Chapter 10

17.1K 993 338
                                    

Louella

"Hindi ka ba talaga titigil sa panggugulo sa negosyo ko, Alliston!?" Iritableng bulong ko sa kanya nang makapasok kami ng restaurant na una kong nakita. "Ano bang problema mo!?"

Fucks! I am so hungry! Kanina ko pa tinitiis yung gutom ko dahil sobrang importante ng kliyente ko. I even had to skip breakfast again just not to be late. Tapos hetong babaeng ito bigla na lang pupunta ng building ko para isabotahe na naman yung negosyo ko.

Letse talaga! Nakakapikon na!

"Hoy, ayoko dito!" Kinalabit ako ni Alliston kaya napalingon ako dito.

Tingnan mo, hindi talaga sya natatakot sakin! Sarap tirisin!

"Gutom ako ngayon, Alli bear. Kakain lang ako. Pagkatapos ay babalikan ko yang ginawa mo sakin. Kaya pwede ba? Habang hindi pa ako sinasaniban ng masamang espiritu, tigilan mo muna ako?"

"But I am not comfortable here." Parang batang sinimangutan lang ako nito.

I then noticed why Alli says she doesn't like this place. This is not the kind of place she's having meals. A place where the likes of her can't be seen. Sanay kasi si Alliston sa mga classy and expensive restos.

Halata nga din na hindi ito dito magiging kumportable dahil lahat nakatingin na samin at kanya kanya ng bulungan. Yung iba pa nga ay kinukuhaan ito ng pictures without her consent.

Damn, Louella! Alliston is still a celebrity. You can't just drag her kung saan-saan. She still have an image to protect.

"Dang! Ikaw na nga yung may atraso sakin ako pa ulit yung mag-aadjust!?"

Umangat lang yung kilay nito na para bang ako pa ang may kasalanan sa aming dalawa. "Alam mo ikaw?"

Tiningnan pa nito yung mukha ko bago huminto na naman sa mga labi ko yung paningin nya. At yan! Ayan mismo yung letseng ginagawa nya. Lagi na lang syang nanglalandi.

"What?"

"Ang dry ng lips mo. Come closer, let me moisturize it for you."

Urgh! Nakakabaliw na! Gusto ko na lang magpakabayolente. Sobra na sya! Sobra na!

"Come on, Louella. Just lower your head a little. Ikaw na nga yung tutulungan sa problema mo, ikaw pa yung nag-iinarte dy-"

"Alam mo, Alli bear? Konti na lang yung pasensya ko sayo. Kaunti na lang talaga."

That only made her smile even more.

"Ubusin mo na yung pasensya mo, Pooper bear. Get annoyed na. Tapos pull me into a kiss. I'd like that better!" Kumindat pa ito na halatang trip lang mang-asar dahil alam nyang napipikon na ako sa kanya.

Iritableng tinulak ko sya palayo sakin.

Dumugin sana sya ng mga fans nya.

"Kulang ka lang sa kiss kaya ang sungit mo na naman. Can we have it in somewhere private? I can give you a hand."

Umismid lang ako. "Are you really like that? I wonder why all of the ones you've dated and dating are still into cheating on you while you're into h-"

Agad na napatigil ako sa pagsasalita ng mapansin ko yung grupo ng mga lalaking nagsitayuan at nagsisikuhan na nakatingin sa amin ni Alli. Mukhang gusto ng mga ito na magpapicture kasama nitong babaeng ito.

Maging si Alli ay napansin na din iyon. Nawala na yung playfulness nito kanina. I can see her sudden uneasiness and awkwardness habang tila specimen ito na pinag-aaralan ng mga tao sa paligid namin.

Taming AllistonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon