Kaya kahit gusto ko mang kalimutan ang taong lubos na kinamumuhian ko ay hindi ko magawa dahil binigyan niya ako ng isang taong magpapaalala sa akin ng lahat.

And it's Ivan. It's his son.

But I don't want Ivan to become a reminder of what his father did to me. That's why I love him more than anything. He's a gift from above. God gave him to me. Ang iniisip ko na lamang ay binigay siya sa akin ng Diyos in a different way.

I suffered with his father's hands for ten days, but what I always think is that I won't have him if Ryoga didn't do it to me. Why am I thinking that way? Because I don't want to hate my son. Ayokong maging isa siyang masamang alaala para sa akin. Wala siyang kasalanan sa kung anong ginawa ng ama niya.




"Hala! Uncle Red?!"

Naputol ang pag iisip ko nang biglang tumayo si Ivan at tumakbo papuntang entrance. I look at it and my eyes widened when I saw Kuya Red standing there. Lumuhod siya para salubungin si Ivan nang yakap.

"Hi big boy!" Masayang bati niya kay Ivan. Binuhat niya ito at ginulo gulo ang buhok. "Did you miss me?"

"Opo!"

"I missed you too."

Nabaling ang tingin niya sa akin and I couldn't move. I really can't believe that he is here. He's finally here with us. Ang sabi nila Kuya Luke at Kuya Raine ay next week pa siya darating pero nandito na siya talaga.

"Hey." He called me. "You're spacing out."

"K-Kuya." I said and my tears started to fall.

I ran to him and I hugged him too. Naramdaman ko ang pagyakap niya rin sa akin gamit ang isa niyang kamay at mas lalo kong binaon ang sarili ko sakaniya.

"Hey, stop crying. Nandito na ako." Sabi nito na mas lalong nagpaiyak sa akin.


Bigla kong naalala ang huling pag uusap namin sa cellphone bago ako matagpuan ni Ryoga. Takot na takot ako noong oras na 'yon. Takot na mahuli at makuha ni Ryoga.

Binaba niya si Ivan sa pagkakabuhat nito at hinarap ako. Pinunasan niya ang mga luha sa mga mata ko at hinalikan ang noo ko.


"Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba niya?" Umiling ako sakaniya bilang sagot.

"Huwag ka nang umiyak. Iaalis ko na kayo rito."

Tumango na lamang ako sakaniya bilang kasagutan ulit dahil hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. He's finally here so I am safe. Ivan and me are safe from Ryoga.






Tahimik lamang ako nakaupo sa front seat habang bumabyahe kami nila Kuya Red. Hindi ko alam kung saan niya kami dadalhin ni Ivan. I didn't bother to ask dahil ang mahalaga sa akin ngayon ay ang makaalis sa poder ng kapatid niya. It's a good timing too dahil wala siya.

Hindi ko pa naikikwento ang nangyari dahil kasama namin si Ivan. I looked back at Ivan who's sitting silently at the back seat. Nakatitig lamang siya sa bintana na para bang ang lalim ng iniisip niya.


"Baby, are you okay?" I asked and he looked at me.

Ngumiti siya nang kaunti sa akin at napakunot ang noo ko. Bakit mukha siyang malungkot?

"I'm fine Mommy." He answered at binalik niya ulit ang paningin niya sa may bintana.





Huminto ang isang sasakyan sa tapat ng isang mataas na gate. Automatic na bumukas ang gate nito at pumasok ang sasakyan. Tinitigan ko ang malaking mansion na nakatayo sa gitna. This house is familiar. Is this their family mansion? So, rito niya kami dadalhin? The car stopped at bumaba si Kuya Red. Pinagbuksan niya ng pinto si Ivan at bumaba na lamang din ako.

His Story To Tell (R-18)Where stories live. Discover now