Chapter 25

19K 1K 378
                                    

Alliston

"Change your clothes."

Napatingin ako sa suot ko. It's just a knee-length simple dress. Formal naman para sa meeting namin ngayon kasama ng mga investor nya. Sinundo na ako ni Louella sa unit dahil lagi akong nalelate.

Parang walang narinig na nilampasan ko lang siya kahit nakapamaywang na sya at nagsasalubong yung kilay habang nakatitig pa din sa suot ko.

"Alli bear, change your clothes now or I'll do it for you?" Banta pa nito.

Ako naman ay napaismid lang dito. Bakit ba pinapakialaman nya yung susuotin ko? Una, disente naman akong tao. Kahit pa may insidente sa past ko na naging kabit lang ako, o may nangyari man sa aming dalawa, o kahit maging gaya pa ako ni Grant na lahat pinapatulan, disente pa din ako. It won't define my worth. Second, not because something happened between us, she already had the say to what I'm going to wear. Third, this is my life. My life, my rules. Kaya wag nya ako mautos-utusan.

"Problema mo ba? I'm decent. It's not my fault that you're just out-fashioned."

Sinulyapan ko pa yung suot nyang dark blue pant suit na katerno ng suot nyang white na tops at dark blue blazer. Masyadong conservative tingnan.

"Just change your clothes." This time, pautos na yung pagkakasabi nya.

"Ayoko nga. Bakit hindi ikaw ang magpalit ng dam-"

Napasinghap ako nang hablutin nya ako palapit sa kanya. Sobrang lapit na naaamoy ko pa yung hininga niya na amoy peppermint. "You are utterly indecent, Alli bear." Mahinang bulong pa nito. Pakiramdam ko para akong ipinako sa pwesto ko habang magkadikit kaming dalawa. Yung pagkakasabi kasi nito na indecent ako, para akong walang damit sa paningin nya.

No Alli. You are indecent for her because she is now categorizing you as a low class woman na madali nya lang nakuha. Kaya akala nya pag nagsuot ka ng mga dresses, kung sino sino na din yung pinapatulan mo.

"Change your clothes or I'll do it for you?"

Napalunok muna ako ng ilang beses bago sinalubong yung mga mata nya. Iba na kasi yung tingin nito.

A predator ready to devour her prey.

I am Alliston Parker, hindi ako natatakot dito. I should just remind myself that Louella is a bitch. A bit bossy pa. I won't cower to her no. Feeling neto.

"Change Alli. I don't want to get into trouble tonight."

Nang marahil ay napansin nito na hindi ako nito madadaan sa paninindak ay bumaba na yung tono nito na para bang nakikiusap na.

"Trouble?" bakit naman sya mapapaaway? Kasama na naman ba yung ex nya?

Itinuro nya ako. "It's a sin to look so tempting and dashing like that, it's not fair." She murmured again under her breath.

Nalilitong tiningnan ko si Louella. "Tempting and dashing?"

Baliw ba sya? Hindi na nga ako nag-ayos dahil aawayin na naman nya ako pag nahuli kami. Kung nag-ayos pa ko, ano na yung sasabihin nya? Masyado ng OA at extravagant yung porma ko ganon?

Umiling ito na para bang gusto na akong sapakin. "Basta magpalit ka! Ayoko ng ganyang suot mo. Mag-jeans ka na lang. You're not even the one I'm bargaining to them. Make yourself presentable and decent, atleast."

Inggitera talaga itong matandang ito. Palibhasa napaglipasan na ng panahon. Yung kagaya kasi nitong malapit ng mawala sa kalendaryo yung naiinsecure sa mga ganitong itsura na gaya ng sakin.

"Pwede ba, Pooper?" Nagsisimula na akong makaramdam ng inis, "Wag mo nga pakialaman kung anong gusto kong suotin. Anong gusto mo? Maging kasingpangit ako ng ex mo na mukhang napaglipasan na din ng panahon? Saka mas mukha ngang indecent yun kesa sakin. Tigil tigilan mo yung kakainsulto sa mga damit ko dahil hindi naman slutty 'to. Sa lahat ng tao, ikaw lang talaga yung ayaw na magmukha akong presentable. Gusto mo yata gusgusin ako pag humaharap sa ibang tao!"

Taming AllistonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon