Chapter 1

27.1K 1K 409
                                    

Alliston

"No, Tito Tony. A week stay is enough for me. I just need to meet some investors for the formal contract signing. Actually i already have a draft na naman. I just need to meet them and to personally check their main office here."

Lihim na napaismid na lang ako nang mukhang Santa yung babaeng bisita nila Daddy. I wonder what makes her to come here in Australia. Tapos dito pa sya samin magstay. Ang dami dami namang magaganda at maayos na hotels nearby where she can stay but she didn't even bother to decline my parent's hospitality.

Now, I had to endure a terrible dinner na kasama sya dito. One week! Gosh!

"C'mon, Louella. Take a break. Masyado mo naman pinapayaman ang pamilya nyo." Tumawa pa si Daddy na tila aliw na aliw sa babaeng impakta na iyon. "Buti ka pa nasa linya talaga ng negosyo yung focus mo. Unlike this lady of mine, nabagot na maglaro at maaga nang nagretiro."

I caught his sarcasm. Yeah, he is still against na maaga akong nagdeclare na hindi na ako maglalaro ulit sa incoming Tennis Open sa susunod na taon. Kahit pa nga naka-Golden Slam na ako after winning four major championships and Olympic Gold medal sa nakalipas na ilang taon ko din na pagkakandahirap gumawa ng pangalan sa larangan ng sports na iyon.

When can he be contented? Nagawa ko na naman lahat ng gusto nya.

"But she's actually good, nakakapanghinayang nga." Segunda pa ni Ate Louella at saka ngumiti sakin.

Natigilan naman ako. Mukhang sincere kasi yung pagkakasabi nito.

Weird. Ang akala ko kasi hanggang ngayon ay galit pa din ito sakin dahil sinabotahe ko yung pag-akyat nya sa stage nung elementary graduation day nya bilang Valedictorian. I put laxatives na ginawa ni Hariette noon para sana kay Grant at inihalo sa pinaabot kong pagkain noon kay Aria para nga dito.

Since then, yung dating asar dito na Party pooper dahil sa pagiging aloof at KJ nito noon sa school ay nagkaroon na tuloy ng literal pang ibig sabihin. If she wasn't a Calvry, baka nga isa na ito sa mga binu-bully sa school.

Pero sya naman kasi yung nauna. I am just getting even. Because of her, I got literally trained hard in Tennis. Parang ayun na yung naging buhay ko. Although binilhan ako ng bike noon ni Daddy, hindi ko naman nagagamit. Kaya nga tuwing gabi pa ako nakakapagbike kapag wala sila sa bahay o di kaya ay mga tulog na.

School, training, at company na yung naging routine ko. Mas lumala pa iyon after ng kidnapping incident namin. My parents hadn't let me to recover from shock and trauma. Nagdecide agad sila na dalahin na ako sa Australia at dito ipagpatuloy yung training ko sa Tennis.

For my parents, there's no room for self-wallowing. Literally, if you weren't the best, it wasn't impressive. It won't be enough.

"You're good in playing Tennis, Alliston. Wala ka yatang laban na hindi namin pinanood ni Aria because were so sure that you'll win it. I can't even believe na ang aga mong magretiro. You're at your peak of your career pa. It's a shame if you'll just quit all of a sudden."

"You're good at lying too. You should do that often." Naiinis na sagot ko. Bakit ba marunong pa sya sa desisyon ko? Sya ba yung naglalaro? Kanyang buhay ba 'to?

"Am I lying?" Tumawa lang ito. Her perfect white teeth showed. "Well, maybe. Were you really not that good gaya ng mga write-ups? Oh, is it true that you were just paying your opponents to sell off the game,Hmm?"

Damn you!

Gigil na napahigpit yung hawak ko sa steak knife ko.

Kalma Alli! Don't let that manipulative bitch to get into your brains. She'll eat your sanity away.

Taming AllistonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon