Chapter 36: Dinner preparation

601 15 1
                                    

"Ano pa bang kulang?" Tanong sakin ni Jobin habang nagtutulak siya ng cart.

We're doing the groceries kasi sa SM Makati.

Nagpasama ako sakanya na bumili ng mga ingredients para sa lulutuin kong food.

Ininvite ko kasi si Sir Gelo na pumunta sa bahay namin.

Remember the time na naaksidente ako sa may stairs at tinulungan niya ko? Yes. That's it.

Di ba nag promise sakin si Sir Gelo na papayag siyang kumain sa bahay para makabawi naman ako sakanya?

Ayun. Nung nakuha ko na yung number niya. Kinulit ko na siya about it.

So, after ng camp nila, nag promise siya sakin na papayag na siya.

"Okay na lahat. Feeling ko wala ng kulang." I said.

Magluluto lang ako ng simpleng adobo pero sinuggest ni Jobin na i-fry ko daw muna yung pork tapos mag add ako ng Mang Tomas sa sauce.

Naisip ko rin gumawa ng Garlic fried chicken. Di ko rin to alam pano gawin. Si Jobin lang rin ang nag suggest.

Di ko pa siya na-try pero habang ini-imagine ko, feeling ko masarap nga.

Magbe-bake din ako ng brownies tapos gagawa ako ng Lemon Juice.

Ano? Nagutom ka noh? 😂

-

After namin mag grocery, dumirecho kami agad sa bahay. Dala ni Jobin ang sasakyan nila kaya di kami nahirapan sa mga bitbitin.

Sorry girls! Ang gwash ng driver ko. 😍

Nagpahinga lang kami saglit tapos nag start na kami mag-prepare sa kitchen.

Nag help lang ako sa mga simpleng task kagaya ng paghihiwa ng potatoes at garlic and onions, paglalagay ng breading sa chicken.

The rest na ng pagluluto si Jobin ang gumawa.

Nung tikiman time na, hindi ako makapaniwala na sobrang sarap niya pala magluto.

As in literal na HEAVEN. 😍😊

"Grabe ka tol ah! Ngayon ko lang nalaman na may talent ka pala sa kusina."

Ngumiti lang siya sabay sabi ng "Well... Ako pa ba?"

"Lakas maka Chef Boy Logro nito!"

"Oo na. Tama na. Wag mo na ipamuka." Pagmamayabang niya.

"Nice! Nice! Pwede na mag asawa."

After that, siyempre kinailangan naming mag clean din sa bahay. Nakakahiya naman kay Sir Gelo kung madadatnan na naman niya yung "after typhoon" like peg ng baler namin.

Eto gusto ko kay Jobin eh. :) Masyadong matulungin at supportive sa malandi niyang bestfriend. :D

"Grabe ka tol. Dapat binabayaran mo ko kahit minimum man lang." Pagrereklamo niya.

Sabi niya nga pagod na pagod daw siya sa pagtuturing ko sakanya bilang isang aliping sagigilid.

Natawa ako.

"Isang Flores magpapabayad ng minimum? Parang di naman."

"Kesa naman sa TY lang."

"Edi TYSM!" Nakatawa kong sabe.

Binatukan niya ko ng bahagya gamit ang pot holder.

After that, biglang tumawag si Sir Gelo na malapit na daw siyang matapos sa ginagawa niya and any minute ay dadating na daw siya sa bahay.

I'm inlove with my teacher (True to Life Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon