Chapter 34

17.7K 1K 196
                                    

Louella

Pasimpleng sinulyapan ko si Alliston na katabi ni Cray ngayon sa backseat. Passive yung mukha nito habang tahimik na nakasandal lang din si Cray sa upuan. Sa likod ko pinaupo si Alli dahil nga walang katabi si Cray doon.

It's Cray's seventh birthday and Grant ordered me to buy Cray a tennis racket as her gift. Sinabi nito na idedeposito na lang nito yung magagastos ko sa account ko dahil mamayang gabi pa ito makakapunta ng orphanage. Isasama daw nito si Samantha at Kayleigh para macheck up din yung mga bata.

Since I am not busy, I decided to just go with it. Saka isa pa, I really adore Cray because she's clever. Aside from the fact na gusto itong ampunin ni Demi at Kiel.

Napalingon ako ulit sa likod ng marinig ko na nagtatalo na naman yung dalawa doon.

"Wag kang magkukulit at mag-iiyak habang nasa labas ha? Pag ikaw nawala dahil sa kakulitan mo, iiwanan ka na namin. Bahala ka ng umuwi mag-isa."

Imbes na patulan ni Cray si Alliston ay tiningnan lang nito yung isa pagkatapos ay muling ibinaling sa labas ng bintana yung atensyon.

Siguro nagtatampo kasi nilait ni Alliston yung shoes nito na noong nakaraang taon pa binili ni Grant kaya luma na. Paano naman kasi, hindi naman talaga nilalabas ni Grant yung mga bata doon. Pag may okasyon lang o di kaya naman ay birthday ng mga ito. That's only once or twice a year if lucky. Tapos ayun pa yung ginagamit ni Cray pag nagpapraktis ng badminton. Kaya lalong naluma talaga. Badminton lang muna ang pinapalaro dito ni Grant dahil masyado daw mabigat para sa bata yung tennis racket.

"Hoy, gusgusing bata. Bakit di ka nagsasalita? Wala kang utak no?" Kulit pa dito ni Alli na halatang bagot na bagot na sa likod. Pinagbawalan ko din kasi ito magphone para mabantayan si Cray.

"Wala naman saysay nisasabi mo. Sayang laway ko."

I hide my smile when I heard it from Cray. She's really something. Her arrogance and cleverness are really something. Maybe because she was a daughter of the leader of their tribe. Tapos lahat talaga ay takot sa tatay nito kaya lumaki ito na iba din ang tingin sa sarili.

"What's saysay?" Nagtatakang tanong ni Alliston dito.

Tiningnan lang ito ni Cray. "Wala ka pala talaga utak. Saysay lang di mo alam?"

"Cray!" I called her name to give her a warning about her rude behavior. She shouldn't talk like that lalo pa at sa mas matanda pa dito.

Inirapan lang ni Cray si Alli. Yung isa naman ay napipikon na sinamaan din nito ng tingin yung isa.

Crap! Kaya siguro ayaw ni Alliston sa bata dahil mas daig nya pa yung bata sa ginagawa nya ngayon.

"Salitang pangbundok siguro yung term mo na yun kaya di ko alam. Sa city kasi ako lumaki."

Narinig ko pa na bubulong-bulong din si Cray pero mas pinili na lang nito na tumahimik para di na mapagalitan.

Si Alliston naman ay hinatak ito palapit. "Wag kang malikot, okay? Iidlip lang ako sandali. Baka may kalampahan ka at bigla ka na lang tumalsik dyan kaya wag ka na pumalag. Rereklamo ka pa ba? ako na yung katabi mo. Sarap mo ihagis sa bintana."

Napangiti ako nang kumalma naman si Cray. Nakalimutan ko kasi sabihin kay Alliston na takot yung bata pag hinahawakan na. Tanging sa amin lang ito nagpapabuhat ni Grant. Kaya nagulat din ako ng hindi pumalag si Cray kanina nung buhatin ito ni Alliston.

Akala ko noon it's because someone tried to do something bad to her when she was still living with her parents. But Grant told me that Cray admitted during her therapy with Kayleigh that it was because her father is just letting her watch as he was forcing her mother. He was telling her that when she reached the right age, she'll replace her mother.

Taming AllistonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon