Chapter ♥ 13

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ako nalang ang mahalin mo! Maganda naman ako ah, please buksan muna ang pinto!" sigaw niya ulit at galit na niyang kinatok ang pintuan habang sumisinok. Mas naging malabo ang paningin niya dahil sa mga luha niya. Katok lang siya ng katok ngunit wala paring nagbukas kaya nilakasan niya ang pagsuntok sa pinto.

"Acel! You asshole! Open the goddamn door!" galit niyang sigaw at nakalabas narin si Parker sa silid niya, agad naman siya nitong nilapitan.

"Hey Lucy, please go back to your room" kalmado paring sabi ni Parker.

"Acel! You madafucker! Please open the door!" sigaw parin ni Lucy at hindi man lang niya pinansin ang nanlulumong mukha ni Parker. Sa huling pagkakataon ay bumakas narin ang pinto at iniluwa doon ang walang emosyong mukha ni Acel.

Agad namang ngumiti ng mapait si Lucy at niyakap niya ito.

"Acel, ako naba ang mamahalin mo at hindi si Alex? Please tell me, do you love me? Please say yes" parang batang sambit ni Lucy habang nakayap parin ito kay Acel at hinayaan lang din siya nito.

"Hey Lucy, come here" awat ni Parker at inilayo niya ito kay Acel. Hindi naman ito pumalag sa ginawa niya ngunit ayaw parin itong bumalik sa silid niya.

"Pasensya kana bro, nadisturbo ka" hinging pasensya ni Parker kay Acel.

"No, it's okay but you should take her to her room" kalmadong sabi naman ni Acel.

"No! Wag mo akong ibalik sa kwarto ko! Please Acel, tell me. Do you love me?" nagmamakaawang tanong ni Lucy at pilit itong lumapit kay Acel ngunit hindi siya hinayaan ni Parker na makalapit.

"No. So, please sumama kana kay Parker" diing tugon ni Acel dahil nawawala nadin ito ng pasensya kaya napahilamos nalang ito sa mukha.

Para namang natuod si Lucy sa narinig niya kaya napayuko nalang siya. Ngunit hindi parin ito nawalan ng pag-asa ay marahas niya muling binalingan si Acel.

"Bakit? Mahirap ba akong mahalin? Huh!" singhal ni Lucy. Umiling-iling naman si Acel habang nakahawak ito sa sentido.

"Parker, ibalik muna siya sa kwarto niya and I think you should watch her" namomroblemang sabi ni Acel.

Tumango naman si Parker at agad kinarga ang nagwawalang Lucy ngunit nagpumiglas naman ito.

"Ibaba mo ako! Ano ba! Acel please love me" sigaw parin ni Lucy habang nagpumilit makababa sa balikat ni Parker. Nakita niyang sinirado ni Acel ang pinto kaya dahil sa galit niya ay sinuntok-suntok at pinalo niya ang likod ni Parker.

"Ano ba! Ibaba mo ako hayop ka!" singhal niya ngunit para wala lang narinig si Parker ay pumasok na ito sa silid niya.

Agad kinandado ni Parker ang pinto at pagkatapos ay marahas niyang hiniga si Lucy dahil nawawalan nadin ito ng pasensya. Natakot naman ang dalaga dahil sa inakto niya.

Napahilamos ang binata sa mukha at pagkatapos ay dinuduro ang dalaga.

"Ikaw, ang tigas-tigas talaga ng ulo mo noh" inis bulyaw ni Parker kay Lucy.

"Hindi naman ah" nakangusong depensa ni Lucy. Napakagat nalang ng iibang labi ang binata dahil wala pa nga sa katinuan ang dalaga.

"Okay hindi, kaya matulog kana" pilit pakalmahin ni Parker ang boses niya para utuin ito.

"Hindi ako inaantok eh" nakanguso paring sabi ni Lucy.

Napabuga naman ng mabibigat na hininga si Parker dahil kung babantayan ang babaeng ito ay parang isang batang matigas ang ulo. Umupo siya sa gilid nito at hinarap ang dalaga.

"Ayaw mo talaga?" parang nagbabantang tanong ni Parker dito at umiling-iling naman si Lucy.

Dahil sa inis ni Parker ay agad niya itong pinatungan at napahiga naman ng tuluyan ang dalaga dahil sa gulat.

"Anong ginagawa mo! Umalis ka nga?" taboy nito sa kanya habang pilit siya nitong tinulak kaya hinawakan niya ang dalawang kamay at inilagay sa ibabaw ng ulo nito.

Tumahimik naman si Lucy dahil sa lapit ng mga mukha nila at para namang sumikip ang kanyang mundo kaya hindi na niya nagawang pumalag.

Bumilis narin ang tibok ng puso ni Parker at ilang ulit din siyang napalunok. Dahan-dahan niyang inilapit ang mga labi niya sa labi ng dalaga.

Pumikit nalang si Lucy at inantay ang mga labi ni Parker. Hindi naman siya nabigo sa pagantay ay lumapat narin ang mga maiinit na labi ng binata sa mga labi niya. Libo-libong boltahe namang kuryenteng naramdaman niyang rumagasa sa kalamnan niya. Parang tumigil din ang pagtibok ng kanyang mundo.

Nagsimulang gumalaw naman ang mga labi ni Parker na nakalapat sa mga labi niya at nagpumilit itong makapasok sa bibig niya kaya hinayaan nalang niya ito.

Hindi sinayang ni Parker ang pagkakataon na iyun ay agad niyang ipinasok ang dila niya sa bibig ng dalaga na parang may kung anong hinahanap. Agresibo niya itong hinalikan at napangiti nalang siya ng tumugon ito. Tumagal ng ilang segundo ay naging masintahin ang mga halik ng pinagsaluhan nila. Bumaba naman ang halik niya sa leeg nito at narinig naman niya ang mahinang ungol ni Lucy na parang kay ganda pa itong pakinggan kaysa sa musika. He licked and kissed the every angle to her neck with full of desire.

Napaungol muli si Lucy dahil sa sensasyong namamagitan sa kanilang dalawa. Bumalik ulit ang binata sa mga labi niya at sinalubong naman niya ito ng mapusok na halik. Naramdaman niyang uminit ang buo niyang katawan na parang may gusto itong makamit.

Para naman siyang nalugi nang humiwalay ang binata sa kanya at nasilayan naman niya ang matamis na ngiti ni Parker. Pinisil nito ang ilong niya kaya napanguso nalang siya.

"Not now baby, hind ko hamakin ang pagkakataong ito para angkinin ka dahil alam kong lunod kalang sa alak" paos sabi ni Parker at napangiti nalang doon si Lucy.

Pinaunan ng binata ang dalaga sa braso niya at niyakap ito. Ngiting-ngiti namang pumikit ang dalaga at yumakap pabalik.

Hinalikan ni Parker ang noo ni Lucy bago ito pumikit. Sa kabutihang palad ay tumahimik narin ang paligid at hinila naman sila ng dilim.

@Missloorh

I'll be gentle

Pft, malapit na dun ah buti naging gentle ako hahahaha

Hope you enjoy! Muaahhh

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon