sa kanya.

"Gising ka na? Mukhang hindi ka pa nagigising kanina. Kung anu-anong kabaliwan pinagsasabi mo."

Sinamaan ko siya ng tingin at saka malakas na hinampas ang braso. "Ikaw ang nanguna! Sinabi mong maganda ako."

Tumawa siya.

"Tinanong ko kung may nagsabi na ba sa iyong maganda ka. Stupid. Asking a question and spilling lies are different. I asked you if someone ever told you you're beautiful because all I see is a rolled up white cartolina with legs and a complete set of facial features."

Cartolina pala ha.

Inabot ko 'yong baso na nasa buhanginan at saka isinaboy sa kanya ang laman nitong mga buhangin.

Inubos namin ang oras na walang gising na Frank sa pagtatapon ng buhangin sa isa't-isa. Hindi ko alam kung bakit ako binigyan ni Lord ng ganitont uri ng amo. I mean, wala naman akong ibang kasalanan sa mundo bukod sa pagiging maganda.

Pagka-gising naman ni Frank, pinalitan ko nalang siya ng panligo kagaya ng utos ni bossing. Gusto daw niyang turuang lumangoy ang kyota. Hindi ko alam, pero mukhang mas malala ang tama niya sa utak.

"Boss, tapos na kami." Ang paalam ko kay bossing pagkalabas namin ng tent.

Balik sa pagiging sibil ang trato namin sa isa't-isa pagkagising ni Frank. Na-realize ko kasi na dapat hindi ko ibaba ang sarili sa lebel ng pagiging immature ni bossing. I'm a strong, independent, mature gayman na kayang lumaban ng patayan sa kama. Kailangan kong maging isang mabuting ehemplo sa kyotang si Frank.

JB5: Set Me Free, Mr. Businessman [BXB] [√]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα