Chapter 14: Moving Closer

1.2K 20 4
                                    

"Karen.." he called me out. 

Agad naman akong tumugon ng tingin sakanya.

"Yun nga, like what I said. I'm really sorry." 

His voice was too low. Pakiramdam ko nahiya talaga siya about what happened.

"It's okay, Sir. I mean... wala yun. Pwede ba tayong magpretend na it didn't happen?"

Napakunot ang 2 niyang cute eyebrows. Nagtataka siguro siya bakit parang wala lang sakin. 

"Wag na kayong mag sorry." I said in a firm tone kind of voice habang pinupunasan ko ang sarili ko ng towel na nakasabit doon sa may cabinet.

Inabutan ko din siya ng isa. Nahihiya man, tinanggap niya pa rin.

"No, I mean... Gusto kong mag sorry. Kasi yun yung gusto ko. I just want you to know na hindi ako ganung klase ng tao. Hindi ko yun ginagawa. Never ko pa yun nagawa sa estudyante ko. Ayoko lang na pag isipan mo ko ng masama.

Lumapit ako sakanya. "Sir, hindi ko kayo pinag iisipan ng masama. Promise."

Nagpatuloy lang ako sa pagpupunas ng katawan ko. Medyo weird ang pakiramdam kasi feeling ko he's watching me. I just pretend not to care. 

"Isa pa... ginusto ko rin naman yun eh." Nabigla ako sa nasabi ko pero it's true. I have to admit that.

Natahimik siya. 

Ayoko ng mag isip. Kaya sinabi ko na lang yun. Besides, yun naman ang totoo eh.

"Saka nangyari na eh. Sana lang hindi tayo maging awkward sa isa't isa." I said.

He smiled at me. "Yun din yung iniiwasan kong mangyari. Ayokong maging awkward tayo sa isa't isa."

-

Sabay kaming bumababa ni Sir Gelo papunta sa may dining area by the pool side kung saan nandoon ang mga classmates ko. Lahat sila masayang kumakain. 

Grabe. Sobrang daming food sa hapag. May chicken, lechon kawali, bbq na pork at chicken at fish. Meron ding hotdogs, pancit, ice cream, adobo at kung ano ano pa. Hmmm. Mukang kakainin ko na nga ang mga sinabi ko kanina at magaling pala talaga magluto ang mga classmates ko na akala ko eh mga chef wanna be lang.

Tumabi ako sa grupo namin nila DL. Hindi naman din kasi pwedeng lagi akong nakabuntot kay Sir di ba? Mahirap na. Madaming chismosa at madumi mag isip. Alam niyo na. -.-

"Sir, pwede ba tayong mag inom tonight?" tanong ng isa kong classmate. 

Lahat naman ng classmates ko eh nagsipag daldal na agree silang lahat. Nakangiti lang si Sir Gelo at Oo agad ang sinagot niya. Sinabi niya na after daw namin mag hapunan, bibili daw siya sa labas ng maiinom.

"Basta lahat iinom ah?" Nakangiting tanong ni Sir Gelo samin.

Maiba ko, darating na lang pala talaga sa point na mapapangiti ka nalang bigla out of nowhere noh? Iba talaga yung kilig na dala pag gustong gusto mo yung tao. Eto yung nararamdaman ko now. Halos di ako maka-kain sa pag iisip.

Lalo na't yung taong iniisip ko nasa di kalayuan lang at paminsan minsan eh tumitingin rin sakin. :">

Nag prisinta ako kay Sir Gelo na sasama ako sakanya sa pagbili ng alak sa labas. 

I really want to make sure na di kami awkward sa isa't isa and ito yung best chance para mabreak yung ice saming 2.

"Okay lang sana pero tignan mo naman yang suot mo." He commented. 

Ininsist niya na kailangan ko mag change. Hindi raw pwede tong ganito kong damit. Kaya ayun, pinahiram niya ko ng isa sa mga shirt niya. Yes, you read it right guys. Sir Gelo let me fucking borrow one of his shirts.

I'm inlove with my teacher (True to Life Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon